Drake's Point of View
"Beacuse you're important to me." Bigla ko na lang nasabi yan. Ewan ko ba. Importante naman talaga sya sa akin e.
"Haha. Kaya mahal na mahal kita e." Nakangiti nyang sabi. Mahal nya ako? I mean-- mahal na mahal nya ako?
"Mahal mo ako?" Tanong ko. Gusto ko lang ng malinaw.
"Syempre naman! Bestfriend kita e." So ngayon, alam ko na. Mahal nya lang ako as a best friend.
"Haha. Tara na nga sa loob." Sabi ko at hinila sya papasok sa loob. (Alangan namang papasok sa labas?)
Pagkapasok namin sinalubong na kaagad kami ni Bry-- I mean ni Kylie.
"Hey, Super tagal naman ng lo-- I mean partners." Sabi nya sabay tawa.
"So sorry, Kylie. Super tagal kasing mag-ayos nung iba jan e." Parinig nya sakin.
"Hoy, hoy! Hindi kaya!" Pag tanggi ko sa kanya.
"Oops! Wag kayo dito magtalo. Nakakahiya sa mga bisita ko." Awat sa amin ni Kylie.
"Uhm, Kylie. For you." Sabi ni Faye, then her sweetest smile.
"Oh my. Thank you, Faye. So--"
"Anong tawag mo sa kanya?" Pagputol ko sa kanya.
"Faye." Simpleng sabi nya
"Ako lang tatawag sa kanya nun." Sabi ko.
"OK." Sabi nya. "Basta thank you sa gift mo, FAITH." Tapos hinawakan nya yung kamay ni Faye.
"Welcome. Basta ikaw. Idagdag mo na lang yan sa Girl Thingy natin, at alam mo ba..." at nagtuloy-tuloy na sila sa pag usap tungkol sa mga thingy-thingy na yan. Parang wala ako dito.
"Ehem." Kunwaring ubo ko para mapatingin sila sakin.
"Ui! Nanjan ka pala, Drake." sarcastic na sabi sakin ni Brylie. Oo, Brylie. Asaran ang gusto nya e.
"Oo naman, BRYLIE. Nandito pa 'ko" Sabi ko at nag death glare sya sakin.
"Tara na nga. Kain na tayo. At ikaw." Turo ko kay Brylie pero tinaasan nya lang ako ng kilay "Punta ka na sa upuan mo. Mauna na kami." Sabi ko at hinila si Faye papunta sa mga bakanteng upuan.
Nagkwentuhan lang kami kasama nung ibang mga kaibigan ni Kylie. Ang dami ngang nagtatanong kung kami daw ni Faye. Syempre, sabi namin hindi. One time nga niloko ko yung nanligaw dati kay Faye, si Gerald. Tinanong nya rin kung kami at sinabi kong hindi PA. Namula nga nun si Faye ng parang kamatis e. Tas yung mukha ni Gerald, EPIC! Haha.
"Good Evening, ladies ang gentlemen!" Sigaw nung Emcee at sumagot naman ang mga guests.
"Kung lagi kayong nakakapunta sa mga Debu, siguro alam nyong merong Cotillion, 18 Wishes, 18 Gifts, at kung anu-anong 18 pa. Pero iba ang gusto ng ating celebrant, gusto nya daw ng parang prom lang. Slow Dance, kahit sino. Kahit hindi yung kapartner nyo. Kung sinong gustong magbigay ng regalo? Magbigay. Yung mga ayaw naman? Wala na kaming paki alam. Basta gusto nyang maging memorable para sa inyo ang birthday na 'to. Kaya, The Party Starts Now!" Sabi nung Emcee at nag palakpakan na kami.
Maya maya may lumapit na kaagad kay Faye.
"Faith. Uhm. Ano. P-Pwede ba kitang is-isayaw?" Aya sa kanya ni Gerald.
Aba! Kita mo 'tong best friend ko, pumayag? Dalawang kanta ang natapos nilang sayawin sa gitna. Pagka upong-pagka upo nya may nagyaya naman sa kanya. At ito na naman. Sumama na naman sya. Iniwan na naman ako ditong mag-isa. Hay naku! Ewan ko nga sa kanya. Tapos na yata silang magsayaw nung iba at umupo na sya.