Isang araw sinundo ako ni mama sa eskwelahan. Nasa grade one lang ako nun. At dumiretso kami sa chapel. First time kong makapasok sa chapel na yun. Namangha ako at malamig.
Nilibot ko ang buong chapel. Natutuwa ako dahil ngayon lang ako nakapasok sa lugar na iyon kaya nakapaninibago. Maya maya nilapitan ko si mama sa may altar ng chapel. Dun ko unang nakita si mama na umiyak sa harapan ko. Medyo kumirot ang puso ko.
"Mama, bakit ka umiiyak?" Ang tanong ko
"Anak.. wala na kasi tayong pera e." Sagot ni mama.
Tuluyan ng umiyak si mama. At niyakap ko sya sa maiikli kong bisig. Pagkatahan ni mama. Nagyaya na siyang umuwi.
Hindi ko maiiwasan tingnan si mama habang nagalalakad kame pauwi. Nagtataka pa rin ako kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ni mama. Ganun pala kasakit sa tuwing nakikita mo ang mama mo umiyak. Parang guguho na rin ang mundo ko at pilit na inaalam kung ano ba ang magagawa ko upang mapasaya ko siya.
Kinausap ako ni papa pagkauwe namin.
"Nak . Ye . Halika."
"Bakit papa?"
"Lilipat ka muna ng school, sa Binangonan Elementary School ka na magaaral next school year. Kulang na kasi pera natin pang tuition nyong tatlo dyan sa SUPS. Pasensya na anak ha. Si kuya choy naman kasama mo naman."
"Papa ayaw ko dun. Wala akong kilala dun papa" sagot ko kay papa.
Bigla akong tumakbo sa kwarto at nagtampo.Maya maya narealize ko na para din naman kay mama at papa ang gagawin ko.
Kinausap ko sila at pumayag nako. Natuwa naman si mama at hindi na ako nagtatampo.
"Papa, Mama payag na ko dun ako magaral. Basta wag na iiyak si mama ulit."
"Oo anak. Hindi na iiyak mama. Kasi good girl ka. Halika nga dito." Hinagkan ako ni mama sa kanyang mga bisig at biglang napaluha.
"Makakaraos din tayo. Pangako ko yan" sagot ni papa.
At iyon nga nailipat na ako ng eskwelahan at doon nako hanggang grade 6 maayos naman ang naging pag aaral ko. Lagi akong nasa section 1. Pinilit kong mag aral mabuti para sa magulang ko.
At hanggang ngayon dala dala ko ang pangarap ko para sakanila at para sa amin.
YOU ARE READING
Tatay
SpiritualTatay, itay, papa, daddy, dad. Ano pa mang itawag sa kanila. Sila pa rin ang lalaking una naten nakilala at minahal, inidolo at hinangaan. Papaano kapag nalaman mo ang iyong ama ay dumanas ng hirap noong bata pa lamang siya sa sariling kamay ng kan...