Napangiti si Vel nang mapatulog na niya sa wakas si Book. Hirap na hirap talaga siyang patulugin ang batang 'to at hindi nahihimbing kung hindi niya isinasayaw at pinapatugtugan ng malumanay na kanta. Sinanay kasi ng ama niya at ngayon kapag busy si Santillan ay siya ang nagdudusa.
Tanggal angas lagi ni Mommy.
Inamoy niya ang leeg ni Book saka hinalikan sa noo. Lagi siyang nanggigil sa amoy at ka-cute-an ng anak niya. Hindi nakakaumay at kapag bad mood siya at stress, nawawala ang inis niya sa ngiti at pagtawa pa lang ni Book.
Dahan-dahan na niyang inihiga si Book sa stroller, bahagya lang itong gumalaw pero hindi naman nagising. Inayos niya ang blue blanket sa katawan nito para hindi masyadong malamigan at ipinayakap ang dumpling plushie toy na bigay ng Ninang Gospel niya - na sobrang kamukhang-kamukha ni Book.
Pagkatapos masiguro na hindi na madidisturbo si Book ibinaling niya ang tingin kay Santillan na seryosong-seryoso pa rin sa kung anong ginagawa nito sa harapan ng laptop nito. Nasa TADHANA sila ngayon, nabuburyo siya sa bahay kaya dinala niya si Book sa café. Tumawag naman siya bago siya pumunta rito at baka madisturbo pa niya si Santillan. Kaso itong asawa niya ay in-assure siyang hindi ito busy kaya tumuloy pa rin siya.
Dalawang buwan na ang lumipas simula noong church wedding nila at ganoon pa rin ang buhay nilang mag-asawa. Barda pa rin all the way at minsan napagkakamalan pa ring tibo dahil sa mga suot niya. Hindi na nagbago ang pananamit niya kasi doon siya komportable. Nagmamaganda lang siya kapag feel niya.
Although, she kept her arm-length hair. Madalas nga lang ay itinatali niya dahil mainit. Pag-iisipan pa niya kung magpapagupit siya, but for now, wala siyang plano.
Lumapit siya kay Santillan. "Hindi ka pa rin tapos riyan?" malumanay niyang tanong.
"I might have to work on this until tonight," nakangiting sagot nito nang hindi ibinabaling ang tingin sa kanya. "I need to review everything dahil kailangan na 'to i-audit. I'm meeting my accounting team tomorrow to discuss about this again."
Tumayo lang siya sa likuran nito, naniningkit ang mga mata sa tinitignan ni Santillan na excel file. May mga folder documents pa ito sa mesa nito - piles of it. In fact, noong dumating sila kanina ni Book ay nandito ang dalawang accounting staff nito.
Hinawakan niya sa mga balikat si Santillan. "Uuwi na lang muna siguro kami ni Book para matapos mo 'yan nang mas maaga -"
"No." Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Please, stay." Itinigil nito ang ginagawa at tumingala sa kanya. Binawi ni Vel ang kamay niya para masahiin ang mga pisngi nito imbes na dapat ang ulo nito. Nakasuot pa rin ito ng salamin sa mata. "I need to take a break. I seriously need to have one." Hinubad nito ang salamin sa mata at inilapag 'yon sa mesa. Ang ulo naman naman ang minasahe ni Vel. "Thanks." Napangiti ito habang nakapikit ang mga mata.
"Masakit talaga sa ulo kapag numero ang tinatrabaho," aniya.
He chuckled. "Basta usaping gastos at pera."
"Kami rin sa Matilda's, na-e-stress ako sa mga ilalabas na pera," natawa rin siya pagkatapos. "Pero ganoon talaga kapag magtatayo ng business, kailangang sumugal kahit na madugo."
He nodded. "At para sa kinabukasan nating tatlo."
Napangiti si Vel. "At dahil sa mukhang pera tayong mag-asawa."
Mahinang natawa si Santillan saka nagmulat ng mga mata. Pinihit nito ang swivel chair pa kanan at hinawakan ang kamay para igiya siya paupo sa kandungan nito. Agad niya naman iniyakap ang mga braso sa leeg nito at hinalikan ang asawa sa mga labi. They kissed longer than her first plan na dampi lang.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETE
RomanceWORD SANTILLAN is a self-proclaimed playboy who has allergies to serious relationships. Behind this playful chef's charming smile is a man who couldn't escape his past. NOVELA "VEL" MARTINEZ is a boyish girl who dresses and acts like a man. Siga an...