*Chapter IV* "The Beautiful Emperor"

66 4 0
                                    

Ang Nakaraan:

Muling nakabalik si Yukiko sa kanilang mundo ng hindi man lang niya alam kung paano, samantalang si Miujie naman ay naiwan sa loob ng libro na ang buong akala ay kinuha ng lalaking kasama nila si Yukiko kaya hinanap niya ito sa siyudad ng Konan...

At habang patuloy pa din siya sa paghahanap sa binatang may tatak ng halimaw sa kanyang noo ay di niya inaasahang magku-krus ang landas nila ng Emperador ng Konan...

=======================================

[IPT]

<*Yukiko's POV*>

"Ano naniniwala na ba kayo?"-tanong ni Akio kala Naoko at Kiyoshi matapos niyang ipaliwanag ang lahat nang nangyari...

"Oo, naniniwala na kami...kaso paano natin mailalabas si Miujie dyan sa libro?"-Tanong ni Naoko

Nakaupo kami dito sa bodega ng pabilog..nag-iisip kaming lahat kung ano ang gagawin namin

"So lahat ng nangyayari samin nung naandyan pa kami sa libro ay alam mo dahil nakasulat dyan?"-tanong ko kay Akio at tumango siya

"Unti-unting napupuno ang bawat pahina ng librong 'to at nakasulat doon ang lahat ng nangyayari sainyo..."-paliwanag niya pa

"Teka sandali! habang nag-iisip tayo ng paraan para dyan e basahin niyo muna yung libro para naman malaman natin kung ano nang nangyari kay Miujie!"-sabi ni Kiyoshi..tama siya!

"O sige"-sabi ni Akio at akmang babasahin na ang libro

"Sandali!, Akio, pwede bang ako na lang ang magbabasa niyan?"-tanong ko, gusto ko kasi talagang malaman kung ligtas ba si Miujie doon sa loob, tumango naman siya tapos ibinigay sakin yung libro

"Thanks.."-sabi ko at binuklat 'yon

"Hindi nagtagal ay nahanap na ng dalaga ang lalaking may marka ng halimaw sa kanyang noo kaya hinabol niya ito sa abot ng kanyang makakaya, ngunit hindi niya napansin na parating na pala ang karwahe ng Mahal na Emperador ng Konan, Muntikan na siyang mabundol nito mabuti na lang at nakaiwas ang dalaga ngunit dahil sa kapalpakan ay nasira niya ang isang bahagi ng karwahe kaya nagalit ang Mga Kawal nito sa kanya kaya naman tinutukan siya ng mga ito ng Espada at sibat..."

-------------------------------------------------------

<*Miujie's POV*>

Eeee! ano ba yan hinahabol pa din nila ako >___<"

Nagtatakbo pa rin ako para makatakas pero

"At may balak ka pang tumakas ha! Humanda ka! DAKPIN SIYA ---- teka anong...AAAAAAAAAAHHHH"-biglag nagsigawan yung mga kawal at yung mga kabayo naman ay nagwala

Teka ano to?nakakasilaw!

Huh!?

Ito!..ito yung pulang liwanag na lumabas sa libro at kumuha saamin ni Yukiko!, nakita ko ang sarili kong mga kamay na unti-unting naglalaho..teka anong nangyayari?

"Huh!? YUNG BABAE! NAGLALAHO SIYA!"-sabi nung isang kawal na humahabol sakin

"MADALI IALIS NA NATIN DITO ANG MAHAL NA EMPERADOR"

"Sandali! anong nagyayari?"-narinig kong nagsalita ang Emperador

"Yung babae! nababalutan siya ng pulang liwanang at unti-unti na siyang naglalaho!"

"Pulang liwanag?"-Ang Emperador, yun na ang huli kong narinig at...

-------------------------------------------------------

A Perfect MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon