Simula noong bata pa lang kame. Si papa lagi yan nagkwekwento kahet yung mga bagay na akala mo hindi nya magagawa.
Noong bata raw sya katulong sya ng lola sa paguurong. Si lola mahilig magluto at itinitinda nya ito sa tapat ng bahay nila sa Pandacan Maynila.
"Alam nyo ba na ako ang paborito ng lola nyo sa aming magkakapatid" pagmamalaki nya.
"Ako lagi kasama nun sa tuwing bumibili kami sa Quiapo para bumili ng mga paninda."
"Pero isang beses. Naligaw ako. Bata pa ako nun. Bigla na lamang nawala lola nyo. Tumingin ako sa paligid wala. Ang ginawa ko sumigaw ako. NANAYYYYYYYYY!. Biglang sumagot ang lola nyo. MARLONNN ANDITO AKO HALIKA NGA . IKAW BATA KA !"
"Tinawag lang pala ang lola nyo haha"
"Hahahaha" tawa nameng tatlong magkakapatid.
"Eh papa meron ka bang hindi naiikwe kwento sa amin?" Sagot ni kuya Mc, ang panganay sa amin
"Teka iisipin ko" sagot ni papa
"Papa ano reaksyon mo nung nagkaroon na kayo ni mama ng anak?" Tanong ko
"Ah. Nung nanganak ang mama mo sa kuya mo. Aba masaya ako. Si mc nga nalaglag yan nung baby pa lang sya. Nalaglag sa duyan" napakamot sa ulo.
"Eh bakit naman nalaglag si kuya haha" tanong ko.
"Bigla daw tumayo at naglakad sa may duyan. Kaya pagkauwe namin ng mama nyo aba naka stroller na ang kuya nyo haha".
"Nung ano naman po . Kay kuya choy naman po"
"Si choy? Si chu choy pinanganak sa center lang."
"Bakit sa center lang si kuya choy papa?"
"Wala tinry lang namen ng mama mo. Pero pagkatapos nun ayaw n nang mama dun sa center. Walang pake ang doktor at mga nurse hanggat hindi ka pa nanganganak."
"Tapos?" Pagpapatuloy ko.
"Si choy nung lumabas. Bang laki grabe. Antaba. Haha"
"Weh? Haha di nga pa? Eh ako nung pinanganak ako anong reaksyon mo papa?"
"Ah ikaw . Tuwang tuwa ako nung lumabas ka. Tska bago ka pa lang ilabas. Naghirap mama mo. Isang araw atang nakabukaka na haha. Ayaw mo pa daw lumabas sabe ng doktor. Pero nung lumabas ka na. Aba. Sinabe sa akin ng mama mo. Marlon, babae, babae ang anak mo. Napa yes ako nun sa tuwa. Sa wakas may babae na ko. Sabe ko kumpleto na ang anak ko." Sabay ngiti.
"Kaya pala ako na ang bunso haha. Ayaw mo na."
"Tama na ang tatlo. Haha yeye naman. Gusto mo bang maging ate? "
"Ayoko gusto ako lang baby nyo nila mama ,papa :)"
"Sus matabang baby kamo haha" sagot ni kuya mc.
"Baboy . Baboy. Baboy . Blehhh" sabe naman ni kuya choy.
"Papa oh!" Pagsusumbong ko.
"Hoy kayong dalawa tigilan nyo na yan. Mc , choy. Iisa lang tong babaeng kapatid nyo. Wag nyong awayin at alagaan nyo yan kapag nawala na kame. Wag nyong paligaw kung kanino nino lang ha. Protektahan nyo yan kase kahet chubby yan prinsesa pa rin naten yan."
"Sige papa . Pero aasarin muna namen sya. BABOY! HAHA" sagot ni kuya mc.
"Grrr . Kuya naman e! "
Naghabulan kameng tatlo sa sala habang sila mama at papa ay nanonood ng tv. Haha mga bata pa kame nun at yun ang mga masasayang sandali na bumuo ng aking pagkabata.
Ang pamilya ko ang kumukumpleto sa akin. Sa panahon ding ito. Inisip ko na ako na ang pinakamasayang at pinakaswerteng bata sa buong mundo dahil may mga kuya akong mapag alaga at mga magulang na maganda ang pagsasama. Kahet minsan ay nagaaway away bandang huli naman ay nagkakasundo sundo rin. Mahal mahal ko ang pamilya ko. At nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binigay nya sa akin ito. Ngunit,
ano mang saya ang nadarama ko at ang mga katotohanan na nakikita ko ay pinagtatakpan din pala ang mga kasinungalingan na dapat noon ko pa nalaman.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Tatay
EspiritualTatay, itay, papa, daddy, dad. Ano pa mang itawag sa kanila. Sila pa rin ang lalaking una naten nakilala at minahal, inidolo at hinangaan. Papaano kapag nalaman mo ang iyong ama ay dumanas ng hirap noong bata pa lamang siya sa sariling kamay ng kan...