Hunter's POV
“Ma'am ano po hinahanap n'yo?” Napapitlag ako nang may lumapit sa aking lalaki, na palagay ko ay nag tra-trabaho sa hotel na'to.
Naka bantay s'ya kanina sa isang kwarto at hindi na siguro natiis na lapitan ako. Kanina pa kasi ako naghahanap ng cr mga 30 minutes na ata. Hindi talaga ako sanay sa gantong lugar lalo na't laki akong squatter.
“Nasaan ang cr?” nakangiwi kong tanong. Pinag dikit n'ya ang mga labi n'ya na parang nagpipigil ng tawa, kalaunan ay ngumiti s'ya sakin.
“Deretso kayo dito Ma'am at kumanan,” turo n'ya sa hallway na nadaanan ko na kanina pa.
Halos matampal ko ang sarili ko. Agad akong nag pasalamat at pumunta na don. Nilinis ko na agad ang sarili ko pagpasok na pagpasok ko palang sa cr, hindi na'ko nagtagal dahil natagalan na nga ako sa paghahanap.
Nag-vibrate ang cellphone ko at may natanggap na mensahe. Listahan ng mga target namin. Pasimple akong gumilid sa mga taong nagdadaan bago basahin.
Boss- Father: Reynaldo Aragao
Silencer- Mother: Cruzin Aragao
Biker- Sister: Crishey Aragao
Bullet- Little sister: Cyril Aragao
Hunter- Brother: Nacario Aragao
Swordsman- Grandma: Selenxia Dizon Aragao
Hacker- Grandpa: Captan Aryen AragaoMay kanya-kanya na kaming target. Tinignan ko ang itsura ng lalaking nangangalang Nacario. Medyo napamaang ako, gwapo si Nacario, kita din na malinis ang record n'ya sa mga tao, lalo na sa mga babae. Gentleman, matulungin sa mga matatanda at sa mga bata, mabait pa. Mga nakalagay sa article tungkol sakanya, kunot noo ako sa mga nababasa.
Habang nagbabasa ay biglang may naka sanggi sakin, dahilan para malaglag ang cellphone ko sa sahig. Napabuntong hininga ako, pansin ko ay ang dami kong nakakabanggang tao.
“Oh sorry miss I didn't saw you, my apologies,” parang boses ng isang anghel.
Napakurap-kurap ako nang matitigan ang lalaki sa harapan ko. Hindi s'ya naka maskara kaya kitang-kita ko kung sino s'ya!
“Sir Nacario! Okay lang po ba kayo?” takbo ng lalaking tumulong saking ituro ang daan papuntang cr. Lumapit ito at tinignan kung maayos ba ang lalaking nasa harapan ko kahit s'ya naman ang nakabangga sakin.
Natulala ako, hindi dahil sa ganda ng ngiti n'ya. Kundi sa kaba, mabilis kong pinulot ang cellphone ko at tinago bago pa n'ya makita ang nasa screen nito.
“I'm alright. Ako ang hindi nakatingin sa dinadaanan ko,” sabi n'ya. Humarap s'ya sakin.
“Ikaw, okay kalang ba?” lumapit s'ya at sinuri ang braso at binti ko.
Tumama din kasi ako sa statwa na nasa gilid lang ng daan. Okay naman ako, masakit nung tumama pero nawala din. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay kaba.
“Okay lang ako,” nakayuko kong sabi.
Hinawakan n'ya ang baba ko at inangat ito. Nagtama na tuloy ang mga tingin namin. Hindi ako nakagalaw nang unti-unti n'yang tanggalin ang maskara ko, hindi ko alam kung bakit ako pumayag na tanggalin ang maskara ko, pero hinayaan ko s'ya. Para akong na istatwa sa mga hawak n'ya, hindi ako makagalaw. Nang matanggal ay bigla nalang nanlaki ang mga mata n'ya, napa kunot naman ako ng noo.
May dumi paba ako sa mukha?
“So Beautiful,” bulong n'ya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na lumayo sakanya.
“A-ano?” Nauutal kong tanong. Ngumiti s'ya ng pagka tamis-tamis.
Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako, ito ang Nacario na papatayin ko diba? Malay ko ba kung may kamuka s'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/301100875-288-k354208.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)
FantasyMidnight Hunters, a group of criminals that are being chase by the government. They are still unknown by the public, this mysterious group has been the pain in the ass of the Mayor of their town. Many people don't know them, they just known for bein...