Chapter 4

3.4K 67 10
                                    

Bumaba ako kaagad sa sasakyan nang maiparada na ito ni Mang Ambo sa garahe. Pero imbes na dumaan sa front door, ay lumibot ako papunta sa backyard. Gusto ko kasing dumaan sa may salas at dun na lang muna humiga.

Nagulat naman ako nang may natapakan akong rubber duckie, pinulot ko iyon, tapos tumingin sa paligid.

"Oh my G?!"

Ang daming laruan na nagkalat sa buong backyard, yung mga lounge chairs na malapit sa malaking pool puro nakataob. Ang dami ring nalagas na mga dahon sa mga bushes na nasa gilid.

"What the-Nanay Pising!" Marahan akong tumakbo palapit sa glass doors papasok sa malaking sala.

May tumama sa pwetan ko, kaya hinawakan ko iyon at tinanggal. Plastic arrow iyon na may sticky rubber sa dulo.

Pero mukhang may idea na ako kung sino ang may gawa nito. Maya-maya pa may kung anu-ano nang tumama sa ulo ko, sa mukha, sa dibdib, sa butt, at sa mga binti ko.

Nako talaga namang ayaw akong tigilan! Tinatakpan ko na lang ang mukha ko para di na ako tamaan ng mga bola habang pinapakinggan ang mga hagikgik ng apat na bata.

"Tita Thabrina!", sigaw ng bulol na si Amber sabay kapit sa binti ko. Binuhat ko si Amber at hinalikan ang mamula-mulang mga pisngi nito.

"Hey there, little princess."

"Tita Sab!"

"Tita Fab!", at may tatlo pang bulinggit ang kumapit sa mga binti ko.

Natawa ako nang tignan ko pa ang tatlong makukulit kong pamangkin. Quadruplets sila at si Amber lang ang babae. Lahat sila identical.

Yung pagod ko kanina biglang nawala nang makita ko silang lahat. These kids always make my day bright whenever they are around. Lumuhod ako para makahalik sila sa'kin at pinupog nga nila ako ng halik.

Wow. Napangiti ako ng malapad.

"Where's your Mom?"

"I'm here!"

And there, my beautiful cousin Kaleessa. Ang nanay ng quadruplets. Si Kaleessa Montalban. Parang mas lalo itong gumaganda habang tumatagal!

"Lalo kang pumapangit Kal."

"Gaga, inggit ka lang dahil mas maganda ako sa'yo."

Natawa ako at niyakap ito. Sa kanya ko lang ipinapakita ang totoong ako at ang buong ako, dahil si Kaleessa ang naging bestfriend, kapatid at sandalan ko noong mga panahong kailangan ko ng pamilya. Nung mga panahong kailangan ko ng kalinga ng isang tunay na nagmamahal sa'kin.

"'Lika na nga at kumain na tayo ng meryenda! Naaamoy ko yung specialty ni Nanay Pising, eh. Nagugutom na ko."

Tumakbo ako sa loob at nakipaghabulan sa mga pamangkin ko.

♕♕♕

"Oh, pinaaabot sayo ng kapatid mo sa labas.", napatingin naman ako sa envelope na pinadulas ni Kaleessa papunta sa'kin habang umiinom ako ng melon juice.

"Birthday celebration?"

"Oo, teh. Obvious naman sa nakasulat di ba?"

I just rolled my eyes. 23rd birthday celebration ni Solenn. Ang kapatid ko sa pangalawang asawa ng magaling kong ama.

Nanginig naman ang mga kamay ko nang maalala ko na naman ang tatay ko, ang mansyon ng mga Montalban, at ang pangalawang pamilya nito.

"Ayokong pumunta.", hinagis ko pabalik ang envelope rito at pinagpatuloy ulit ang pagkain.

The Vixen Series: SabrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon