Part 2

529 17 3
                                    

VEE's POV

andito kami ngayon sa office, nag patawag kasi ng meeting si lance since may plano raw syang gawin for the intrams malapit na rin kasi.

"so good morning guys sorry kung maaga tong meeting natin alam ko naman kasing may klase pa kayo mamaya" pag uumpisa nya

"bago pala tayo mag simula, papakilala ko muna sa inyo si danerie" sinenyasan nyang lumapit sa harap si wise 

"sya yung papalit kay kuya paul, since di na sya makakapag participate sa atin ngayon kasi may thesis pa sya since graduating na sya, sige danerie pakilala ka" tumango naman si danerie sa sinabe ni lance

"HI, Im Danerie James Del Rosario pero you can call me wise nasanay na ako, uhm 19 yrs old 3rd yr na rin I.T pala yung course ko" nahihiya nyang sinabe

"so guys, sana ituro nyo kay wise yung mga diskarte natin, wag ka matakot mag tanong sa mga yan mukha lang nangangagat pero  mababait yan"  siraulo talaga tong hayop na to

"anyways back sa plano natin, uhm im planning to create magazine type sa mangyayaring intrams not just news papers" 

"gusto ko yung macocover natin lahat ng sports. lahat ng booths i want everything this will be good since eto yung first time na gagawin natin to. what do you say?" tanong nya

"di ba nakakpagod yun?" tanong ko nanlaki naman agad yung mata nya

"char lang di ka mabiro, actually thats a great idea" sabi ko

"bali bubuo tayo ng 3 team para macover lahat yun. ano gusto nyo ako na mag assign or kayo na?" tanong nya

"siguro mas okay kung ikaw na lance para wala ng chika" sabi ni ella isa rin sa mga writers rito.

"okay okay, sige ella and topher kayo na since mag jowa naman kayo, sam and edward kayo na lang and vee and wise kayo na, since si vee naman yung pinaka walang hiya sya na lang samahan mo wise para mabawasan shyness mo" aba loko tong kupal na to ah, pero thankyou parin kasi partner ko si wise ihiihi landi mo veeee!!!

"apaka walang hiya mo talaga" sabi ko sa kanya

natawa lang sya and tinapos nya rin yung meeting yung iba nag silabasan na kasi di pa raw sila nag breakfast apaka aga naman kasi ni tanga mag pa meeting

"vee lets get coffee treat ko" lance, aba ano kaya nakain nitong tangang to?

"baka may lagnat ka ah, pero ayoko iwas muna ako sa kape nagloloko tyan ko" sabi ko napansin ko naman na nawala ngiti nya. ano kaya problema nito

"ah ganun  ba, sige sige mauna muna ako" sabi nya tumango lang ako

tinuloy ko na yung sinusulat ko about sa bagong Kitchen Laboratory ng College of Hospitality Management,  makakatambay na naman ako don sa intrams mabubusog na naman ako hahahhaa pag intrams kasi may cooking show doon eh hahahaa

"may gusto ba sayo si lance?" napabalikwas ako sa kinauupuan ko pucha akala ko ako lang mag isa dito sa office andito pa pala si baby boy

"pucha naman wise, nahulog puso ko" sabi ko with matching kapit sa dibdib pa

"asan kunin ko" sabi nya tapos yumuko na parang may hinahanap

"ay bumabanat ka pa ng ganyan ah, pa fall ka rin pala" sabi ko natigil naman sya at umupo ng maayos

"ay sorry joke, feeling close lang" sabi naman nya

"okay lang, mas okay tong nag uusap tayo kasi mag sasama tayo ng 1 week para sa intrams" sabi ko, pero di ko parin sya tinitignan dahil  busy ako sa ginagawa ko

"ay oo nga pala anong college yung iccover natin?" tanong nya sakin

"hmmm, last year kasi ang cinover ko is yung sa Hospitality Management saka yung sa Crimonolgy and Public Ad." sabi ko sa kanya

"how come sinagot mo tanong ko ngayon pero di mo sinagot yung tanong ko sayo kung may gusto sayo si lance?" nakuha ni wise atensyon ko at nakatingin ako ngayon sa mukha nyang napaka gwapo

"aba may pagka marites ka rin pala ano? walang gusto sakin yun" sabi ko sa kanya tumango tango naman sya ng nakangiti

"bakit?" tanong ko sa kanya

"wala nakita ko kasi spare phone nya kanina wallpaper ka" 

para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabe nya after nyang sabihin yun lumabas na sya ng office

seryoso ba lance? pucha naman lance! bat ka ganyan?!!

"ah andyan sa loob pasok ka lang" narinig kong sabi ni wise may kausap ata sa labas

maya maya pumasok naman yung pinapapasok nya, pagtingin ko si jennie pala

"teh!!!!" tili nya at nag mamadaling lumapit saken

"ano ba jennie ang ligalig ha ang aga aga" iritang sabi ko

"teh! sino yun? bat di mo naman sinabe na may ganun ka gwapo dito senyo!" sabay hampas sakin, aba etong babaeng to talaga

"kahapon lang yan dito, si  Danerie kapalit ni kuya paul" walng gana kong sabi 

"ilakad mo naman ako don teh! sya na ata yung the one ko" napatingin ako sa kanya, kitang kita sa mukha nya yung saya nya, yan rin sinabe ko kahapon eh hehehe

"sige sa intrams sumama ka samin iccover naming dalawa" sabi ko  sa kanya bigla naman nya akong niyogyog

"teh!!! thank you! the best ka talaga hayaan mo ikaw ang maid of honor sa kasal namin" aba ang loko nangarap na agad

"taena mo teh! di ka pa nga kilala ng tao, kasal kana agad" sabi ko sa kanya

"ah basta! kanina nung pagkakita ko sa kanya parang nag slow mo yung paligid ko at sya lang nakikita ko, diba sign yun?" tanong nya

sasagot na sana ako kaso bigla ng nag bell indicating na 8am na at start na ng klase, di na ako nakasagot sa tanong nya

"yan may klase na mauna kana jennie, may kukunin pa ako sa locker ko" sabi ko sa kanya

"sige sige, basta ha! si danerie my love!" tumango lang ako sa pa alala nya.

nag lakad na ako papuntang locker andon kasi yung mga libro ko, ayoko kasing dala araw araw mapuputol braso ko, 

pagkabukas na pagkabukas ko ng locker may nahulog na papel ng tignan ko kung ano. 

"hi vee, 

goodmorning, sobrang ganda mo talaga lalo na pag malapitan. nakakawala ng pagod yung ngiti mo, 

tingin ka sa ibabaw ng locker may box ron, enjoy your breakfast 

from. law" 

napataas naman kilay ko, ng kapain ko yung sa taas ng locker may nakuha akong isang lunch box, may laman na nuggets and fries. lumingon lingon ako nag tagpo ang mata namin ni lance pero bigla nya iniwas ang tingin nya. di kaya kay lance to galing?

bat mo naman ako bibigyan ng ganto lance? 

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now