CHAPTER 6

2.6K 38 1
                                    

WARNING SPG!

Alliana POV

NAGISING ako dahil sa ingay ng nagriring na cellphone. Alas nuwebe na pala ng umaga. Tulog pa Ang mag ama.

"Hello?"

Tinignan ko Ang number Kung registered pero Hindi.

[Babaita Hindi ka ba uuwi Dito sa probinsiya? Reunion sa susunod na linggo aba, umuwi ka naman Dito.] Si ate lang pala.

Tinignan ko Ang kalendaryong nakatayo sa desk. April 3 na pala.

"Kelan nga ulit yon? Nakalimutan ko na e sorry" napakamot pa ako sa batok, Hindi ko talaga matandaan.

[April 13. May nasagap akong balita, ikaw ha] aniya

"Ano nanaman Yan? Parang palagi ka namang nakakasagap ng balita" tinawanan ko pa siya' pero kinakabahan na ako ni-isa nga sakanila walang alam na may boyfriend ako.

[Asus Gaga ka bakit Hindi ko alam na may boyfriend ka na diyan sa manila?naku pag umuwi ka Dito ipakilala mo Yan alam na nila papa hahaha] tumawa pa ito Kaya kinabahan ako.

" Oo na isasama ko na lang diyan sa reunion" Ani ko

Suminghap ito

[Ingatan mo Yan Alam mo naman si marimar masiyadong malandot bali-balita nga Dito sa baryo na buntis daw 'yon Kaya palaging naka oversized shirt] aniya

" Ewan ko sayo ate. Dami mong nasasagap---mamá!" Bumalik ako sa kwarto ng marinig ko Ang sigaw ni Calvin. Nasanay ng lagi akong katabi pag gising.

Pag dating ko sa loob ay umiiyak na siya Kaya binuhat ko na. Hindi manlang nagising si Vincent pagod na pagod lang

[Hoy ano Yan?! May anak ka na agad? Aba iba na Yan venissa ah Kaya ba ilang taon ka ng Hindi umuuwi Dito may anak ka na???! O baka may sugar daddy ka diyan ha naku] aniya Ang daldal talaga

"Ate ilang taon lang Ang agwat Namin, saka hintayin mo na Lang ako diyan sa Nueva ecija sasabihin ko sayo" aniko saka pinatay Ang tawag.

Ibinaba ko na lang Ang cellphone ko saka inihiga si Calvin aangal Sana siya pero inunahan ko na siyang tabihan.

" Inaantok ka pa? Tulog ka pa gisingin na lang Kita mamaya" Sabi ko sa kaniya saka hinimas-himas Ang likod Niya para makatulog ulit.

Nang makatulog na siya ay bumangon na Ako saka bumaba ihahanda ko pa Ang pagkain noon ayaw Niya na kasi ng iba Ang maghahanda ng pagkain Niya kinaiinisan Niya. Lalo na kung Yung baguhan Ang maghahanda ng pagkain Niya.

" Oh hija nasan na si Allen at si Calvin? " Lumapit siya saakin saka ibinaba Ang ulam na niluto Niya.

" Tulog pa ho "

" Bakit umiyak 'yong alaga mo kanina? May nangyari ba? " Aniya

Tinapos ko muna Ang ginagawa ko saka umupo sa upuan.

" Nagising lang ho manang. Palagi naman hong naiiyak 'yon pag nagigising na walang katabi" Ani ko

Tumawa lamang siya saka ipinagpatuloy na Ang paghahanda ng pagkain sa hapag. Pagtapos Niya ay naupo na lamang siya sakto namang bumaba si Vincent na nakahubad-baro habang but it si Calvin. Namula ako roon dahil pangalawang beses ko pa lamang Makita iyon at Ang unang Kita ko roon ay inaasar Niya pa ako.

"Good morning babe" aniya ng makalapit saka ako Hinalikan sa labi.

"Good morning"

Kinuha ko sa kaniya si Calvin at pinaupo sa tabi ko.

Nagsimula na silang kumain. Pinipilit akong kumain ni Vincent pero umiling lamang ako dahil Wala ako sa mood kumain.

"Babe, eat." Paguulit pa nito

Babysitting The Sumptuous Heir [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon