Chapter 15

2.6K 54 9
                                    

Maaga akong nagising dahil na-e-excite ako. Pupunta kami ni Drake sa bayan para mamili at mamasyal, katulad ng ipinangako nito kagabi.

Magda-dalawang linggo na rin akong nagkukulong sa bahay na ito dahil sa takot na idinudulot sa akin ng mga pagtangka sa buhay ko.

At napagtanto kong wala rin namang mangyayari kung magtatago lang ako.

At katulad ng sinabi ni Drake. Po-protektahan ako nito.

Sinuot ko ang bullcap na binigay sa akin ni Drake at tumingin saglit sa salamin. Nang satisfied na ako sa itsura ko ay nagtatakbo na ako palabas.

Sinalubong ng mukha ko ang liwanag ng umaga at nilanghap ko ang sariwang hangin na may halong amoy ng dahon sa paligid. Maski ang usok na galing sa pagsisiga ni Aling Josefa na isa sa mga tauhan ng hacienda. Nasa ilalim ito ng malaking puno ng acacia, naghahain ng aalmusalin ng mga tauhan sa isang mahabang mesa na gawa sa kawayan.

Nang makita ako ng matanda ay ngumiti ako rito at masayang kumaway, saka ko ito nilapitan. Kasama pala nito si Wendy, ang anim na taong gulang nitong apo.

"Magandang umaga po, Aling Josefa.", bati ko sa mag-Lola. Boodle pala ang hinahain ni Aling Josefa. Naglalagay na ito ng prinitong kamatis sa kanin.

"Ay magandang umaga rin ho, Señortia Sabrina! Apo bumati ka rin.", utos nito sa batang nagtago sa likuran nito at nakasilip sa akin.

Nginitian ko si Wendy. "Magandang umaga, Wendy!", pero nagtago lang muli ito sa Lola.

"Nako, pasensya na ho kayo sa apo ko. Talagang mahiyain lang talaga ang batang ito."

"Wala ho iyon. At saka Sabrina na lang po.", I'm in a very good mood!

Nahihiyang ngumiti ang matanda at inabutan lang ako ng isang tasa ng kapeng barako.

"Nakagayak ka ng ganito kaaga. May lakad ba kayo ni Tutoy?"

Nangunot ang noo ko. "Tutoy? Sino po iyon?"

"Si Drake, hija. Tutoy ang tawag naming matatanda dito sa kanya simula pagkabata niya."

Hindi ko napigilang matawa ng malakas dahil sa sinabi ni Aling Josefa. Natawa rin ito at napansin kong umalis na sa likod ng matanda ang bata at kumakain ito ng puto na may cheese spread sa ibabaw.

"Heto at magkape ka muna, hija."

Kinuha ko naman iyon at sumimsim ng mainit na kape. Nagkukwentuhan kami ng matanda nang dumating si Drake na bagong ligo. Sa likod nito ang mga kalalakihang trabahador ng hacienda. Pero nakay Drake lang ang pansin ko.

Naka-white shirt lang ito at jeans, tapos ay combat shoes. Hawak nito sa isang kamay ang itim na jacket. Napansin ko rin na may naka-umbok mula sa loob ng shirt nito sa likuran, sigurado ako na baril iyon.

"Magandang umaga, Nay..", bumaling ito sa akin. "Let's go."

Ngumiti ako rito bago bumaling kay Aling Josefa. "Mauna na ho kami. Salamat po sa kape."

"Mag-i-ingat kayo sa bayan. Pista ngayon, at hindi mawawala ang masasamang loob roon.", sabi ni Mang Temyo na umupo sa tabi ni Aling Josefa.

Tumango si Drake. "Opo, Tay. Sige ho, alis na kami."

Kumaway lang ako sa . Pumunta kami sa pick-up nito na naka-park lang sa gilid ng bahay. Sumakay kami roon at nagdrive na si Drake papunta sa bayan.

Walang kinse minutos ay nasa bayan na kami, at kahit wala pang alas diyes ng umaga ay marami nang mamimili. Maraming bukas na stalls ng damit, laruan, iba't ibang pagkain at prutas at marami pang iba.

The Vixen Series: SabrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon