Biyahe.

210 0 0
                                    

"Alyssa, may gagawin ako sa iyong test. Tutusukin ko ang mga mata mo nitong maliit na bakal na ito, upang malaman kung may symptoms ka ng Glaucoma. Dont worry lalagyan natin ng anesthesia ang mga mata mo para hindi ka masaktan. So pumunta ka na dun sa may upuan at magrelax ka lang, ok." Sabe ni Doktora.

Matapos ang ginawang check up.

"Alyssa, so ganito. Hindi ako sure kung meron ka ngang glaucoma. Pero ipapadala kita sa may East Avenue hospital for second opinion. Ok lang ba?"

"Ok lang po dok" sagot ni papa.

"Okay, after ng check up mo dun. Babalik ka dito at ipapakita mo sa akin yung result ha. Okay. Thank you for coming here again" sagot niya ng may ngiti.

"Thank you din po dok " sagot ko.

Aaminin ko, medyo natakot ako sa sinabe ng doktora, sa hinalang may symptoms ako ng Glaucoma. Pagkauweng uwe namen ni papa sa bahay sinearch ko agad sa internet kung ano nga bang sakit iyon. Maaari ko raw ikabulag ang sakit na ito, kung magkataon na meron nga ako .

"Ye, wag mo munang isipin yan. Halika na at kumain na tayo." Pag aanyaya ni papa

"Ano ulam pa?"

"Syempre , ang famous kong adobo na tuyo ang sarsa"

"Wow. Masarap yan tara kaen na tayo haha. Mapapakaen ako nito ng marame"

"Baka naman maubos mo yang ulam. Tirhan mo naman sila"

"Sige pa. Titirhan ko sila. :)"

Si papa ang laging naiiwan sa bahay, simula noong nawala na siya ng trabaho. Bale nagpalit si mama ng posisyon. Si mama na ang naghahanapbuhay at si papa naman naiiwan upang alagaan kame. Si papa rin ang laging kasama ko sa tuwing ako'y pupunta sa malalayong lugar. Si papa rin ang katabe ko sa kama. Alam kong mali pero hindi talaga ako makatulog sa kama ni mama. At may tiwala ako kay papa na hinding hindi niya ako sasaktan, ano man ang mangyare.

Ang papa ko ang kasama ko noong graduation ko nung kinder, prep, at elementary ako. Ngayong darating na Graduation ko, 4th year High School ko. Silang dalawa na ang makakasama ko.

"Ye. Sa sabado luluwas tayo. Bale aabsent ka ng lunes kasi sarado yung ospital tuwing weekends." Bilin ni papa.

"Eh papa, kailangan ko ng excuse letter para dun." Sagot ko

"Wag ka nang mag alala. Ako na bahala dun. Ako pa."

"Woo. Si papa talaga. Haha"

Linggo nang umaga. Maaga kaming bumayahe papuntang pandacan.

"Papa picture tayo wala pa namang masyadong tao dito sa van"

"Matulog ka na lang muna mahaba biyahe naten ye."sagot ni papa.

"Edi ako na lang haha"sabe ko.

Bago pa naman kame sumakay ng van. Napansin ko na yung bintana sa gilid ng driverseat. "Bakit kaya ganun yun?" Tanong ko sa sarili ko. Maya maya sumakay na yung driver at mukhang hindi mapakali.

"Pre ano, sara mo na yang bintana mo." Kaibigan nung driver.

"Pre ayaw nga e. Takpan ko na lang."sagot nya

"Oh ano na."

"Biya biyahe nako. Sige pre"

"Ge ingat kayo pre. Ingatan mo yang mga pasahero mo!"

"Haha sige."

Matapos ang usapan. Tuloy tuloy na ang biyahe. Maya maya nakaramdam ako ng inet banda sa aking kanang binti. Nung una hindi ko muna ininda. Ngunit.

"Papa ang inet. Parang nakakapaso na, banda sa kanang binti ko." Pagkakasabe ko

"Tapatan mo ng aircon."

"Mainet pa rin e."

Nang malapit na kame sa megamall. Nagkaroon ng trapik. Maya maya pa ay, nakakita si papa ng puting usok. Nung una wala pa kong nakikita. Ngunit nung namatay yung maliit na electric fan sa tabe ni papa, biglang lumaki ang usok at naging mas clear ito. Si papa naman ay dali daling lumabas at pinababa ako. At yung iba pang mga pasahero ay bumababa na rin. Yung isa pa nga may hawak na baby. Pagkababa nameng lahat. Biglang nagliyab yung inuupuan ko. Lumaki ng lumaki yung apoy. Natatakot ako sa kadahilanang, baka sumabog ang van na iyon. Buti na lang at agad agad naagapan at nabuhusan agad ng tubig. Kung hindi, makakakita ako ng kotse na sumasabog katulad sa larong GTA.

Pagkatapos ng mga pangyayare. Hindi pa rin ako makapaniwala, na sa harap ko pa mismo.

"Papa natakot ako sa nangyare kanina. Buti na lang hindi sumabog no. Pero ngayon lang ako nakakita ng lumiliyab na kotse."

"Ayos ka lang ba. Wala ka namang paso o ano man?" Tanong nya.

"Wala naman pa ayos lang ako. Tsaka kanina, kawawa naman yung baby kung nagkataon. Buti na lang naagapan agad."

"Muntik na tayo. Buti na lang gumana agad ang instinct ng papa mo." Pagbibiro nya.

"Wow Instinct haha. Ikaw talaga ang superhero ko papa!"

"At hinding hindi ko hahayaan na ang bunso ko ay masaktan nang anuman o sinoman."

"Haha talaga papa ha promise mo yan ha."

"Promise maganda at chubby kong anak"

"Papa nang asar pa."

"Pero sayang yung scarf eh. Original. Nakita mo ba?"

"Ha? Yung panyo? Sus, hindi naman sayi yun eh."

"Ang ganda pa naman nung kulay."

"Nako papa ang mahalaga ligtas tayo."

"Tara na nga tumawag na tayong taxi anak."

Makalipas ang isang oras. Nakarating din kame sa aming destinasyon. Medyo pagod na pagod na ako ngunit nakipagkwentuhan muna ako kay lolo. Hindi ko alam, pero sa tuwing pupunta kame ni papa sa pandacan. Bigla na lamang sya nawawala at tatambay kung saan.

Sa mundo natin ngayon. Madali na ang magsinungaling at magtago ng lihim. Ngunit walang sikreto o lihim na hindi nabubunyag.

TatayWhere stories live. Discover now