Ang Nakaraan:
Sa huli ay nakapagdesisyon na rin si Miujie na maging Katalonan ni Suzaku, kaya naman marami ang nagdiwang dahil sa wakas ay nakarating na ang dalaga mula sa ibang mundo tulad ng nasa alamat na magliligtas sa kanilang Imperyo...
Samantala, bago makuha ni Miujie ang kapangyarihan ng suzaku, kailangan niya munang hanapin ang pitong tagapagtanggol ng Suzaku, mapalad siya at nahanap na niya ang isa, si Hotohori...
=========================================
<*Miujie's POV*>
"Uhmmmm!!!!!!!"-wooow ang sarap talaga ng pagkain nila dito grabe!
Pagkagising ko kasi ay agad akong ipinatawag ni Hotohori para sabayan siyang mag-almusal kaya heto ako ngayon at busog na busog hehehe...
"Miujie, sa tingin mo, saan natin mahahanap yung lalaking nagligtas sa inyo noon?"-tanong ni Hotohori sakin kaya napa-isip ako
"Eh..hindi ko din alam Kamahalan.."-sabi ko at napakamot sa ulo
"Hotohori na lang ang itawag mo sakin Miujie"-nakangiti niyang sabi kaya tumango ako.. ang bait niya talaga at ang gwapo pa hwehehe...
"Kailangan mahanap na natin agad ang anim pa sa pitong tagapagtanggol ng suzaku bago pa mahuli ang lahat.."-sabi niya at bakas sa kanyang mukha ang pagkabagabag..
"Anong ibig mong sabihin na bago pa mahuli ang lahat?"-nagtatakang tanong ko sa kanya..
"Kailangan kasi nating maunahan ang kabilang Imperyo sa pagtawag sa Suzaku..."-sabi niya kaya lalo akong nagtaka
"Pero bakit naman?!"
"Dahil, matagal ng inaasam ng Imperyo ng Kouto na masakop ang buong Imperyo ng Konan at mapapabilis iyon kung mauuna silang tawagin ang kanilang Diyos na si Seiryu"-sabi niya sakin pero naguguluhan pa din ako
"Ha?pero paano naman nila----"
"Kamahalan nandito na po ang mga mandirigma mula pa sa malalayong bahagi ng Konan.."-sabi ng isa niyang kawal na siyang pumutol sa aking pagtatanong, teka? mga mandirigma?
"Hotohori?"-sabi ko at agad naman siyang tumingin saakin
"Pinatawag ko kasi ang lahat ng mga matatapang na mandirigma sa buong Siyudad, naisip ko kasi na marahil ay isa sa kanila ang tagapagtanggol ng Suzaku"-sabi niya sakin, okay na-gets ko na!
Agad kaming lumabas upang salubungin ang nagsipagdatingan na mga mandirigma
---------------------------------------------------
[IPT]
<*Yukiko's POV*>
"Ipinatawag ng Mahal na Emperador ng Konan na si Hotohori ang lahat ng mga matatapang na mandirigma sa buong siyudad ng Konan sa kadahilanang maaaring isa sa mga ito ang natatanging tagapagtanggol ng Suzaku, Sinalubong nila ito kasama ang dalagang nahirang upang maging Katalonan ni Suzaku at namangha sila sa dami ng nagsipagdalo sa nasabing pagtitipon-tipon"
"Haaay mukhang nag-eenjoy naman dyan sa loob ng Libro si Miujie e tingnan mo kasama niya pa yung Emperador dyan,"-sabi ni Naoko
"Oo nga, samantalang tayo namomroblema kung paano siya ilalabas dyan tsk"-pagsang-ayon naman ni Kiyoshi
-------------------------------------------------------
<*Miujie's POV*>
BINABASA MO ANG
A Perfect Mystery
FanfictionLife is like a library owned by the author. In it are a few books which he wrote himself, but most of them were written for him.