Chapter 14

2.5K 62 2
                                    

Nakatitig lang ako sa folder na ibinigay sa akin ni Drake. Ang folder na naglalaman ng mga naging assignment nito sa secret service at pati na rin ng aking kaso. Nabasa ko na ang laman ng folder, at hanggang ngayon ay parang ang hirap magsink-in sa utak ko na nanganganib ang aking buhay. Pero niloloko ko lang ang sarili ko dahil ilang beses nang nabingit ang sarili kong buhay sa kapahamakan. But thanks to Drake, he saved my life.

Hinimas ko ang logo sa labas ng folder bago nilagay ito sa drawer na katabi ng aking kama.

Tumayo ako at lumapit sa malaking bintana at tumitig sa labas. Madilim na at masyado nang tahimik sa paligid. And then suddenly the picture of my Dad and my mother together invaded my mind. The past is flashing in my mind like a movie played in a fast forward mode.

No loving mother will embrace me and say those words that can calm me. No father will tell me that I am brave and no one can ever make me fall. Kahit iyon man lang sana meron ako, lalo na sa mga panahon na katulad ngayon. Pero matagal nang patay ang Mama ko. My Dad had his own family now. Kanino pa ba ako sasandal? I feel so empty.

This is why I envy those kids who has a perfect family. Kaya palagi akong napapaaway noong elementary, dahil inaaway ko ang mga batang magsasabi sa akin na magpaampon na lang daw ako dahil sira ang pamilya ko, then I'll defend myself by making them eat papers, and then uuwi ako sa bahay na may kalmot sa mukha then magagalit na naman si Daddy sa'kin tapos iiwan akong mag-isa.

Hanggang sa mag-highschool ako, ganun palagi ang kinahihinatnan ko. Nagbago na lang ako kahit papaano nang inako na ng tuluyan ng magulang ni Kaleessa ang responsibilidad sa'kin.

Kahit papaano ay naramdaman ko na may nagmamahal pa rin sa'kin. Pero naroon pa rin yung malaking butas sa loob ng pagkatao ko. I'm still craving for my own family's love and care.

Until now. Inaamin ko, ganoon pa rin. I'm still seeking for his love as his daughter. His first daughter, pero hindi nito ibinigay sa'kin iyon. That's why I'm so angry at him.

But right now, kahit na galit ako kay Papa, gusto ko lang maramdaman ang mga bisig ni Papa na nakapulupot sa'kin habang sinasabi nito ang mga salitang matagal ko nang gustong marinig mula rito.

That he loves me no matter what.

♕ ♕ ♕

Nasa pintuan lang ako habang nakatitig kay Sabrina na nakatayo malapit sa bintana. She's weeping silently. Again.

It has been a week since nang malaman nito kung ano ang trabaho ko. Since then naging tahimik lang ito. Nagkukulong palagi sa kwarto, at palagi ko ring nakikitang binabasa nito ang folder na ibinigay ko rito. I don't know what she's thinking, but I can sense the fear in her.

Hindi ko inaasahan na ganito ka-vulnerable si Sabrina Montalban. Dahil kilala ito sa pagkakaroon ng magaspang na pag-u-ugali.

A very arrogant lady to all.

But now, she looked really empty. Hindi pa man ito napapatay ng kung sino- na hanggang ngayon ay inaalam pa rin namin kung sino ang master mind- ay parang patay na rin ito sa itsura nito, her radiance is gone. Ang putla na nito dahil hindi na ito lumalabas ng bahay man lang.

Nung minsan na inaya ko itong lumibot sa villa ay ayaw nito, nagalit pa nga sa'kin dahil mapapahamak lang daw ito pagka lumabas.

And then she's having these dreams—— nightmares to be exact. Nagigising ako ng madaling araw dahil naririnig ko na lang itong umiiyak, and then I'll make her sleep again pero hindi ako nito hinahayaang iwan ito. That's why I'll end up sleeping beside her habang nakayakap ito ng mahigpit sa'kin.

The Vixen Series: SabrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon