Ang Nakaraan:
Inis na inis si Miujie dahil sobra siyang minalas sa araw na 'yon pero wala naman siyang nagawa ng nakiusap sa kanila ang kanilang Librarian sa Iskwelahan na si Miss Daisuke na tulungan siya at ng mga kaibigan niya na linisin ang Buong Library sa araw na 'yon
Ngunit nang pumasok sila Miujie sa lumang Library (Bodega) ay nakaramdam siya ng kakaiba na para bang may naramdaman siyang isang malaking ibon ang pumapagaspas mula sa likuran niya...Ilang sandali pa ay nakatagpo silang dalawa ni Yukiko ng isang Libro "Ang aklat ng Apat na Diyos ng Kalawakan" at bigla na lang may lumabas na pulang liwanag mula dito...
==============================================
[Author's Note: May ialalagay po akong sign na ganito [IPT] ibig sabihin "In Present Time" hehehe kaartehan e nuh? kailangan kasi yun sa istoryahh xD]
==============================================
[IPT]
<*Akio's POV*>
"Hooooh! Oh ito na yung hagdanan!"-sigaw ko pag-akyat sa Bodega, inutusan kasi ako ni Yukiko na kumuha ng hagdanan para mailagay yung librong nahulog mula sa taas...
Hmm..nagkakapagtaka naman...wala man lang sumasagot ?! pinuntahan ko na lang ang lugar kung saan ko sila iniwan kanina...
"Yukiko! Miujie?! Oy ano ba? nasan ba kayo? tsk ano 'to taguan lang?"-Naiirita kong sabi tapos ay ipinuwesto ko na ang hagdanan sa tapat ng book shelf..
"Tsk ako na nga lang mag-aayos nito -___-"
Kukunin ko na sana yung libro pero nagtaka nanaman ako kasi nakabukas ito at halatang may nagbasa kanina...
"Haaay binasa muna nila to tapos pinagtaguan ako -___-"
"HOY LAGOT KAYO SAKIN PAGNAKITA KO KAYONG DALAWA!"-sigaw ko tapos kinuha ko na yung libro
"Teka tungkol saan ba tong libro na 'to?"-Sinuri ko muna ang libro mula sa cover nito, hmm mukhang isa itong Chinese Novel, binuklat ko ito at binusisi kung anong klaseng nobela ba 'yung nakasulat sa aklat pero nagulat na lang ako sa nakita...
----------------------------------------------------------
<*Miujie's POV*>
"Hmmm...."- unti-unti akong dumilat para lang masilaw sa sinag nang araw!
"Ay tsk! ano ba yan?!"-sabi ko tapos napakamot sa ulo,
Teka? bakit may araw dito? d-diba nasa Bodega pa kami ni Yukiko??
Tumingin ako sa paligid at na-realize ko na lang na...na wala na ko sa Bodega o sa Library man lang! n-nasaan ako?! at nasaan si Yukiko!?
Agad akong tumayo at hinanap si Yukiko..
"Yukiko!!! Yukiko!!! nasan ka?!"-sigaw ko habang naglalakad, nasaan na ba si Yukiko?.. ang alam ko magkasama kami kanina...sa Library...
"Mmm.. M-Miujie.. "
Narinig ko ang boses niya!
"Yukiko! Yukiko nasan ka!?"-ngayon naman tumatakbo na ko at hinahanap siya...nakita ko siyang nakaupo at hawak-hawak ang ulo niya
"Yukiko!"-agad ko siyang niyakap alam kong nagulat siya sa ginawa ko sobrang saya ko kasi akala ko ako lang mag-isa ang nandito..
"M-Miujie??"-nanlalaki ang mata niyang tumingin sakin..haha kahit best friend ko siya hindi ko naman siya niyayakap lagi pwera lang pag may okasyon o basta pag may nangyaring kakaiba... ganon...
BINABASA MO ANG
A Perfect Mystery
FanfictionLife is like a library owned by the author. In it are a few books which he wrote himself, but most of them were written for him.