*Chapter I* "The Beginning"

77 5 0
  • Dedicated kay Jillianne Molina
                                    

"Wow!!! ayos 'to!"-tuwang-tuwa akong nagtatakbo papunta sa room namin, pagdating ko sa pintuan hinanap ko muna kung nasaan si Yukiko, nagbabasa siya.. grabe umagang-umaga babasahin nanaman ang kaharap...

"YUKIKO!!!"-tumabi agad ako sa kanya

Si Yukiko Konjo, siya ang best friend ko simula nung Grade School pa lang kami...lagi nga kaming magkaklase niyan e ^___^ at balak din namin na parehas kami ng school na papasukan sa College... 

"Miujie? ang aga-aga mo namang mambulahaw..."-sagot niya tapos nagbasa ulit

"E! excited lang ako kasi may nakita akong bagong tayong Food Stall at nagtitinda sila don ng BURGER!!! ^___^"

tapos niyugyog ko pa siya sa sobrang tuwa..hmmm marami namang food stand dito sa labas ng school namin kaso sa tingin ko mukhang masarap yung tinda dun sa bagong stand na yun kaya gusto kong subukan hehehe..

"Umagang umaga pagkain nanaman nasa isip mo?? parang di ka nag-aalmusal ahaha!"-sabi niya

"hay naku! kilala mo naman ako e, di ako matatahimik hangga't di ko nata-try yung burger sa food stand na yun!"-sabi ko sabay irap

"O sya sya, after class punta tayo dun para kumain ha, pero sa ngayon try mo kayang magreview muna?"-sabi ni Yukiko...wait? magreview?

"Review?bakit may test ba? ang alam ko sa friday pa yung long quiz natin sa AP ah?"-nagtataka kong tanong, alam ko talaga sa Friday pa??

"Shunga! Friday na po!"-natatawa niyang sabi

Tiningnan ko naman yung relo ko para i-check kung totoo yung sinabi niya..may date kasi yung wrist watch ko hehe

and then parang na-drain yung dugo ko..

OH MY!!! FRIDAY NA PALA? BA'T DI KO MAN LANG NA-REALIZE? T___T

tsk wala na kong nagawa kaya nagreview na ko sa first subject namin...Araling Panlipunan tsss... Kung alam ko lang sana na friday na pala ngayon edi sana nagreview ako kaninang madaling araw T___T bakit naman kasi nawala sa isip ko? ang shunga ko talaga..

============================

KAINIS!

sobrang nakakainis!

eto ako ngayon, ipinupukpok sa pader tong ulo ko habang nasa corridor ako kasama ang mga kaibigan ko, malapit na din kami sa Library

Hapon na ngayon, siguro mga 4:30 pm na, ewan ko di ko naman tinitingnan wrist watch ko e.. uwian na namin ngayon kaya nandito kami..

Ay naku inis na inis talaga ako ngayong araw na 'to!

Unang-una! pasang awa yung score ko sa long quiz sa AP, tapos ako ang may pinakamababang score saming magkakaibigan, si Yukiko?! ayun isa lang mali sa long quiz...

Pangalawa! Pinagalitan pa ko ng Teacher namin sa Physics! nahuli kasi niya kong kumakain ng Candy..sus naman para candy lang e! sana pala dalawa binili ko para binigyan ko din siya, mukha naman kasing suhol yun -___-

At itong Pangatlo!!! Hindi kami matutuloy kumain ng burger kasi naman tinawag kami ni Miss Fumizu Daisuke, siya yung matandang dalaga naming Librarian dito sa school, inutusan niya kaming maglinis daw muna ng Library ngayon ..

AAAAARRRRGGHHH!!!

Sobrang hmmmmp! ay naku >_<

Pumasok na kaming Lima sa loob ng Library tapos nilapitan na namin si Miss Daisuke..

A Perfect MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon