Part 9

358 14 2
                                    

5 years after......

VEE's POV

"vee kanina ka pa ba? sorry ngayon lang ako nakarating masyado kasing traffic alam mo naman diba ang maynila" sabi ni lance habang umuupo 


andito kami ngayon sa coffee shop na napatayo ko, this is one of business sobrang saya nga na natupad na rin ang pangarap kong magkaron ng coffee shop

limang taon na ang nakalipas pagkatapos ng mga pangyayari na ayoko ng alalahanin, after namin mag away ni jennie napilitan akong lumipat ng school para lang matapos yung course ko

after ko maka graduate i started saving up para sa business ko na to, kaka open nya lang actually ngayon, ininvite ko si lance pero syempre sabi nya nga diba na late sya. 


"hindi ka lang talaga umalis ng maaga masyado kang nasanay sa traffic ng japan hahaha" natatawang sabi ko sa kanya, after kasi nya maka graduate pumunta na sya sa japan


"haynako pero uy congrats vee ah! parang dati lang dinidesign pa natin yung interior pero ngayon ayan nag sisimula na pangarap mo" hinawakan ni lance yung kamay ko 


"masaya ako para sayo vee, sobra" sabi nya binigyan nya ako ng matatamis na ngiti, di talaga nag babago si lance 


"so ano? okay lang ba sayo na maging server ka? bakit kasi di ka na lang mag apply sa ibang company bilang IT? " tanong ko sa kanya pinipilit nya kasi ako kung okay lang daw ba na mag sideline sya dito sa coffee shop


"vee alam mo namang hindi to long term may inaayos lang akong papel, saka nakaktamad na mag computer para naman ma iba diba" masaya nyang sabi sakin tumataas taas pa ng kilay ni tanga


"ay nako basta minimum lang sahod mo ah" sabi ko sa kanya


"kahit wag mo na ako bayaran" masayang sinabi nya


tinignan ko lang si lance habang kumakain, sobrang thankful ako na nasa tabi ko parin sya hanggang ngayon, he's really a good guy. 


" wag mo ko titigan maiinlove ka nyan lalo" suway ni lance 


"siraulo ka parin" 


tumayo ako after ko sabihin yun at pumunta ako sa likod ng store dun lang din kasi located yung office ko para di na rin malayo. 

siguro may mga 15 minutes na ako andito sa loob ng office at di ko napansin na andito na pala si lance sa loob.


"sa totoo lang vee namiss kita" seryosong sabi nya bago sya maupo 


"namiss rin kita iniwan mo kasi ako eh" reklamo ko sa kanya


"eh kung di mo ko binusted di naman kita iiwan" seryosong sabi ni  lance


natamihik ako ng ilang minuto dahil di ko rin alam kung ano isasagot ko sa sinabi nya


"joke lang vee yan ka na naman, di mo kaylangan isipin yun naiintindihan naman kita eh" lumapit sya sakin at inalalayan akong tumayo

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now