Hunter's POV
Napalingon ako kela Biker.
"Ang akala ko talaga..." Napanguso nalang ako.
Hindi eh, nakita namin ng malapitan ang nangyare kay Hacker. Kitang-kita din na hindi s'ya lumaban at tinanggap nalang ang hatol sakanya. Kaya hindi ko na din naisip na maaaring mabuhay pa s'ya. Pagkatapos marinig ang sigaw n'ya... alam kong matinding sakit ang naramdaman n'ya non. Hanggang ngayon parang naglalaro parin sa isipan ko ang nangyare nung oras na pinatay s'ya sa harap ng madaming tao.
Bumaba ang tingin ko sa bagay na hawak ko, automatic na ang drone na ito. Kahit wala si Hacker gagana pa din ang drone.
Napalunok ako. Iingatan ko na ito.
Ngayon hindi na'ko pwede magkamali.
"Nakakapanghinayang." Malungkot kong sabi.
"He's gone and the thing that is left... is his hologram." Sabi ni Biker at napa buntong hininga.
"But I didn't know Hacker has this kind of potential," sabat ni Silencer.
"Imagined his dead and still has the control of his hologram," dagdag ni Silencer.
Kinuha pa n'ya sakin ang drone at sinuri ito. Kinuha ko din agad kasi baka masira, inalog-alog n'ya pa kasi.
"Wag mo alugin," sabi ko. Napakamot lang s'ya sa ulo n'ya.
"Baka may nag pra-prank satin?" sabi n'ya. Napa-iling ako.
"Walang ibang tao sa paligid nung tinignan ko, ibig sabihin pumunta ang drone dito mag-isa." Nasabi ko nalang, at sigurado ako na walang ibang taong makakakuha ng drone ni Hacker.
"She's right. At kung meron man ibang may hawak, hindi basta-basta maa-access ang drone ni Hacker. He's very careful with his informations, that even us can't open it without his permission." Seryosong dagdag ni Biker.
S'ya na ata ang pinaka maingat na tao na nakilala ko.
Kinuha ni Biker ang drone gamit ang isang kamay. Parang bola n'ya itong hinawakan.
"If someone tried to open the drone by force... the drone will explode." Napa ngiwi ako.
"Hihintayin natin s'ya mag pakita ulit?" Takang tanong ko.
"We can summoned him whenever we want. Remember that Hacker only listen to us, because we have his trust," sabi n'ya.
Binalik n'ya ulit sakin ang drone.
"Hali na kayo, masakit na ang binti ko. Bukas ulit natin kausapin si Hacker." Paika-ikang naglakad si Biker papunta sa building na tinutuluyan namin. Agad akong lumapit sakanya para alalayan s'ya pabalik.
Pagkapasok ay agad ko na muna ginawa ang dapat kong gawin. Kinuha ko na ang pamunas at marahan kong pinunasan ang dumi sa mga mukha nina Yin, si Biker ay inupo ko muna saglit sa gilid habang tinuon ko ang atensyon sa paglinis sakanila. Muntik ko pa ito hindi magawa dahil hindi pa din ako nakamove-on kanina sa gulat nang makita ko ang drone.
Parang buhay na buhay s'ya.
Parang nasa paligid lang s'ya, tulad ng dati na kinokontrol ang drone.
Pero kahit anong isipin ko, malinaw na ang hologram nalang n'ya ang nandito.
Wala na sa paligid si Hacker.
Nanginig ang kamay ko, napa kagat nalang ako sa ibabang labi ko habang pinipigilan ang emosyon. Huminga ako ng malalim at maliit nalang akong napangiti nang matapos kong punasan sina Yin. Ayan! Malinis na sila.
Napalingon ako sa drone na namamahinga sa gilid ng banig na nasa tabi ko lang. Sabi ni Biker ako na daw ang hahawak sa drone dahil ligtas daw ito pag nasa mga kamay ko. Dapat talaga sakanya ito namamalagi pero mas pinili n'yang sakin ibigay. Hindi ko talaga alam kung bakit sakin, gayong pwede naman s'ya o si Silencer.
BINABASA MO ANG
Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)
FantasyMidnight Hunters, a group of criminals that are being chase by the government. They are still unknown by the public, this mysterious group has been the pain in the ass of the Mayor of their town. Many people don't know them, they just known for bein...