Chapter 8

10.1K 318 385
                                    

GUGULPUHIN niya talaga si Santillan kung 'di naging matamis 'tong watermelon na bigay nito. Buti na lang matamis kaya umatras kamao niya. Tinawag pa talaga niya si Spel para gawin 'yong napanood nila noong isang taon sa pinanood nilang Kdrama kung saan hinati lang sa dalawa ang malaking watermelon, inalis ang mga seeds, at hinukay ng kutsara ang loob. Nilagyan pa ng yakult, sprite, at ice. Naalala niya kaya natakam siya. Hindi siya kakain hanggat hindi si Gospel Grace ang gagawa nun.

"Alam mo, may feeling ako na pinapunta mo lang ako rito sa bahay mo para may utusan ka," basag nito mayamaya.

Ngumisi siya habang nasa bibig ang kutsara.

Bumuga ito ng hangin. "Sabi na e! Naku, ikaw talaga." Akmang ibabato nito sa kanya ang hawak na kutsara pero 'di nito itinuloy. Pinaggigilan na lang nito ang watermelon na hawak nito. "Pasalamat ka't buntis ka dahil isinaksak ko na 'tong kutsara sa ngala-ngala mo."

Inalis niya ang kutsara sa bibig at natawa. "Dami mong reklamo pumunta ka rin naman. 'Di mo lang ako matiis."

"Hindi ikaw ang pinunta ko rito kung 'di chismis. Ano na? Kailan n'yo planong sabihin kina Tita Mati ang lahat?" Hininaan nito ang boses.

"Wala pa akong balak. Siguro kapag lumagpas na ako sa three months. Hindi pa naman halata ang tiyan ko."

"E si Word? Anong reaksyon niya noong ma wrong send ka?" Tatawa-tawa ito pagkatapos. "Sayang, 'di ko nakita. Siguro ang romantic ni Word kagabi?"

Umasim ang mukha niya. "Gago 'yon! Sarap ambanan ng suntok hanggang sa bumulagta sa sahig. At saka huwag nga natin pag-usapan ang lalaking 'yon. Umiinit ang ulo ko."

Itinabi ni Spel ang watermelon kasama ng tray. Tumayo ito ay pinagpag ang shorts bago naupo sa tabi niya sa itaas ng kama.

"Vel, wala ka ba talagang kaunting nararamdaman kay Word?"

"Meron."

Nangislap ang mga mata nito. "Talaga? Ano?"

"Matinding galit."

"Ay! Ano ba 'yan?! Hindi ganyang feelings. 'Yong iba, like crush or admiration."

"Hindi ba pareho lang 'yan?"

Natawa ito. "Gaga! Seryoso ako. Kasi feeling ko kaya naman magseryoso ni Word ngayon pa't magkaka-baby na kayo." Kinikilabutan pa rin talaga siyang isipin na magkaka-baby na sila ni Santillan. Siguro mas matatanggap pa niyang engkanto ang ama ng anak niya. "Kaya, bakit 'di mo bigyan ng chance kung nanghihingi?"

"Kakasulat mo 'yan ng romance kaya ganyan ka mag-isip. Lahat na lang ng bagay kinikilig ka." Tawang-tawa ito. "Saka 'yang si Santillan, pinanganak 'yang malandi. Tatanda 'yang malandi. Mamatay 'yang malandi." Sumubo ulit siya ng watermelon mula sa hawak niyang mangkok. "Kaya maagnas 'yang... ma...landi. Ganon."

"Alam mo bang napaka-judgemental mo sa baby daddy ng anak mo? Para namang 'di ka nasarapan noong nilandi ka nun. Girl, hindi lang Cebu sinalanta nang araw na 'yon. Pati si Maria Novela Martinez sinalanta ng bagyong Santillan –" Malakas na tinulak niya si Spel. Ang gaga, tawa pa rin nang tawa. "Aray naman! Shuta ka talaga! Pinch ko 'yang singit mo e."

"Bubusalan ko na 'yang bibig mo."

Inilabas nito ang cell phone. "Okay, sige, mag-order na lang tayo. Mukhang gutom ka pa e. Libre ko na."

Pinaningkitan niya ng mga mata si Spel. "Ilang demonyo ang sumanib sa'yo ngayon?"

"Shuta ka!" Tawa na naman nang tawa. Hindi ba kinakabag ang 'sang 'to kakatawa? "Anghel ako... well, kapag tulog."

"Hindi ako naniniwala. Masyado kang buraot para manlibre. Iiyak muna si Satanas bago manlibre ng bukal sa puso ang isang Gospel Grace Trinidad."

"Malaki ang na sahod ko ngayong buwan. Gage! Marunong din naman akong mag-share ng blessings. Saka perks 'to na walang jowa. Wala kang ibang pagkakagastusan kundi sarili mo lang. Maliban sa mga competitive bills na pangit ka bonding. O, ano? Take it or leave it?"

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon