Chapter 5: The Broken...WHAT??? O_O

166 16 7
                                    

Chapter 5: The Broken...WHAT??? O_O

 

 

JENZ’ POV

 

 

 

Lintik na mata naman ito oh-oh! Kahit na naka-eyeglass na nga, napansin pa rin nila na namumugto ang mata ko sa kakaiyak!

Kasalanan to ni Ysle! Kung hindi ba naman sobrang observant! Dapat kasi mga global warming na lang at climate change ang pinagtutuunan niya ng pansin hindi yung kahit ano na lang napapansin niya! Masyadong observant ang gaga! Ayan tuloy! Pati ako nabisto! Hot seat tuloy ang bagsak ko!

“Ahm…guys, pwede na ba tayong umalis? Magsa-start na ang class oh.” sabi ko sa kanila.

“Tumigil ka! Walang aalis unless hindi ka aamin!” =___= si Naica po yan.

Hanep ah. Parang kriminal lang teh? Daig ko pa ang may kasalanan nito kung i-interogate ah! Sapakin kita dyan eh.

“Hindi ako nagbibiro. 15 minutes na lang magsa-start na ang first subject.” sabi ko ulit. Gusto ko na talagang makawala sa mga to. Mga hanep lang kung magtanong.

“So what? 15 minutes pa yun. Matagal pa yun noh.” Si Ysle po yan.

“Sa mga mystery and suspense books nga na binabasa ko, masyadong matagal pa ang 20 minutes para sa mga bida. Marami pa silang kayang gawin sa oras na yun. Kaya pa nilang isolve ang isang malaking mystery sa loob ng oras na yan.” Guess who? Walang iba kundi ang bookworm ng grupo. Ang adik sa mga suspense at mystery books, si Cass.

=____= “Ahmmm….15 minutes ang sabi ko hindi 20.” Pagco-correct ko sa kanya.

“Aie 15 minutes ba? Ahhhh…pareho na rin yun. Lamang lang ng 5 minutes.” Wow hanep! Nangatwiran pa. Ang galing mo! Ikaw na!

“Bawasan mo na lang ng 5 minutes para accurate ang counting… ^_____^” suhestyon ni Naica.

“Ganun ba? Okay ^___^ Sabi mo eh…” Walangju! Normal pa ba mga tao dito?

Rivals Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon