Part 10

404 19 5
                                    

VEE's POV

" andito pala kayo pre" sabi ni lance sa mga dumating na kaibigan rin naman dati 


"uh, sabi kasi ni jennie dumaan na kami since along the way naman" napatingin ako kay wise


and yes si wise and jennie yung dumating, jennie is pregnant halata naman sa tyan nya, im very happy for them ehehehe


"di mo man lang sinabi vee, parang others naman" sabi ni jennie sabay tapik sa balikat ko 


"ahh hehe, sige dito na kayo may aasikasuhin lang rin ako" 


umalis na ako sa table na yun, dahil as much as possible ayoko na ng gulo i had enough, at ano ang sabi nya? others? pshhhh sinasabihan nya ba sarili nya? 


di ko alam na sinundan ako ni lance dito sa office ko 


"bakit ka umalis? ang awkward tuloy" sabi nya at tumabi sa akin 


" ewan ko ba ayoko lang sila makita specially jennie, alam mo naman yung nangyari diba"  napayuko ako after ko sabihin yun lumapit naman sakin si lance at tinapik ang likod ko


"hindi habang buhay matatakbuhan mo ang katotohanan vee, minsan okay rin harapin yung problema para mabawasan yang iniisip mo" 


pagkasabi nya non lumabas rin sya agad, di ko naman maiwasan na mapaluha sa sinabi nya, tama sya eh 5 years  ko tinakbuhan yung problema, yun yung lagi kong ginagawa and wala rin namang nangyayaring maganda. 


*knock *knock 


nang tignan ko kung sino yung nasa pinto, si danerie at si jennie pala. pinapasok ko naman sila at pinaupo. 


"kamusta ka vee?" tanong ni jennie ng may malaking ngiti sa kanyang labi, paano? paano nya ako natitignan ng ganto? 


"okay naman, unti unti ng nagiging totoo yung mga pangarap" sabi ko naman 


"vee about that day, gusto ko sana humingi ng patawad sayo, alam mo naman di na ako makapag isip nung mga panahon na yun" hinawakan ni jennie yung kamay ko 


"hayaan mo na yun, and para lang malinaw, di ko ginusto na yakapin si danerie" yun pa lang na sasabi ko pero nag salita na si jennie


"nakwento na lahat sakin ni danerie vee, sorry kung parang binalewala ko yung mga sakripisyo mo ni hindi ko man lang naramdaman na may gusto ka pala kay danerie" tuloy tuloy na sinabi ni jennie


"ah! wala yun matagal na yun, masaya ako para sa inyo" sabi ko sa kanila, tinignan ko si danerie pero di sya makatingin sa akin


"kukunin kitang ninang sa anak namin ah" masayang sinabi ni jennie


ako na ata ang ninang of the year hahaha, kaloka di ka na nga napili ikaw pa kukuning ninang hahaha awit


"oo naman" sabi ko 


tumayo si jennie at yinakap ako, yinakap ko rin naman sya tinignan ko uli si danerie pero di parin sya makatingin sa akin, ano ba meron sa mukha ko 


"maramaming salamat vee" 


kakalimutan ko na lahat para lang sa anak nyo, dahil wala naman syang kasalanan sa mundong ito. kelan ba ako magiging masaya? hanggang kelan ako ganito

--

ilang araw na rin ang nakalipas mag buhat ng mag kausap kami uli ni jennie paminsan eh nadalaw sila dito pero hindi madalas, si lance naman eh hanggang ngayon nag ttrabaho parin dito sa shop ko


sobrang busy ngayon at dahil weekends, busy ako sa pag asikaso dito sa office ko ng biglang dumating si lance


"vee may nag papabigay sayo" sabay abot nya sakin ng isang box tinignan ko ng mabuti pero walang card


"kanino raw galing?" tanong ko sa kanya


"eh wala eh, may nag padala lang na courier" sagot naman ni lance


tumango lang ako at nagpaalam na rin sya agad since marami nga raw guests. tinignan ko ng mabuti yung box, kanino naman kaya to mang gagaling


hinila ko yung ribbon para mabuksan na nga, at bumungad sa akin ang isang box na punong puno ng rosas. nakita ko rin na may card sa likod ng takip ng box kaya binasa ko agad yun


Hi vee!

i can't help my self but to do this, sa loob ng limang taon wala paring nag bago

pagkakita ko pa lang sayo, bumaliktad na naman ang mundo ko paano mo nagagawa yun vee?

ganun na ba kalakas ang tama ko sayo? sana mabigyan ng pagkakataon ng tadhana yung love story namin natin vee. 

gustong gusto ko harapin yung bukas kasama ka. 

5 years after ikaw parin sinisigaw ng puso ko 

-sayo parin si law 


nanlaki naman yung mata ko ng mabasa ko kung kanino galing, aba gago pala tong si danerie gagawin pa ata akong kabit sira ulo pala talaga tong kupal na to.


maya maya pa eh may natanggap akong text mesg.


*text message*

from: unknown

hi vee, for sure natanggap mo na yung flowers. and alam ko naman na alam mo kung kanino galing yan at di ka nag kakamali, bago ka mag isip ng kung ano ano pwede ba tayong magkita. gusto ko lang mag usap tayo please..

-

aba loko talaga tong isang to, san naman nya kaya nakuha yung number ko, bakit mo naman ako ginugulo na naman danerie ayoko na ng gulo. ayoko na namang umasa sayo. 


please danerie tigil

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now