Ang Bunsong Anak.

748 0 0
                                    

"Papa! Papa!" Sigaw ko.

"Wag mo kong iwan. Uwi na tayo", paiyak kong sabe.

"Ano ka ba, Nakakahiya na sa teacher mo at mga kaklase mo. Andito lang ako sa labas. Hindi ako aalis. Aantayin kita hanggang sa matapos tong klase nyo." Sagot naman ni papa sa akin.

"Papa ayaw ko talaga",

"Sige ka kapag hindi ka pumasok. Papaluin kita sige, gusto mo ba yun?!" Panakot nya sa akin.

Hindi na ko umusap at pinunasan ko na ang luha ko. Umupo ako sa dulong upuan at ayaw kong makipagkaibigan. Wala rin akong ganang makinig sa teacher namin dahil nga bago pa lang ako.

Nasa prep lang ako nun. At si papa lage ang kasama ko papuntang school. Siya yung nagsusundo at naghahatid sa ming dalawa ng kuya ko. Si kuya choy. Sya yung pangalawa kong kuya. Siya naman ay nasa grade 2.

Matapos ang klase. Ako yung unang lumabas ng classroom. At dumiretso ako sa may flagpole. Nakita ko si papa nasa gilid. Hinihintay ako.

"Oh yeye andyan ka na pala", sabay ngiti.

Bigla akong napayakap kay papa dahil sa kahihiyan na nadarama ko kanina.

"Ayan na pala ang bunso mo e" sabe ni manong guard.

"Hihintayin pa namen yung kuya nya. Ano buncheng nagugutom ka ba?"

Tumango ako.

"Ano gusto ng buncheng cheng ko?" Paglalambing sa akin ni papa.

"Ice cream. Gusto ko ice cream papa"

"O sige bibili tayo ha. Paglabas ni kuya choy okay?"

"Sige papa." Sagot ko

Kung iisipin, love na love ako ni papa. Simula pa man nung maliit pa ako. Kaya marameng nagsasabe na ako'y papa's girl.

Kinabukasan..

"Okay class. Ngayon magpapakilala tayong isa isa. Para naman magkaroon kayo ng bagong friends at magkakilanlan kayo mga bata" sabe ni Ma'am Lopez.

"Magsisimula tayo sa dulo, Alyssa halika" Tawag sakin ni Miss Lopez.

Kung minamalas ka nga naman ako pa yung naunang tawagin. Ano pa bang magagawa ko.

"Alyssa magpapakilala ka lang ha. Ok What is your name? Tell your classmates, what is your full name?"

"A-- a- a"

"Dont be shy."

"I- im Alyssa Marielle I. Mantala po.." mahina kong sagot.

"Okay and how old are you?"

"Six po"

"Okay very good, sige na Alyssa balik ka na sa upuan mo ha. Next" may sigla niyang sabe.

Hayy sa tuwing naalala ko to nahihiya pa rin ako.

Lumipas ang mga araw nagkaroon rin ako ng mga kaibigan. Ngunit sa umpisa nabully rin nila ako.

Lumipas ang isang school year. Grade 1 nako. Habang tumatagal dumadami na rin ang problema namin sa pera. Nawalan ng trabaho si papa at kulang na kulang na ang kinikita ni mama para sa mga gastusin namin.

Pero kahit anong problemang dumating sa pamilya namen. Haharapin namen iyon ng magkakasama.

TatayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora