Chapter 6: Ano to?! GANTIHAN?!?!?!

153 16 5
                                    

Chapter 6: Ano to?! GANTIHAN?!?!?!

FRANZ’ POV

“Hoy! Kanina ka pa namin hinahanap! Saan ka ba nagpunta ha? Halos nalibot na namin ang buong campus kakahanap sayo andito ka lang pala sa library. Halika na! Magsa-start na ang class!” sigaw ni Carl sa akin. Hindi ko alam na nahila na niya pala ako. I was so carried away sa narinig ko kanina na hindi ko na napansin na ilang minuto na rin akong natulala.

So ang cell phone niya ang tinapon niya kahapon? Pero bakit?

“Hoy! Ano ba?! Umayos ka nga…” sabay batok sa kin ni Carl.

“Aray! Bakit na naman ba?” Eh ang sakit eh. Nagiging brutal na itong mga kasama ko ah hindi na naawa sa akin.

“Anong bakit? Hoy mama. Baka akala mo eh ang gaan mong hilahin. Ang bigat mo kaya pare kaya umayos ka nga. Bakit ka ba nagkakaganyan? At tsaka anong ginagawa mo sa library? Hindi mo naman sched para pumunta dun ah?” pag-uusisa niya pa. Tsk. Kalalaking tao ang daldal. Dinaig pa ang pulis kung makatanong.

“Eh ano naman ngayon kung pumunta ako sa lib? Bakit? Bawal na ba?”

“Oh anong meron?” tanong ni Chase na kararating pa lang. Tingin ko eh may ginawa na naman tong kabalastugan kagabi. Muntik-muntikan na namang malate eh.

“Hoy! Saan ka na naman galing kagabi ha?” tanong ko. Malay mo maiba ang usapan.

“Dyan lang sa tabi-tabi…” sagot niya na may halong pasipol-sipol pa.

“Dyan lang? Weh? Lokohin mo lelang mo. Ikaw? Walang ginawang krimen kagabi? Imposible.”

“Eh sa wala nga. Kahit itanong mo pa dyan kay Mark. Kami ang magkasama niyan kagabi. Badtrip kasing Naica yun eh. Sumabay-sabay pa sa amin. Akala ko naman uuwi na talaga eh hindi kami tinantanan kagabi. Ayan tuloy hindi na kami natuloy sa dapat sana eh lakad namin.”

“Ang sabihin mo, buti pa kamo at andyan si Naica kundi may kawawang nilalang ka naman na nabiktima kagabi.” sagot ko sa kanya. Si Chase kasi ang dakilang playboy sa aming lahat. Halos araw-araw, iba ang kasama. Iba sa umaga at iba naman sa gabi. Hanep sa sipag! Buti hindi pa yan nabubuko ng mga pinagsasabay na girlfriends daw niya. Yun ay kung merong sineryoso ang mokong.

“Aish badtrip naman pare eh. At tsaka bakit ba ako ang pinag-uusapan niyo? Di ba ako ang nagtanong kung anong meron ngayon at parang may rambol?”

“Oo nga.” pagsang-ayon naman ni Carl.

“Bakit? Ano bang meron?” tanong  ko naman. Kahit na mahuli wag umamin.

“Anong anong meron? Hoy! Nadatnan ko yan sa library sa bandang bookshelf parang may pinagtataguan at tsaka tulala. Parang nakakita lang ng multo.”

“Talaga? Hahaha. Bakit Franz? May nakita kang multo sa lib? Hahaha.” tawa ni Jake.

“Ulol! Magsiupo na nga kayo.” sagot ko na lang.

“Oh, magsiupo na raw kayo. Hahaha. Pero seriously pare, anong meron sa lib? May something ba na hindi namin alam? At tsaka kumusta naman yung moment niyong dalawa ng salut mo sa sasakyan? Nakapagbonding ba naman kayo?” tanong niya na may halong nakakalokong ngiti.

Binatukan ko nga. Eh tarantado eh. Puro kalaswaan ang nasa utak.

“Tado! Wala nga. Umupo ka na nga!” tinulak ko na para umalis na. Badtrip eh.

“Hahaha. Maniwala ako sa yo. Alam ko may tinatago ka. Malalaman ko rin yun man.” Sabi nito na natatawa pa rin.

Siya namang pagdating ng prof namin kaya tumahimik na ang mga mokong. Mabuti naman. Atleast I’ll have my peace of mind kahit kunti lang.

Rivals Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon