Ang Nakaraan:
Nagulat na lang ang dalawang magkaibigan dahil pagmulat ng kanilang mga mata ay hindi na ang nakagisnan nilang mundo ang kanilang nakita 'yon ay dahil sa hinihop sila ng Librong "Ang aklat ng Apat na Diyos ng Kalawakan" sa hindi malamang dahilan,
Habang sila ay patuloy na naghahanap ng taong makakatulong sa kanilang pagbalik sa kanilang mundo ay nakilala nila ang mga masasamang loob sa lugar ng Konan at sa kasamaang palad ay nagtamo ng sugat si Yukiko dahil sa Pagsagip niya sa Kaibigang si Miujie na dapat sana ay siya ang matatamaan ng patalim,
Ganun pa man, masuwerte pa rin sila dahil sinagip sila mula sa mga masasamang loob ng isang lalaking may marka ng halimaw sa kanyang noo...
=================================================
[IPT]
<*Akio's POV*>
"Nang magamot ang dalaga ng manggagamot sa lugar na 'yon ay lumapit siya at ang kaibigan nito sa lalaking sumagip sa kanila upang magpasalamat..."
--------------------------------------------------------------------
<*Yukiko's POV*>
Medyo nawala na yung sakit na nararamdaman ko kasi ipinagamot na ko nila Miujie at nung Lalaking tumulong samin, buti na lang at libre lang yung pagkakagamot sakin dahil ayon sa Doktor na gumamot sakin ay hindi naman daw siya nahirapan sa paggamot sakin, e wala din naman akong dalang pera at isa pa baka hindi nila tanggapin yung ibabayad ko kung saka-sakali...
Nagpasalamat ako sa Doktor para sa libreng paggamot sakin pagkatapos ay lumabas na ko, bigla na lang akong niyakap ni Miujie..
"Miujie? ano ka ba okay na ko haha!"
"Buti na lang at okay ka na! sobra akong nag-alala sayo..."-sabi ni Miujie at parang naiiyak..
"Hoy ano ka ba?! baka umiyak ka pa ha! okay na nga ako haha 'to naman"-sabi ko tapos kumalas na siya sa pagkakayakap sakin...
"Yukiko salamat ha...iniligtas mo ko..."
"Wala yun..maraming beses mo na kong prinotektahan kaya naman gumanti lang ako..."
"Haha! okay lang sakin kahit burger o fries na lang! wag lang yung buhay mo..."-sabi niya...
"Naku tapos na yun! tara magpasalamat tayo dun sa lalaki!"-sabi ko tapos hinila ko siya papunta doon sa lalaking tumulong samin
"Ahm...maraming salamat nga pala sa pagtulong mo samin at sa pagdadala sakin dito sa pagamutan!"-sabi ko...
"Oo nga maraming salamat talaga ^___^"-sabi ni Miujie..
"Wag na kayong magpasalamat! Pera na lang ang ibigay niyo sakin ^___^"-sabi niya sabay lahad ng kamay as a sign na nanghihingi siya ng pera mula samin..
pero bakit PERA?
"Pera? so ang sinasabi mo kailangan ka naming bigyan ng pera kapalit ng pagtulong mo?"-sabi ko sa kanya
"Oo syempre! hindi mo ba alam na pera ang nagpapatakbo sa mundo!? tsk hay naku wala naman pala akong mapapala sa inyo e sana hindi ko na kayo tinulungan! makaalis na nga lang tsss.."-sabi niya tapos akmang aalis
"Teka may pera ata ako dito sandali"-bulong ni Miujie tapos kumapa-kapa sa palda niya samantalang ako ay hinabol yung lalaking mukhang pera tsk!baka kasi may alam siya kung paano kami makakauwi o baka may kakilala siyang tagapayo...
BINABASA MO ANG
A Perfect Mystery
FanfictionLife is like a library owned by the author. In it are a few books which he wrote himself, but most of them were written for him.