Faith's Point of View
Malapit ng matapos ang High School life namin. Two months na lang, graduation na! At ayun, ako pa rin ang highest! And As usual, si Charlize at Mae ang kasunod ko. Ayos kami diba? Top 6 pa kasi si Jamie tas si Drey? Ayun, top 9.
"Amigaa! Tara na nga! Nasa labas na daw ng gate si Brad." Sabi ni Aragones. Yes, si Charlize yun. Sino pa bang ibang tumatawag sakin ng amiga?
"Hashtag. In love, pumapag-ibig~~" pag kanta ni Mae.
"Feeling walang love life." Parinig ni Jamie.
"O edi ako na walang love life!" Sigaw ko sa kanila.
Boyfriend kasi ni Charlize si Bradley Simpson. Tas kay Mae naman ay si James McVey ang Boyfie. At si Jamie? Ayun, si Connor Ball ang Boylet. And guess what? Pare-parehas pa sila ng date naging sila, and same place pa! Buti na nga lang hindi sila pare-parehas ng time. Nagtataka nga ako kung saan nabingwit nung tatlong yun yung mga lalaking yun e! Sa pagkakaalam ko, may banda sila at yun ang tinatawag na The Vamps. Bali four sila sa band. O, hindi sakin yung isa ha? Sabi nina Charlize at Mae, playboy daw yung Tristan Evans at hindi pa nakakahanap ng katapat. Dati kasing Playboy sina James at Bradley, pero nung dumating yang dalwang yan. Ayun, tumino! Sa kanilang apat, si Connor lang daw ang matino sa kanila.
At tatanungin nyo ba kung anong nangyari sa Boy Bestfriend ko? Ayun, buhay pa naman pero hindi sa bahay namin nag Pasko at Bagong taon kundi sa bahay nung bagong girl friend nya. Dati kasi laging sa bahay namin nagse celebrate sila ng pamilya nya. Ngayon, yung pamilya nya na lang. Bali tatlong buwan na silang naglolokohan nung girlfriend nya. Choss. Nakakapagselos nga e-- I mean, as a best friend, nagseselos ako kasi di ko na sya nakakasama. As in hindi na talaga. Pag magkakasalubong naman kami, ngingiti lang sya sabay alis na. Kakamustahin ko lang sya sa Text sasabihin nya "K lang" taspag sa Chat naman, seenzone lang ako. Ewan ko kung ano na ang nangyayari sa kanya. Ang cold nya sakin nitong nakaraang buwan.
"Hoy! Tulaley ka jan!" Sigaw ni Jamie. "Kanina ka pa namin nakakausap a?" Tanong nya.
"Sorry." Sabi ko na lang. At napansin kong wala si Charlize.
"Hinahanap mo si Aragones?" Tanong sakin ni Mae at tumango na lang ako.
"She's gone." Sabi ni Jamie.
"What?!" Sigaw ko.
"Kidding. Sinama na ni Bradley paalis. Naka ilang beses sya sa'yo nag paalam a?" Sabi niya at nagkibit balikat na lang ako.
"Di nya kasalanan kung Hobby nya magDaydream." Bulong ni Jamie kay Mae pero narinig ko. Kaya ayun! Binatukan ko nga.
"Aww. Joke lang. Tara sundan natin sina Charlize. Magmo-mall daw sila e. Kakaalis lang naman." Sabi ni Mae.
"OK. Let's go na." Sabi ko sabay hatak sa kanila. Tas pumasok sa car ni Mae.
To: Charlize Ellaine Aragones
Beb, asan ka ngayon?
Tanong ko kay Charlize. Itext ko daw e, sabi nila. Maya maya nag vibrate yung phone ko.
From: Charlize Ellaine Aragones
Sa Vikings, amiga. Bakit?
Reply nya sakin.
"Sa Vikings daw. Tas bakit? Anung sasabihin ko?" Tanong ko sa kanila.
"Wag mo na lang replyan." Sabi ni Mae. Tas tinago ko na lang.
Pagkababa namin sa kotse ay agad kaming pumunta sa Vikings. Tas naramdaman kong nag vibrate phone ko.
From: Charlize Ellaine Aragones