Part 8

365 20 13
                                    

VEE's POV

tinignan ko si jennie galit na galit yung mga mata nya, bakit? anong ginawa ko? sa lahat ng pinagdaanan ko bakit parang kasalanan ko pa? 


"WALANG HIYA KA VEE! SINABE KO NAMAN SAYO FEELINGS KO KAY DANERIE PERO BAKIT MO NAGAWA TO SAKIN" 


sigaw nya sakin, hawak hawak ko yung pisnge ko dahil ramdam ko parin yung hapdi, ano ba ginawa ko sa kanya? eh sya nga tong iniisip ko, naramdaman kong may kumapit sa balikat ko at pagtingin ko andito na pala si lance at wise.


"vee, alam mo naman na si danerie lang nag pasaya ng ganto sakin bakit kaylangan mong gawin sakin to?" umiiyak na tanong nya. 


bakit hindi ako makapagsalita, bakit di ko madepensahan sarili ko. bakit ? bakit ganito na naman. 


pinakita ni jennie yung cellphone nya at andon yung picture namin ni danerie na magkayakap sa park. siguro napadaan sya that time taga doon nga lang pala  sya


"alam mo bang lalapitan ko na kayo that time, kasi at last okay kana vee, tapos ayan makikita ko? naisip mo ba ako vee? naisip mo  lang ba yung feelings ko vee? of all people ikaw pa!" tuloy tuloy na sinabi ni jennie, nakayuko lang ako at umiyak na ng umiyak


eto yung ayaw kong mangyare kaya ayokong tanggapin yung sa amin ni danerie, kaya kahit maliit na chance di ko nakita. 


"tama na jennie" sabi ni wise, nakita kong nilapitan ni danerie si jennie at niyakap 


so ako nga kontrabida sa storya nila? siguro nga naguguluha lang si danerie sakin, siguro nga si jennie talaga ang gusto nya..


"i will not forget this vee, pati pagkakaibigan natin ginago mo! kaya pala ayaw  mo kong ilakad kay danerie dahil sinusulot mo na sya sakin" 


"umasa ka talaga na gugustuhin ka ni danerie? think twice vee, look at the mirror again, tignan mo kung sino ka! mang aagaw kang bakla ka!" 


di ko napigilan ang sarili ko at sinamapal ko si jennie, kitang kita sa mata nya yung gulat pero wala akong ibang maramdaman kundi galit, hinawakan ako ni lance at pilit na nilalayo kay jennie, ganun rin naman ginagawa ni danerie kay jennie pinipigilan nya ito makalapit sa akin.


"ayokong sabihin lahat ng sakripisyo ko dahil di ko kaylangan ng simpatya mo! kung yan ang tingin mo then be it! mag pakasaya kayong dalawa" 


umiiyak akong umalis sa lugar na yun, naririnig ko lang na tinatawag ako ni lance, at naka keep up sya sakin hinatak nya ako at yinakap. di ko alam pero yinakap ko lang din sya


"shhhhhh. lets go somewhere else vee" 


hinayaan ko si lance na dalhin ako sa kotse nya, nag drive lang sya hanggang sa makarating kami doon sa dati naming pinuntahan, saktong palubog na ang araw noong makaupo kami malapit sa tabing dagat.


"sana maisama ng araw yung nararamdaman ko para kay danerie, sana lumubog na rin" sabi ko habang nakatingin sa sunset 


"pero babalik rin yan kinabukasan eh" sabi naman ni lance


napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa karagatan


"bakit di mo sinabi kay jennie mga ginawa mo?" tanong sakin ni lance, this time tinignan nya ako, ako naman ang umiwas


"para saan pa? kitang kita naman sa mga mata nya na wala syang balak na pakinggan ako" 


"sawang sawa na akong mag makaawa sa mga tao sa paligid ko na wag umalis, mag stay sila sa tabi ko" 


"tama ka nga di nga ako sure kung nasa lagay ko si jennie, di ako makapaniwala na kaya nyang sabihin sakin yun" 


"danerie and i talked that day, dun sa picture na pinakita nya, after ako yakapin ni danerie sinabi ko sa kanya na i-date nya si jennie"

hinawakan ni lance ang braso ko at hinarap sa kanya "what? you seriously said that? why ? vee i know you love danerie pero sobra naman ata yun, kelan mo pipiliin sarili mo?" seryosong tanong nya sakin


"di ko alam lance, di ko nga alam kung deserve ko pa bang sumaya, siguro may nagawa ako sa past life na di maganda tapos ngayon binabawi lahat" naiiyak na sinabi ko sa kanya


"deserve mo sumaya vee, everyone's deserve it" hinawakan ni lance yung kamay ko napatingin ako sa kanya


"vee, bigyan mo ako ng chance hayaan mong alagaan kita, hayaan mong mahalin kita" seryosong sabi ni lance tinignan ko yung mga mata nya


bakit ganto self? bakit hindi na lang si lance? andyan naman sya oh, bakit si danerie parin? hanggang kelan mo ba pagdadamutan sarili mo vee? 


sorry lance..


(A/N: sorry sa short update, i will be updating this bukas na ulit and hopefully i can write 3 or more chapters! nababasa ko po lahat ng comments nyo and yun yung nag ddrive sakin para mag sulat salamat po talga, please po pa share ng story para sa mga mahilig mag basa na vwf! have a good day! happy reading!!)

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now