Fiesta.

537 0 0
                                    

Fiesta ang pinakamasayang pagdiriwang ng mga kristiyano sa isang patron.

Dito sa amin sa barangay Libid. Binangonan Rizal. Ipinagdiriwang namin ang mahal na krus. Na nakatayo sa tuktok ng aming ipinagmamalaki na kalbaryo.

Sikat na sikat ito sa mga tao sa Binangonan.

Akalain mo yun. Malapit lang kame dito nakatira. At sinasabe na ang bahay ng lolo at lola ko dito, ang pinaka sikat noong araw at hanggang ngayon . Marame pa namang nagagandahan sa bahay namen, ngunit marame na talaga na ang dapat ayusin.

Unang linggo ng Mayo ang Fiesta sa amin. Lahat ng tao ay naghahanda at nagpapalaro sa mga dadayo na kalapit barangay at mga kakilala.

Laging pumupunta si lola Alice , nanay ng papa ko, dito sa Binangonan. Kapag may okasyon o kahit wala. Magugulat na lang kame at andito si lola sa amin at kasama minsan si kuya Marc. Si Kuya Marc ay pinsan namin. Anak sya ng nakababatang kapatid ni papa na ang pangalan ay tito Marvin. Alam ko na dapat sya ang tumatawag samin ng ate at kuya, dahil mas matanda ang papa ko kay tito marvin. Pero nasanay na ako at tska sya naman talaga ang mas matanda sa aming dalawa.

Nagmamano naman kame paguuwe si lola Alice dito sa amin. Natutuwa ako sakanya dahil, kahet medyo masungit si lola at lagi kameng pinagsasabihan, mabaet syang lola at masipag pa.

Matatawa ka na lang sakanya kapag maaabutan mo na syang natutulog habang  nanonood sya ng mga teleserye sa tv. Nung bata ako tinabihan ko si lola sa pagtulog sa sala, dahil malamok sa kwarto. Pumayag naman sya at maya maya wala pang 30 mins naghihilik na sya. Nanonood kame nun ng teleserye sa channel 2 . Hindi pa naman ako mahilig sa teleserye nung bata ako. Ang ginawa ko, pinatay ko yung tv. At bigla namang nagising si lola. Nagulat ako at ang sabe nya pa ay.

"Oh. Ye. Bakit mo pinatay yung tv? Nanonood pa ako."

"Tulog ka na lola e. Kaya pinatay ko na. Tska hindi ko naman gusto yung pinapanood mo." Sagot ko.

"Ah ganun ba. Sige matulog na lang tayo apo."

Pagkatapos nun never na kong sumabay kay lola sa panonood ng tv . Pero yun yung mga qualities na hindi ko makakalimutan sa kanya.

Sa mga nakalipas na taon. Mga 7-8 years old ako nun. Fiesta rin dito, as usual andyan si lola alice upang makisaya. Gabe na nun,marame nang nagiinom at mga lasing sa daan. Naglalaro kame ni kuya choy sa kwarto ng kanyang hot wheels. Nang maya maya lang. Sumigaw si papa. Lumabas kame ng kwarto at tumungo sa may terrace namen. Doon ko nakita si papa galit na galit at pilit na inaawat ni mama. Si kuya naman ay nasa tabe nila. Doon ko unang nakita mag amok si papa.

"ANO HALIKA DITO PARA MATIKMAN MO ANG KAMAO KO! HALIKA LUMAPIT KA!" sigaw ni papa.

"WALA KANG KWENTA MARLON LUMABAS KA SA LUNGGA MO!! WALA KA NAMAN IBUBUGA SA AKIN!! Sagot ng isang lalake na nakainom.

"HOY! HUWAG MONG PAGSASALITAAN ANG PAPA KO NG GANYAN!" Sabe ni kuya Mc

"HOY MC TUMAHIMIK KA. PUMASOK KA NA SA LOOB" sagot ni papa

"Ano ba Marlon tumigil ka na andyan ang nanay mo!" Pagaawat ni mama.

"OK LANG MAKITA NI NANAY. GINAGAGO AKO MARISSA! GINAGAGO AKO NUNG SIRAULONG LALAKENG IYON"

"ANO MARLON DUWAG KA BA?!"

"ABA. Marissa bitawan mo ako. Marissa bitaw!" Pagpupumiglas ni Papa

Bigla namang nakabitaw si papa at nakalabas.

"Mc pumasok ka na sa loob" pakiusap ni mama

"Pero si papa. Ma?"

Bigla akong tumakbo papunta sa may gate at pilit kong hinahanap si papa. Hindi ko sya makita sa sobrang dami ng tao sa labas.

"Ye pumasok na kayo ng kuya ha. Babalik kaagad si papa. Wag kayong mag alala." Banggit ni mama.

Ilang minuto din ang lumipas. Nakabalik na si papa at may kasama na kaibigan. Si kuya leds, siya ay isa sa mga matalik na kaibigan ni papa dito sa binangonan, hinatid niya si papa pauwe sa amin. Nang makita ko si papa, napansin kong medyo mainit pa rin ang ulo at may itim siya sa banda ibaba ng kanyang kaliwang mata.

Pumasok na kame sa loob ng bahay at umupo sa sofa.

"Ano ka ba Marlon. Hindi ka na nahiya sa akin. Andito pa man din ako. Ano na lang magyayare kung atakahin ako sa puso ng dahil sayo" sabe ni lola ng may pagaalala.

" kasi nay e. Sya naman nagsimula. Hinamon ako e." Sagot ni papa

"Yan tuloy may blackeye ka sa mukha mo. Marlon wag mo nang uulitin yun. Nagaalala kameng lahat dito." Banggit ni mama

Si papa ay natahimik at pinainom ng tubig.

"Papa ayos ka lang ba? Masakit ba yan?" Tanong ko.

"Eto? Haha hindi ah. Hindi masakit :)"sagot ni papa

"Nagantihan mo ba siya papa?"

"Oo ye. Gumanti ako para sainyo. Nagalala ka ba buncheng cheng ko?"

"Opo, papa" sabay yumakap ako sa papa ko.

"Hindi na kita pagaalalahin ye. Hindi ko na kayo pagaalalahin. Hindi na mauulit. Sige na matulog ka na bunso. Wag ka ng magalala ayos lang ang papa.

"I love you papa" sagot ko.

"I love you too ye. Sige na matulog na kayo ng mga kuya mo."

Pagkalipas ng gabing iyon. Natulog ako ng walang pagaalala. Nakauwe si papa ng buhay, yun ang mahalaga. Pero kahet may blackeye na siya, alam kong may malalim na dahilan kaya siya nakipag away.

Ang tatay, gagawin ang lahat para sa pamilya niya. Ngunit ano ang gagawin niya para sa ama niya?

TatayWhere stories live. Discover now