KANINA pa si Vel nakaharap sa closet. Bathrobe lang ang suot niya dahil kakatapos lang niya maligo. Uugatan na yata siya sa kinatatayuan niya pero wala pa rin siyang mahanap na matinong damit.
Ibinaling niya ang tingin kay Santillan na sa mga oras na 'yon ay nagbibihis malapit sa kama.
"Hindi na ako sasama," basag ni Vel.
Agad naman na kumunot ang noo nito sa sinabi niya. "Anong hindi ka sasama?" Natawa si Santillan pagkatapos. "Ang ayos ng usapan natin kagabi."
He pulled down his polo shirt at inayos ang pagkaka-fit sa katawan nito. Buti pa ang isang 'to nakabihis agad, reklamo pa niya sa isip.
They're going to visit his parents. Today is Sunday, so family day daw. Actually, okay sa kanya 'yon. Walang problema. Kaso wala siyang maayos na damit. 'Yon ang problema niya na hindi niya naman pinoproblema noon.
"Wala nga akong maisuot," maktol pa niya.
He chuckled. "Anong wala? Dami mong damit diyan."
"Ano? T-shirt, jogging pants, puruntong?" Naniningkit ang mga mata niya sa mga damit niyang puro pala pambahay. "Nakakahiya sa parents mo."
"Ikaw? Mahihiya? Sa kapal ng mukha mo."
"Seryoso ako, gago!" Lumakas lang ang tawa nito sa kanya. Mayamaya pa ay nakatayo na ito sa tabi niya. "Hindi na kasya sa'kin ang mga jeans ko. Wala rin akong leggings. Parang ang weird niya suotin."
Bahagya itong natawa saka inisa-isa ang mga damit niya roon. "Gusto mo hiramin mga damit ko?"
"Santillan!"
Nangangati na ang kamay niyang upakan 'tong si Santillan.
Tawang-tawa ito, naniningkit pa ang mga mata. "Joke lang. Ito talaga masyadong highblood." May hinugot itong isang pares ng dark gray sweatshirt at track pants. "Wear that." Inabot nito sa kanya ang mga damit. "At huwag mong i-stress ang sarili mo. You can wear whatever you want." He leaned down to give her a kiss on her cheek.
Naglapat nang husto ang mga labi niya at nagtama ang mga mata nila pagkatapos. Noong una, naiilang siya kapag nasa ganoong sitwasyon sila ni Santillan. Ilang na dinadaan niya sa inis at pagmumura. Pero ngayon, parang normal na lang sa kanya na nilalandi siya nito at sweet sa kanya si Santillan.
Vel had never been intimate with a man before. Umiinit ang ulo niya sa mga palakerong lalaki. Hindi naman niya nilalahat ang mga lalaki kahit mukha siyang judgmental na tao. She just distanced herself.
Pero pagdating kay Santillan, halos tibag na lahat ng pader na binuo niya para sa sarili niya.
Hindi niya tuloy mapigilan ang mapasimangot.
"Naiinis ako sa'yo."
Inosenteng namilog ang mga mata ni Santillan. "Oh, bakit na naman?"
"Basta! Buwesit ako."
Tuluyan na itong natawa. "Aga-aga binubunton mo na naman galit mo sa'kin. Kapag galit ka pa naman ay nauuwi tayo sa -" Agad na tinakpan ni Vel ng isang palad ang bibig ni Santillan.
"Huwag mo na ituloy!"
Inalis nito ang kamay niya sa bibig but he remained holding it. "Get dress." Nakangiting hinalikan ni Santillan ang likod ng kamay niya pagkatapos. "Kailangan ko pang dumaan sa TADHANA bago tayo dumiretso sa bahay."
Tumango siya. "Hindi mo puwedeng i-text?"
Santillan chuckled. "Lalabas ba sa cellphone ang cake?"
Talagang nag-isip pa si Vel kung bakit kailangang lumabas ng cake sa cellphone. Napakurap siya nang ma-realize niya ang pinupunto ni Santillan.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETE
RomanceWORD SANTILLAN is a self-proclaimed playboy who has allergies to serious relationships. Behind this playful chef's charming smile is a man who couldn't escape his past. NOVELA "VEL" MARTINEZ is a boyish girl who dresses and acts like a man. Siga an...