Chapter 19

2.5K 43 1
                                    

SPG : Striktong patnubay at gabay ang kailangan. Maaaring may Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, na hind maaari sa bata. READ AT YOUR OWN RISK.

She likes the previous chapter, so she'll get it.
Enjoy reading ariestea!

♕ ♕ ♕

"You know your Mama loves you right, baby?"

Narinig ko si Tita pero hindi ako sumagot. Parang naninigas na ang panga ko sa kaiiyak kaya hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

Bumuntong hininga ito, maya-maya'y naramdaman ko ang isa nitong braso na lumigid sa aking balikat at hinila palapit para maisandig sa katawan nito. Inihilig ko na lamang ang aking ulo sa dibdib ni Tita, habang masuyo nitong hinihimas ang aking balikat.

"Sana hindi na lang nangyari ang lahat ng ito, Tita. Kahit wala ang lahat ng yaman na ito, basta lang buo ang pamilya ko, ibibigay ko ang lahat."

Bumuntong hininga ulit ang matanda. "I must say, na ito ang naging kapalaran nating lahat. We just have to be strong and make everything right even if it's so wrong."

"Alam mo ba ang lahat ng ito, Tita?", tumingin ako rito.

Tumitig ito sa akin ng matagal bago tumango bilang sagot. Sabay na lamang sila nitong nagbuntong hininga.

Di ko napansin na lumapit pala sa amin ang matagal nang assistant ng aking tiyahin, si Tito Riley. Parehas kaming napatingin rito, napakunot pa ang noo ko nang mataman itong nakatitig kay Tita na parang may intimacy sa mga mata nito.

May relasyon kaya sila ng tita ko?

"I'm telling her everything, Riley."

"Hindi pwede, Clarity. It's for her safety."

"Safety? Matagal na nating ginagawa ang lahat para hindi mapahamak si Sabrina, we even hid all the truth——"

"Clarity!"

"Teka! What's happening here?", nagpapapalit-palit ang tingin ko sa dalawang taong nasa harapan ko.

Aware naman sila na nandito lang ako sa tabi nila at naririnig ko ang lahat ng sinasabi nila, at ngayon ay naguguluhan ako.

Truth? Truth about what?

Nakatingin lang sa akin ang dalawa pero wala pa ring nagsasalita.

"What I should know, Tita? Please, 'wag niyo na akong pagtaguan, don't you think I've had enough?"

May pumatak na luha mula sa mata ni Tita. I can see through her eyes that there's something, restraining her from telling me what she wanted to tell. Hahawakan ko sana ang kamay ni Tita pero inunahan ako ni Tito Riley. May apologetic itong tingin na ibinibigay sa akin.

"I'm sorry, Sabrina.", sabi nito.

Lalo namang napakunot ang noo ko. Biglang ipiniksi ni Tita ang kamay ni Tito Riley.

"Sa pagkakaalala mo, Sabrina. May marka ba ang mama mo na tanging siya lang ang meron sa kambal?"

"O-Opo. May butterfly-shape birthmark si Mama sa palapulsuhan niya.", naguguluhan man ay sinagot ko ang tanong nito.

Tinanggal ni Tita ang malapad nitong bracelrt at sa pagkagulat ko ay ipinakita nito ang kaliwa nitong palapulsuhan. Naroon ang marka na nagpapakilala sa kanyang ina na si Felicity.

"I-Imposible.."

"You have the same birthmark down your left thigh——"

"How did you know that, Tita? Si Mama lang ang nakakaalam--"

The Vixen Series: SabrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon