Chapter 11: Worried
JENZ' POV
"Kapag ang lalaki nanloko ok lang. Common na. Pero kapag ang babae nanloko...kung makareact ang taumbayan exaggerated...parang end of the world na." Sabi ni Ysle sabay nangalumbaba.
"Oo nga. Hindi ko rin maintindihan ang mundo. Nasaan ang gender equality na ipinaglalaban ng mga taong kung makawilga wagas? Nasaan na ang GABRIELA? Bakit pagdating sa mga ganitong bagay wala naman silang pakialam? Pero sa ibang case wagas kung makaprotesta? Unfair!!!" Segunda naman ni Cass. Isa pa tong isang to. Tiningnan ko lang silang dalawa habang mukhang dinidibdib talaga ang problema ng gender equality. Kung iisiping mabuti medyo tama nga naman si Ysle. Hindi nga naman talaga equal ang pagtrato ng mga tao ngayon sa mga babae kahit na sabihing nasa modernong panahon na tayo ngayon. Hindi ko rin kasi maiwasang isipin ang mga mapanghusgang tingin at mga salitang narinig at nakuha ko noon nang nangyari sa akin ang tungkol sa kay Franz. Ilang gabi ko rin yung iniyakan.
"Oh anong meron?" Takang tanong ni Jeselle na kararating lang. nakasimangot naman siyang hinarap ni Ysle.
"Gender equality."
"Owwwwkay...." Tumatangong saad ni Jeselle na mukhang nagets agad ang nangyayari sa mga kaibigan namin.
"Anyways....ano nang plano natin sa founders? Malapit na rin yun ah. May naisip na ba kayong sports na sasalihan? Medyo pahirapan pa naman kasi freshman pa tayo. So...any plans?" Pag-iiba ni Jess ng usapan.
Agad lumiwanag ang mukha ng dalawa kong kaibigan sa narinig.
"Oo nga no! Ano kayang magandang sports salihan. Teka...kelan nga ulit yung founders?" Tanong ni Naica.
"One and a half month from now. Balita ko naghahanap na daw ng mga players ang department natin para sa founders. Kabi-kabila na nga daw ang mga try-outs eh." Imporma pa ni Jess.
"Sali tayo Cass!" Agad na suhestyon ni Naica.
"Sige sige!" Mabilis naman na pagpayag ni Cass.
"Ano Ysle? Game ka? Tanong ni Naica dito.
"Kaya na lang. support na lang ako sa inyo." Hindi interesanteng sagot nito.
"Okay. Ikaw bahala. Basta kami, sasali kami." Masayang saad ni Naica.
"Ikaw Jade? Anong sasalihan mo?" Tanong sa kin ni Jeselle. Nagkibit-balikat lang ako.
"Hindi ko pa alam kung sasali ako o support na lang muna."
"Ha? Bakit? Di ba magaling ka sa chess? Sali ka sa chess Franz!" Singit agad ni Cass.
"Oo nga noh. Kaya pala hinahanap siya kanina nina Rey." Imporma ni Jeselle sa kanila. Agad naman nitong nakuha ang atensyon ko.
"Hinahanap nila ako kanina? Bakit daw?" Tanong ko.
"Mukhang may kailangan sila sayo pero dinig ko si Rey daw ang may hawak ng Chess Team eh. Kaya baka gusto nilang magtry out ka sa Linggo." Sagot ni Jeselle.
"Sali ka Franz ha. Para marami tayong susuportahan ni Ysle." Nakangiti nitong saad sa kanya pero agad naman itong kinontra ni Ysle.
"Hindi ka pa nga sumali sa try-outs, player na player na ang feeling mo. Kung magparegister ka na kaya muna?" Pakli ni Ysle dito.
"Hayaan mo na! Minsan lang naman eh! Pagbigyan mo na ko."
"Ewan ko sa yo. Basta ako, hindi ako siguradong masusuportahan ko ang mga games niyo if ever ngang maging player kayo. Mukhang ang may possibility lang namang maging athlete dito ay si Franz. Siya lang naman ang athlete talaga sa tin eh."
BINABASA MO ANG
Rivals Meant To Be
Teen FictionRival mo siya. Kaagaw sa lahat ng bagay. Pero pano kung isang araw magising ka na lang na mahal mo na siya? Kakayanin mo bang aminin sa sarili mo na mahal mo na siya? Will the ultimate rivalry lead to something sweet like romance? Will they be forev...