Chapter 8: Can't Forget the Past
FRANZ' POV
"Oh ano? Nakausap mo na?" tanong sakin ni Chase na may nakakalokong ngiti na nakadikit sa labinito. Upakan ko kaya to para mabura ang ngiti? Nakakabwesit eh!
Pero ano daw? Nakausap ko na? Pabigla ko siyang tinignan at ang loko...nakangiti nga! Wagas pa! Langya!
"Anong ibig mong sabihin?" pinaningkitan ko pa talaga ang mga mata ko para effective. Malay mo iba lang pala ang ibig niyang sabihin.
"Pare, wag kang indenial. Hindi bagay. At tsaka sakin ka pa ba magsisinungaling eh basang-basa ko ang mga kilos mo? At tsaka anong akala mo? Hindi ko nakita ang pag-uusap niyo ni Jen? Sus! Tumingin ka pa nga sa direksyon namin eh." mahabang sabi nito. Bom! Sabog! I'm Busted! Walanghiya talaga tong si Chase eh! Hanep sa lakas ng pakiramdam! Yan ang isang disadvantage kapag may barkada kang chickboy. Masyadong malakas ang pakiramdam.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." tanggi ko na lang.
"Alam mo pare, ang mabuti pa, umamin ka na. Wala namang mawawala sayo kapag umamin ka di ba?" pagpupumilit pa rin nito.
Alam ko namang wala na akong takas sa kanya pero nuncang aamin ako. This is Jen that we’re talking about. This is not just another girl nor is an ordinary one. She’s my rival for God’s sake! Hindi madaling lunukin ang pride mo let alone umamin especially if you’ve done something wrong specially to her. Pero ito ngayon si Chase nasa harapan ko at hinihintay akong umamin sa isang bagay na akala mo eh madali. I mean come on! Pinahihirapan niya ang buhay ko!
“Wala akong aaminin dahil wala naman talagang nangyari. I mean come on Chase! Hindi ko na ba pwedeng kausapin si Jen nang hindi ka naghihinala? After all, ikaw na rin ang nagsabi…she’s my salut right? Maybe sometimes we need to do some catching up?” at ngumiti na lang ako nang nakakaloko. Deep inside I am sorry for what I’ve done but I’m sorry Fran Jen, I just can’t…I can’t forget the past.
Lumapit sakin si Chase at umakbay.
“Alam mo pare…I understand if you have to do that, to pretend as if nothing happen. I know also that it’s not easy for you to admit it. Pero hindi mo ba nakikita? It’s been long years…at may kanya-kanya na kayong buhay. Hindi na kayo yung dalawang batang grabe kung magpatalbugan noong elementary days niyo. At hindi na rin kayo ang dalawang batang kailangang patunayan ang mga sarili niyo. Nagawa niyo na naman diba? Nagawa mo na namang patunayan ang sarili mo. At pare…we’re in college. There’s no more rivalry na namumuo sa inyong dalawa. So might as well grow and forget the past. After all…we’re now in college.” Mahabang pangaral nito. Alam ko yun. Alam na alam ko yun. Pero hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan ang lahat eh. Hindi ganun kadaling kalimutan ang lahat ng mga pinagdaanan kong hirap. God knows I’ve tried pero mahirap.
“Just drop it off pare. Trust me, I know what to do.” And with that, umalis na ko.
JENZ’ POV
“Nasan na si Ziel?” tanong ko nang pumasok ako sa secret hideout namin dito sa school.Gayanga ng sabi ko, sikat rin ang grupo naming kagaya ng sa kanila nina Franz. Speaking of that bastard, anong nakain nun at humingi ng tawad sakin? As in really? Ang dakilang si Franz Christian Lazarte hihingi ng tawad sa isang Franz Jennica Articillo? As in wow lang talaga! Don’t get me wrong. Hindi ko sinasabi na hindi talaga marunong humingi ng tawad sa isang tao si Franz because I don’t have a right. I mean hindi naman kasi kami madalas magsama diba kasi nga RIVALS daw kami kaya hindi ko masasabing hindi siya marunong humingi ng sorry. Pero what happen now? Anyare dun sa kilalang Franz ko 5 years from now? Biglang bumait? O baka naman nagpapakaplastik? Aish!!! Ang gulo talaga ng lalaking yun! Kahit kailan talaga panira siya nang araw! Bwesit!
BINABASA MO ANG
Rivals Meant To Be
Teen FictionRival mo siya. Kaagaw sa lahat ng bagay. Pero pano kung isang araw magising ka na lang na mahal mo na siya? Kakayanin mo bang aminin sa sarili mo na mahal mo na siya? Will the ultimate rivalry lead to something sweet like romance? Will they be forev...