VEE's POV
it's been 3 days since nag usap kami ni wise, di na rin muna ako pumapasok kasi di ko rin alam kung anong ihaharap ko kay wise, he's been texting and calling me asking if i'm okay, pero di ko rin sya sinasagot
jennie also came here sa bahay para tanungin kung ano problema ko pero syempre di ko rin naman kayang sabihin sa kanya yung dahilan kaya ang sabi ko na lang eh masama lang ang pakiramdam ko.
"hanggang kelan ka magiging ganyan?" di ko napansin na nakapasok na pala si papa dito sa kwarto ko, kinuha nya yung bangko at umupo sa harap ko
"tatlong araw ka nang ganito anak, ayokong mang himasok sa problema mo pero di ko kayang makita kang nag kakaganyan, pwedeng pwede mo naman sabihin sakin eh papakinggan ka ni papa" sabi ni papa
kinuha nya yung kamay ko at hinawakan ito ng ma higpit, nagsimula ng tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan tumulo.
kinwento ko lahat kay papa at nakinig lang sya sakin, pinakinggan nya lahat ng mga sinasabi ko.
"mahal ko sya pa, ngayon ko lang to naramdaman" sabi ko, tinignan ako ni papa sa mga mata ko
"ramdam ko naman yun anak, hindi ba pwede intindihin ka na lang ni jennie? tutal kayo naman ni danerie ang nag mamahalan" sabi ni papa, sabay pinunasan nya yung mga luha ko
"di ko kayang makitang malungkot si jennie papa. ngayon ko lang sya nakitang masaya"
"kung ano ang sa tingin mo ang tama anak, basta andito lang lagi si papa wag kang mag dalawang isip na mag sabi sa akin" yinakap ako ni papa pag katapos nyang sabihin yun.
umalis rin sa kwarto si papa agad, tinignan ko naman yung litrato ni mama sa bed side table ko, ma, i know nakikita mo ngayon lahat ng ito bigyan mo naman ako ng sign kung ano yung dapat kong gawin
after ng ilang minuto ng pag iyak napag pasyahan kong bumaba sa garden nakita ko kasing may namulaklak ng halaman. habang nag mumuni muni ako sa garden, may napansin akong tao na panay ang silip sa gate kaya pinuntahan ko ito baka kasi may hinahanap
pero dapat pala di ko na lang pinuntahan dahil di pa ako handang mag pakita sa kanya.
"vee, glad youre here, can we talk?" wise.
sumama ako kay wise at dinala nya ako sa park parehas kaming umupo sa swing, nakatingin lang ako sa mga batang nag lalaro.. nakakamiss yung nasa ganong edad lang at ang problema mo lang eh pano matulog sa hapon
"vee i'm sorry alam kong nabigla ka sa sinabi ko pero sana wag mo naman pabayaan pati pag aaral mo" sabi ni wise, tinignan ko sya pero naka tingin rin sya sa mga bata
"bakit di mo ako sinagot noong araw na yun vee? si lance ba talaga ang gusto mo?" this time tumingin na sya sa akin. nagulat naman ako kaya napa iwas ako ng tingin bigla
"wala akong gusto kay lance"
"alam mo naman na may gusto sayo si jennie diba? she's my bestfriend wise di naman pwedeng di ko isipin nararamdaman nung tao" paliwanag ko sa kanya napabuntong hininga naman sya
"i know pero ikaw gusto ko vee, not her. o ayaw mo lang talaga sakin?" napatingin ako kay wise
tumayo ako at lumapit sa harap nya, hinawakan ko ang magkabilang pisnge nya at sinabing " gusto kita pero di ko kayang gustuhin ka habang yung bestfriend ko eh malungkot di ko kaya wise ngayon ko lang sya nakita na ganun kasaya ayokong maging selfish"
after ko sabihin yun eh umalis na ako pero pinigilan nya ako, hinatak nya ako at yinakap nya ako bigla na kinagulat ko
"vee piliin mo naman sarili mo this time"
kumawala ako sa yakap nya at nakita ko sa mga mata yung mga luha na nag babadyang tumulo sa kanyang mga mata.
"do me a favor danerie, please be with jennie"
umalis na ako pagkasabi ko non at umuwi na ako, nag simula na naman akong umiyak, napaka hirap naman palang mag mahal. ano na naman yung sinabi mo na yun vee? kelan mo ba pipiliin ang sarili mo? kelan mo ba pipiliin yung kaligayahan mo?
----
kinabukasan pumasok na ako dahil di ko na rin kaya ang mag mukmok parang wala naman kasing nagagawang mabuti. pagpasok ko sa office maraming flowers at chocolates ang nasa desk ko
"uy vee welcome back, are you okay na?" tanong ni lance, tumayo ito at lumapit sa akin
"ah oo, okay na ako need ko na pumasok malapit na ang finals" sabi ko naman
"grabe yung secret admirer mo wala parin palya" lance, pagkasabi na pagkasabi nya non may pumasok
"wise andyan kana pala tamang tama, may ipapacheck sana ako sayo" sabi ni lance tumango naman si wise at sabay silang pumunta sa desk ni lance
"grabe vee, baka magkasakit ka ule kakakain ng chocolate nyan" lumapit sakin si ella, tinignan ko yung lamesa ko na puno ng chocolates.
lahat galing kay wise, pero law parin ang nakalagay sa sulat. kinuha ko yung mga cards at tinabi sa isang tabi.
"ella kunin mo na lang lahat ng chocolate sa inyo na lang, actually pati tong bulaklak" inabot ko lahat kay ella na hanggang ngayon gulong gulo parin
"sure ka? parang dati lang kilig na kilig ka kay law ah bat ayaw mo na bigla?" tanong ni ella
tumingin ako kay wise at mukhang nagtataka rin sya at the same time nalulungkot yung mga mata nya
"ayoko na pala sa kanya" yun lang sinabi ko at lumabas na rin agad.
paglabas na paglabas ko ng office, may naramdaman akong mahapdi sa pisnge ko, di ko napansin na umiiyak na pala ako sa sakit, tinignan ko kung sino yung sumampal sa akin, tinignan ko yung mga mata nya at galit na galit ang mga ito, pinipigilan sya ngayon ni edward dahil galit na galit sya.. bakit? ano ginawa ko sa kanya?
anong meron jennie?
YOU ARE READING
My Secret Admirer
Fiksi PenggemarNakaramdam kana ba ng love? have you been in love? what if na inlove ka sa taong di naman pwede? can you tell him what you feel? mahirap umamin eh, how can you confess if he's with someone na. do you just give up?