Destine's P.O.V
Nasa mismong airport ako ngayon nag-aantay para sa boarding. Kahapon noong nagbigay ako ng peace offering sa subject ko nagmukmok lang ako sa room ko hanggang gumabi dahil wala naman akong naisip na gawin. After two minutes tinawag na ang mga pasahero ng Flight 138 dahil lilipad na raw. Kaunti lang ang pasaherong nakakasabay ko kaya madali kaming nakapasok lahat. Hindi ko nakita si Lucas simula kaninang umaga.
Nilagay ko ang maletang dala ko sa itaas ng pwesto kong upuan.
"Ladies and gentlemen, the captain has turned on the Fasten Seat Belt sign. If you haven't already done so, please stow your carry-on luggage underneath the seat in front of you or in a overhead bin. Please take your seat and fasten your seat belt. And also make sure seat back and folding trays are in their full upright position.
If you are seated next to an emergency exit, please read carefully the special instructions card located by your seat. If you do not wish to perform the functions described, in the event of an emergency, please ask a flight attendant to reseat you.
We remind you that this is a non-smoking flight. Smoking is prohibited on entire aircraft, including the lavatories. Tampering with, disabling or destroying the lavatory smoke detectors is prohibited by law.
If you have any questions about our flight today, please don't hesitate to ask one of our flight attendants. Thank you" I heard flight attendant announced. I sat to my seat and I fastened my seat belt.
After a few moments one of the flight crew announced as the door closed. Paglipad ng eroplano narinig ko ang anunsiyo ni Lucas, the captain. Pagkatapos sinundan ng isang flight attendant ang pag-demonstrate ng tamang gawin pag mag agrabyado. Naging tahimik lang ako at minsan pumipikit kapag umuuga ang eroplano.
Nag-iisip rin ako kung anong gagawin ko pagbaba ng eroplanong ito. Sa kasamaang palad, naubos ang perang dala ko. Kaylangan kong makahingi ng tulong at si Lucas lang ang pag-asa ko kaya nag-iisip ako kung paano dumiskarte. Makikiusap nalang siguro akong tumira sa bahay niya kasi malaki naman 'yun. Aba, kung hindi siya papayag tatadyakan ko bayag niya. Kasalanan din kaya niyang nandito ako sa mundo nila dahil sa katigasan ng bungo niya at masyadong maarte.
Lumipas ang lampas isang oras bago nalaman naming malapit na kaming mag landing.
"Ladies and gentlemen, this is your captain speaking. If you look out the right side of the aircraft you will notice Flight 137 challenging us to a race. I've turned the Fasten your seat belt sign for landing and safety because shit is about to get real. Prepare yourselves but you need to stay calm. Thank you" Biglang nagkagulo ang lahat ng pasahero dahil sa announcement ni Lucas. Anong nangyayari? I looked around. May iba napadasal kaya napadungaw ako sa ibaba dahil malapit lang naman ako sa bintana. I gulped. Nakita ko sa baba ang isang eroplanong nakikipagsabayan sa amin. Nanginig ako sa takot. May posibilidad bang magsalpukan ang sinasakyan namin sa eroplanong iyun sa pag landing? Jusko, wag naman sana. Agad akong napa sign of the cross.
Lord, please guide the captain and officer for operating the plane. Please keep us safe. Dasal ko sa isip.
Parang tinakasan ako ng kaluluwa nang malakas umuga ang eroplano. May iba napasigaw pa samantalang ako mariing napapikit at diniin ang katawan sa upuan. Pag talagang mamatay ako dito mumultuhin ko kung sinong captain ang nasa kabilang eroplano. Halos maduwal ako nang umugong ng malakas ang eroplano.
"Jusko ko po! Ayaw ko pang mamatay. Lucas! Masasakal talaga kita kung magkamali ka" Impit kong sigaw. Kahit wala namang kasalanan si Lucas sa nangyayari.
Parang niyugyog ng higante ang eroplano dahil sa pagkakauga. Jusko po! Mariin akong napapikit hanggang sa humapa ang galaw ng eroplano. Tumahimik ang paligid. Mabibigat ang hiningang pinakawalan ko pagkatapos marahang minulat ang mga mata. Naramdaman kong hindi na gumalaw ang sinasakyan namin. Nakalanding na ba kami? Buhay pa ba kami?
BINABASA MO ANG
Writer Of Destiny: The Opposition (On-going)
RomanceWhen there is a book, there's also an author. Life is like a book. From the start of lives, the flow of own story, the challenges, the success of destiny there must be an author behind it. Who could it be? From all people in the other dimension ther...