Chapter 7

2.9K 65 12
                                    

"Target locked.", bulong niya habang nakatutok na kay Sabrina Montalban ang kanyang sniper.

The first two assassins failed to kill our target because someone stopped them from doing it. I should be more careful to do this mission. Kung hindi ko magawa ito within 24 hours, ako naman ang mamamatay.

I scoffed.

Sa totoo lang madali lang naman maging target ang Sabrina Montalban na ito, pero hindi ko alam kung talagang tanga lang yung naunang assassin sa'kin. Mga baguhan siguro. They were both found dead, and dumped in a nearby graveyard. At alam ko kung sino ang may gawa noon. Signature na nito iyon.

Pero bago pa man niya makalabit ang gatilyo ng sniper ay may malamig na bakal ang tumutok sa ulo ko.

"Put your hands up to your head."

Napapikit ako saglit at dahan-dahang ginawa ang inutos ng kung sinong nasa likuran ko.

"Stand up." Utos pa nito ulit na sinunod ko naman. Naramdaman kong ikinasa na nito ang baril nito. Hindi ako pwedeng mahuli ng kung sino.

Mabilis akong umikot at sinangga ang kamay nitong may hawak na baril kaya nabitawan nito ang baril at napamura. I gave him a strong jab to his nose and kicked him off the tree. Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko at tumalon pababa. Sumakay ng motor at mabilis na pinaandar iyon palayo.

Fck! Nabulilyaso ang misyon ko!

"Shit! Ahh!", daing ko habang hawak ang balikat na nadaganan nang bumagsak ako mula sa taas ng puno. Nanlalabo ang mga matang sinundan ko ng tingin ang motor na papalayo pero bigo akong makita ang plate number niyon.

I cursed under my breath again out of frustration. Ni hindi ko na nakita yung mukha, natakasan pa ako! Nakangiwing tumingin ako sa malaking bahay ni Sabrina saglit at umalis na para bilinan ang security na mas lalong maghigpit.

I even earned myself a broken nose from that son of a bitch!

♕ ♕ ♕

"Why do you have to drag me? I can walk!" I hissed at Kaleessa. Kanina pa kasi ito nakakapit ng mahigpit sa kanang kamay ko at kinakaladkad ako habang naglalakad kami sa magandang pathway papunta sa mansyon ng mga Montalban.

"Baka kasi bigla ka na lang tumakas, eh." sabi nito na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Mas matangkad sa akin ng ilang pulgada si Kaleessa, at hindi ito patpatin katulad ng ibang matatangkad. My cousin is an amazon, a sexy but scary amazon. Pero mas sexy at mas maganda pa rin ako.

Napagkasunduan naman na naming pumunta sa birthday party ng half-sister kong si Sherri Solenn Montalban. Pumayag na rin naman na ko. Paanong hindi ako papayag? Kung meron ka ba namang pinsan na kasing kulit at ingay nito, o-oo ka na lang talaga sa sinasabi niya.

Lumingon ako sa likuran at sinilip ang dalawang lalaki, si Clark at Jude, na may hawak na tig-dalawang makukulit na bata. Sinama ko si Jude bilang date ko at tinulungan na nito si Clark sa pagbitbit sa mga bata.

Nakita kong ngumiti sa akin si Jude na sinagot ko rin ng maliit na ngiti bago lumakad ng diretso.

"Oh my gosh! Ate Sabrina! You came!"

May tumakbo palapit sa akin at buong higpit akong niyakap. Isa lang naman ang gumagawa sa akin nito pagka nakikita ako simula pa man noon na nandito pa ko sa Montalban Mansion.

"Wala ka pa rin talagang pinagbago, Sherri Solenn."

Matagal na rin simula nang huling naramdaman ko ang huling yakap ni Solenn. Umiiyak pa 'to the last time na yumakap sa akin ang half-sister ko.

The Vixen Series: SabrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon