High School.

232 0 0
                                    

Eto raw ang pinaka masayang mga taon sa buhay ng tao. High school. Dito mo malalaman kung ano ang pwede mong kunin sa iyong kolehiyo. Tutulungan ka ng mga guro na mas pagalingin ang iyong mga kakayahan. Dito rin lumalabas ang tunay na kulay ng mga teenager. Pero ang mahalaga at ang alam ng lahat. Dito mo makikilala ang mga tunay na kaibigan at sayang hindi pa nararanasan.

"Naks naman high school na bunso ko haha" sabe ni papa.

"Eh papa dyan na lang ako sa malapit na school. Gusto ko rin pumasok na lang dyan sa BCC (Binangonan Catholic College) para ako na ang last na mantala na papasok dun." Sagot ko

"Oo sige anak."

"Eh papa kelan nyo ko ieenroll?"

"Next week na lang ok?"

"Copy that papa"

Makalipas ang isang linggo. Naienroll nako ni papa. Pero ang section next week pa raw ilalabas. Hanggang sa..

"Oh papa. Hindi ba ngayon yung tinginan kung anong section ko?"

"Oo nga no buncheng. Pupunta muna ako sa school. Titingnan ko yung section nyong dalawa ng kuya mo ok."

"Ge papa ingat."

After twenty minutes.

"Ye semi bright ang section mo. St. Pius X at ikaw naman matthew. Ang section mo ay St. John Bosco."

"Wow galing galing naman ng buncheng cheng ko. " proud na sabe ni mama "gagalingan mo ha anak."

Tumango na lang ako at naexcite sa darating na pasukan.

Araw ng pasukan nagpahatid pako kay papa sa school dahil medyo hindi ako sanay na magisa. Tsaka its my first day at high school so hindi ko pa alam kung papaano ba gagawin dun. Sumabay na rin si kuya choy (second brother ko. Ang real name nya ay Eugene Matthew.)

Iniwan nako ni papa at nagsimula na rin ang flag ceremony. Marameng tao. Iisipin mo nga na itong eskwelahan na ito ay public. Marameng new faces, at ang swerte ko may kakilala agad ako sa mga classmates ko. Sila rin yung mga classmate ko simula noong grade two ako.

After ng 1st day. Hindi ko maipaliwanag pero parang may mangyayari na hindi ko inaasahan. Pinangako ko sa sarili ko na ngayong high school na ako, pipilitin kong makasama sa top ten kahet ngayong 1st grading lang. Gusto ko naman maiparamdam kila papa at mama na ang binabayad nila sa tuition ko ay hindi ko lang basta basta tinatapon at sinasayang. Simula noon, naging active na ako sa academics .

Nagpatuloy ang oras at lumipas ang mga araw at ilang buwan. Kuhaan na ng card. Bago pa man ibigay ang mga card sa mga magulang, isinulat na ng aming adviser kung sino sino ang top ten sa board. Habang sinusulat ni Ma'am Gerlie ang mga pangalan simula sa 10. Umaasa ako na sana andun man lang ang pangalan ko, kahet sa 10 lang masaya nako. Nagaabang , nagbabakasakali,umaasa na maisulat ang pangalan ko. Hindi naman ako binigo ng tadhana, at naging top 6 ako sa klase. Natuwa sa akin ang kaibigan kong si kathleen (siya naman ang naging top 1 sa klase namen). Hindi ako makapaniwala na ang pagod ko ay nasuklian at yung araw na iyon, hindi mawala ang saya sa aking puso.

Hindi ko sinabe kila papa ang magandang balita. At nagpatay malisya na lang ako paguwe ko sa bahay. Kinabukasan kinuha ni papa ang card ko. Pagkauwe ni papa sa bahay, diretso siya kung nasaan si mama at sinabe ang magandang balita.

"MA! Eto na grades ni buncheng!" Masayang sabe ni papa

"Patingan nga. Aba matataas ang mga grado, very good." Sabe ni mama habang tinitingnan ang mga grado ko.

"Alam mo ba ma. Nasa top ten ang bunso. Top six!" Sagot ni papa na may kagalakan

"Talaga! Aba, anu gusto mo bibili tayo. May premyo ka sa akin."

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 27, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

TatayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora