Pandacan.

376 0 0
                                    

Pandacan, Manila. Dito naninirahan ang mga pinsan ko at ang lola at lolo ko. Syempre sa side ng papa ko.

Naalala ko nung sa tuwing may okasyon, o kaya bakasyon namen, dito kame lagi pumupunta. Dito, lagi kameng nakikipaglaro sa mga pinsan namin. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko sa tuwing nakikita ko sila muli.

Kapag pupunta kami sa Pandacan. Kailangan naming sumakay ng fx o kaya ng van, dahil sa ayaw ni mama na siya ay naiinitan. Ayaw na ayaw ko sa airconditioned na fx or van o taxi naman yan. Nahihilo ako sa amoy at para akong masusuka. Tinitiis namen ni kuya choy ang mahigit na isang oras na byahe papuntang Megamall, at sasakay pa kame ng taxi,diretso na sa bahay. Makita lang muli sila kuya marc, patricia, kiko, at mycah, mawawala na ang sakit na aming nadarama.

Pag uwe namin sa bahay sa pandacan. Didiretso muna kame kila lola, at magmamano. Lagi kong napapansin kay lolo na siya ay laging nakahilata sa sofa at may bisita araw araw. Maghapon din siyang nanonood ng karera ng kabayo. Wala akong chance na makilala sya nung kabataan ko. Si lola lang lagi ang nakakakwentuhan ko. Hindi ko nakikita na nagkakausap si papa at si lolo ng matagal datapwat sa batian lamang sila nagkakausap.

Noong bata pa ako wala akong pake sa paligid ko. Basta ang alam ko, kasama ko ang mga pinsan ko at masaya kaming naglalaro. Mahilig kameng maglaro ng tagu taguan at wrestling, medyo nagkakasakitan lamang. Nung may cable pa kame sa pandacan, lagi kaming nagpupustahan kung sino mananalo sa laban ng wrestling. WWE wrestle mania ang pinapanood namen. Minsan naman kapag tulog pa sila, o kaya gabe na, nanonood naman kame sa cartoon network. Masaya na kame kahet mapanood lang namin ang mga favorite naming cartoons. Lalong lalo na ang tom and jerry na nagbibigay talaga ng ngiti sa amin.

Marami akong masasayang memories dito sa pandacan. At masasabi ko talaga na maswerte ako dahil ang saya saya sa piling ng pamilya ko. Andyan yung time na umuwe galing states sila tita june at tita baby. Silang dalawa ang anak ni "Auntie". Sila ang may ari ng bahay dito sa manila. Pero mas pinili nilang manirahan sa ibang bansa. At mamuhay ng payapa. Tuwing pasko. Nagsasalo salo kame sa bahay. At taon taon may christmas tree. Maraming regalo at madaming pagkaen. Relax na relax ako sa bahay dahil lahat nakahanda na kahet tulog ka pa. Pero ang pinaka masaya talaga ang makipag kwentuhan at makipaglaro sa mga pinsan kong walang katulad at wala kasing lupet.

Pero nawala ang masasayang araw sa bahay simula noong na ospital si lola Alice. Nandoon kameng lahat. Kumpleto ang anak ni lola. Si tito Michael, si Papa, si Tito Marvin at tita Mhye at ang kani kanilang mga asawa. Kumpleto din kameng magpipinsan. Nakita ko si lolo polly na namumula ang kanyang mga mata at maluha luha pa. Nang lumapit pa ako ng kaunti. Nakita ko si lola nakahiga. May kulay blue na tubo ang nakakabit sa may labi nya. Wala na syang malay pero may heartbeat ba sya. Para syang sinisinok sa tuwing pinagmamasdan ko siya.

"LOLA GUMISING KA NA ANDITO NA KAME :)" sinabe ko ng may ngiti

"LOLA , DALI GISING KA NA MARAME PA AKONG IKEKWENTO SAYO"

"Kausapin mo lang ye, baka gumising ang lola mo :)" sabe ni tito Michael.

"Lola --" Naputol ang sasabihin ko dahil sa nakita ko sila kuya mc at mama na umiiyak. Nagtataka ako kung bakit umiiyak sila. Clueless ako. Ang alam ko. Buhay si lola. Mabubuhay sya. Napansin ko na lamang na wala si papa sa kwarto. Nagtataka ako kung san siya pumunta.

After nung dalaw namin kay lola Alice dumiretso na kame pauwe sa Binangonan.

And in just one week. Nagulat ako bigla na lamang wala si papa sa bahay namin.

"Mama asan si papa?" Tanong ko

"Pinuntahan lang ang lola mo, babalik din yun" sagot ni mama.

Hinintay ko nga dumating si papa. Pero umaga na sya ng nakauwe. Ginising niya ako sapagkat may pasok pa ako nun. Nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. At tinanong ko

TatayWhere stories live. Discover now