Chapter 9: Their Past 1 ~His Reason~

54 15 2
                                    

FRANZ’ POV

♫ ♫ Kapag ako ay nagmahal

Isa lamang at wala nang iba pa

Iaalay buong buhay

Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba

Magwawalang-kibo na lang itong puso ko

Walang sumbat na maririnig

Patak ng luha ko ang iniwang saksi ♫♫

♫♫ Bakit nga ba mahal kita

Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko

'Di mo man ako mahal, ito pa rin ako

Nagmamahal nang tapat sa 'yo ♫♫

♫♫ Bakit nga ba mahal kita

Kahit na may mahal ka mang iba

Ba't baliw na baliw ako sa 'yo

Hanggang kailan ako magtitiis

O, bakit nga ba mahal kita ♫♫

Agad-agad akong napahinto sa anuman ang gagawin ko. Tumingin ako sa isang estudyante na siyang nagpapatugtog ng music na yun. Medyo pinaglumaan na ang kanta pero tandang-tanda ko pa rin. Tandang-tanda ko pa rin na ito ang paboritong kanta ni Franz Jen noong mga bata pa kami. I wonder if yun pa rin ba hanggang ngayon ang favorite song niya. Up until now, I thought makakalimutan ko na. Hindi pa rin pala. A smile immediately creep up to my face while reminiscing those memories.

*flashback*

*6 years ago*

“Okay class, since we are all finish in our lessons now and we have free time, let’s have a program.” Sabi samin ng adviser namin sa Grade 5. Hassle talaga kapag naubos na naming pag-aralan ang lahat ng lesson. Kasi naman, pwede namang ibigay nalang sa mga estudyante ang free time, bakit kailangan paglaanan pa ng oras ang mga walang kwentang bagay? Minsan na nga lang may free time, sila pa rin ang magdedecide kung ano ang dapat naming gawin. At dahil sa hamak na mga estudyante lang kami, wala kaming magawa at kailangan naming sumunod. Bahala sila sa gusto nilang gawin sa mga buhay nila. Basta ako, hindi na lang ako papahalata na hindi ako nakikinig sa program.

“Franz, please be our emcee for today’s program.” Sabi sa kin ng teacher ko.

Nyemas naman! Di ba niya ko pwedeng tantanan? Lagi na lang niya akong inuutusan ah! Pero dahil dapat good boy ako, dapat sundin ko siya kung hindi naku….malaking disgrasya.

“Yes maam.” Sagot ko na lang nang matahimik na.

Hay…..bahala na nga….kung sino na lang ang matawag ko. Walang basagan ng trip. Hahaha.

“Before I start the program, I would like to set one rule para maging mas fun ang program natin. Okay lang ba classmates?” tanong ko sa kanila. Hahaha. Para naman may mapagtawanan ako mamaya sa bahay.

“Suuuuurrrrreeeee~~~~~” chorus ng halos lahat maliban na lang kina Jenz na busy sa paglalaro ng chess sa may bandang likod. Siya dapat ang emcee ngayon eh! Siya naman talaga parati. Ngayon lang ako nautusan na gumawa ng ganitong walang kwentang trabaho dahil may ginagawa daw kuno iyang babaeng yan.

“Okay. So…here’s the rule. Lahat ng mga tatawagin kong pangalan ay kailangang magbigay ng presentation dito mismo sa front. Walang exemption kahit na sino. Walang pass pass. Ang program na ito ay walang pilitan pero wala ring pwedeng tumanggi. Okay ba yun?” tanong ko ulit sa kanila.

Rivals Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon