Epilogue.

1.2K 27 11
                                    

After 3 years...

“Any updates?”, kalmado at malamig ang tinig na iyon mula sa dilim.

Nanggaling iyon mula sa isang high back office chair na nakaharap sa malawak na floor to ceiling glasses ng opisina. Mula roon ay tanaw na tanaw ang madilim na kalangitan at nagkikislapang mga ilaw ng siyudad.

“They’re always outsmarting us, Drake. We can’t get a hold of them for too long.”, sagot ng nasa kabilang linya. “The last time we got them, Ania knocked out five of my men and slipped again.”

Nakatiim-bagang na humarap siyang muli sa kanyang table kung nasaan ang bukas na laptop.

He tapped the space button of the keyboard and the paused video played again, showing three women kneeling on the floor, with their hands up to their heads.

Kitang-kita niya sa screen si Ania at Trina na nagbubulungan habang ang mga inutusan niyang tao na humuli rito ay nakatayo sa paligid nila habang hinihintay ang head security ng airport na kinaroroonan nila.

Nang makita kasi ng head security ng airport na nagkaroon ng komosyon sa pagpigil kina Ania ay pinigilan nito ang kanyang mga tao na inakalang may illegal entrapment na isinagawa sa kanila.

Napadako ang kanyang tingin sa pangatlong babae na tahimik lamang na nakapagitna kay na Ania at Trina.

Her hair is dark, she’s a little bit muscled through her crop top, at may tattoo ito na kung ano sa braso nito na hindi niya mabasa dahil mukhang ibang letra iyon na hindi niya alam.

His heart is pounding in anticipation, praying that she’d look at the camera. Gusto niyang ma-confirm kung si Sabrina nga ang kasama ng mga ito. Gusto niyang makita ang mukha nito, malaman lang na buhay pa talaga ang dalaga.

Dahil sa buong tatlong taon na hinanap nila ito mula sa pagkakahulog sa bangin ay hindi na nila ito nahanap, tanging isang sunog na bangkay ng isang babae na inakala nilang ito ang kanilang natagpuan. But they confirmed that it’s not her when the results came out.

Kaya hanggang ngayon ay umaasa silang lahat, lalo na siya, na buhay pa ang dalaga. Ngunit sa tuwing nahuhuli nila ang grupo ni Ania, palaging nauunsyami ang kanilang pagkikita ng misteryosong ikatlong babae.

Lalong nagtiim ang kanyang mga bagang nang makita ang biglang pagtayo ni Trina at bumagsak ang dalawang guard na malapit rito. Habang sunod na na-knock out ang nasa harapan ni Ania, agad nitong hinablot at hinila patakbo ang katabi nito, kasunod naman si Trina na nasa likuran ng mga ito.

Nang makalabas ang tatlo ay may sumalubong na itim na 918 Spyder Porsche at sumakay silang lahat roon, bago iyon humarurot na hindi na nahabol ng mga taong kanyang inutusan.

Isang buntong hininga na lamang ang naging sagot niya sa mga napanood.

“Keep looking for them.”, iyon lamang at pinutol na ni Drake ang tawag.

Tumayo siya at kinuha ang susi ng kotse at lumabas ng kanyang opisina. Sumalubong sa kanya ang kanyang sekretarya na si Suzana. Ang dating sekretarya ni Sabrina.

“Call it a night, Suzana. Go home.”, sabi niya rito. Matipid naman itong ngumiti at tumango sa kaniya bilang pagsagot.

Nilampasan niya ito at nagtuloy sa executive elevator. Pagkapasok ay pinindot niya kaagad ang buton para sa parking floor, pero hindi iyon kaagad sumara dahil humabol sa pagpasok ang isang ginang kasama ang dalawa nitong naglalakihang bodyguard. Ngumiti ito kaagad nang makita siyang naroon.

“Getting late again, hijo?”

“As always, Tita Clarity.”, humalik siya sa pisngi nito at yumakap saglit nang yumakap ito sa kanya. Hinawakan nito ang isa niyang pisngi at malungkot itong ngumiti sa kanya.

The Vixen Series: SabrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon