Ang Nakaraan:
Nalaman na ni Miujie Teiko na nakabalik na ang kaibigan niyang si Yukiko Konjo sa kanilang mundo, samantalang siya naman ay ikinulong sa palasyo ng Mahal na Emperador na si Hotohori di dahil sa may nagawa siyang kasalanan kundi dahil sa may hinala si Hotohori na maaaring si Miujie na nga ang dalagang nahirang upang maging Katalonan ni Suzaku...
Sa kabila ng mga nalaman ni Miujie ay pinili niya pa ring pag-isipan ang mga bagay-bagay dahil ayaw niyang magdesisyon ng mabilisan sa kadahilanang ayaw niyang magsisi sa huli...Pero kahit ganoon ay pinatuloy pa din siya ni Hotohori sa palasyo niya nang bukal sa kanyang kalooban...
----------------------------------------------------------------
[IPT]
<*Yukiko's POV*>
"Uy Yukiko ano nang nangyayari dyan kay Miujie?"-tanong ni Akio sakin
Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa libro
"Sa kabila ng sinabi ng dalaga na pag-iisipan niyang mabuti ang iniaalok sa kanya ng Mahal na Emperador ay pinatuloy pa rin siya nito sa kanyang palasyo ng gabing iyon, at habang nagpapahinga ang dalaga ay napaginipan niya ang tungkol sa mundong kanyang iniwan..."
---------------------------------------------------------------
<*Miujie's POV*>
"Miujie! Miujie! kumain ka na ba?"
"Huh! Kuya!? Kuya Ryou!"-sabi ko sa kuya ko! Grabe miss ko na agad siya!
"Miujie! tara laro tayo ng sa pc mo hahaha!"-si Kuya Ryou naging si Kuya Yoshiro, yung pinsan ko
"Miujie...nag-aral ka na ba para sa entrance exams mo? kailangan mong makapasa dun kaya dapat mong pag-igihan!"-si Kuya Yoshiro biglang naging si Mama?!
"Mama!"-sabi ko at nung niyakap ko siya ay...
"Miujie...umuwi ka na dito sa mundo natin! miss na miss na kita!"-sabi ni Yukiko...
"Yukiko! tulungan mo kong makauwi pakiusap!"-sabi ko at unti-unti na siyang lumalayo sakin
"YUKIKO!!! PAKIUSAP TULUNGAN MO KO!!!"-sumisigaw ako habang hinahabol ko siya
"TULUNGAN MO KO!!!!"
bigla na lang akong nagising habang nasigaw...panaginip lang pala...
Napaiyak ako dahil nami-miss ko na sila Mama, Kuya Ryou, Kuya Yoshiro at sila Yukiko...
Bigla kong naalala yung sinabi ni Hotohori kahapon..
"Lahat ng kahilingan mo ay matutupad...kahit pati ang buong mundo ay mapapasa'yo kung gugustuhin mo, Miujie..."-sabi niya...
Eh paano kaya kung hilingin ko sa suzaku na makauwi na ko sa mundo namin...
Oo nga! tama!, agad akong nagbihis at hinanap ko agad si Hotohori, sinamahan naman ako ng isa sa mga katulong ng palasyo na umalalay sa akin kahapon...siya si Shei-Lon
"Hotohori?!!! "-sabi ko habang tumatakbo
"Sandali lang po Lady Miujie..."-awat sakin ni Shei-Lon
"Hotohori!!!!!"-sabi ko pa rin at pagkatapos ay binuksan ko agad yung pintuan ng kwarto niya, nakita kong nagulat siya sa bigla kong pagpasok..sorry naman excited lang ako e
"Naku ipagpaumanhin po ninyo kamahalan kung nakaistorbo kami, gusto po kasi kayong kausapin ni Lady Miujie.."-paliwanag ni Shei-Lon
"Sorry ha Hotohori--este Emperador Hotohori pala..gusto lang talaga kitang kausapin!"-sabi ko
BINABASA MO ANG
A Perfect Mystery
FanfictionLife is like a library owned by the author. In it are a few books which he wrote himself, but most of them were written for him.