Alliana POV
"DADDY?"
Kanina pa ito nangungulit na gusto na niyang makita ang ama. Kung sabagay, sino nga ba namang hindi makaka miss sa ama na ilang araw na at hindi pa nakakauwi. Naroon kasi ito sa Boracay at naroon raw ang beach resort at may ball meeting daw roon para sa mga companies na may share sa resort.
"Uuwi na si daddy bukas. Matulog ka na para pag gising mo nandito na siya." Ani ko at ipinikit niya naman ang mata niya.
Anim na taon na si Louise. Dati nagtatanong ang magulang ni Vincent kung may kasunod pa si louise ang tanging sinasagot ko lang ay wala na at ayoko na ng kasunod na sinangayunan naman ni vincent.
"I miss my daddy i want a hug." Aniya habang nakanguso.
Inilabas ko ang cellphone ko saka tinawagan si Vincent. Alas nuwebe na ng gabi siguro naman ay tapos na ang meeting nito. Naka isang ring lang iyon ay sinagot niya na agad, inagaw naman ni louise ang cellphone saakin.
"Daddy when are you coming home?" Ikini-kiss niya pa iyong screen na parang nakikita niya ang ama roon.
"Open the door."
Kumunot lang ang noo niya at hindi gumagalaw. "What door daddy?"
Binuksan naman ni vincent ang camera at tumambad doon ang pintuan ng bahay. Dali-dali namang lumabas ng kwarto si louise at bumaba na sa hagdan.
"Daddy! daddy!" Nag tatatalon pa ito nang makita ang ama sa labas.
"Stop twirling lui,"
Binuhat niya agad ang anak. "Nasaan si kuya at ate?" Tumingin pa ito saakin.
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil kung sasabihin kong nariyan at tulog na ay baka puntahan nito. Hindi ko pa naman nasabi sa kaniya na nagpaalam iyong kambal na may camping at si calvin naman ay hindi pa umuuwi dito at tumatawag lang sa gabi para mangamusta.
"They're in Rizal and kuya vivin? he won't go home unless he knew that you're here. " Ani louise.
Umalis ako roon para sana umiwas sa itatanong niya pero hindi pa ako nakakalayo ng tawagin niya ako.
Tinakpan niya ang magkabilang tenga ni Louise saka nagsalita. "Bakit hindi mo sinabi saakin? Nawala lang ako ng ilang araw nawala din 'yung mga bata."
"May camping sila at kailangan daw sila doon, hindi ko lang nasabi sa'yo, nakakaligtaan ko lang..." Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. "Sorry okay? ipapaalam ko na next time."
Hindi lang siya nagsalita at dumukwang ng kaunti para halikan ako sa labi. Ipinaubos niya lang ang dala niyang pagkain kay lui at umakyat na kami, inaantok na daw si lui. Wala na kaming nagawa ng magpumilit ito na doon matulog sa kwarto namin at natatakot daw siya sa kwarto niya.
"Nag email saakin si mama valen, kukunin niya daw si lui bukas para isama sa Santa rosa. Hindi pa ako nag re-reply, pwede ba? baka kasi hindi ka pumayag." Ani ko habang tinatapik ang hita ni lui na nasa pagitan namin.
"As long as they're in your house or in mommy's house it's fine for me." Nakatutok lang iyong mata niya sa Flat screen T.V. na nasa harapan.
Pinatay niya 'yung T.V. at ilaw saka nahiga ulit.
"Kailan ang balik ng mga bata? "
"Sa friday daw. " hindi ko din sigurado iyon dahil walang exact date na ibinigay ang guro nila.
Pero ang sabi nito bago raw mag linggo ay sigurado nang nakauwi ang mga bata.
"So we're alone tomorrow?" ngumiti pa ito ng nakakaloko.
Kinurot ko lang siya sa tagiliran niya. "Tigilan mo nga ako! Tumigil na ako sa paggamit ng pills at bawal na daw ang sex 'pag hindi na gumagamit."
Sumimangot lang siya."Bibili ako ng condom, babe come on don't you miss me?"
Para na siyang batang nag mamaktol doon pero binaliwala ko lang siya at natulog na bahala siya diyan magkamay siya. Nagising na lamang ako ng may marinig na sumisigaw sa tabi ko. Si lui na sumisigaw habang nanonood.
"Nasaan ang daddy?" bumangon ako at lumapit sakaniya.
"I don't know mommy, mi(mommy) I'm hungry." nakangusong aniya
Bumaba na kami at naabutan pa sila doon na nakayuko habang sinesermunan ng ama, kasama si calvin na nakarating na pala.
Nagpumilit na bumaba si lui kaya binaba ko na at baka malaglag pa siya. "Kuya vivin!"
Hindi ito nag salita at nakikinig pa din sa ama.
"Simula ngayon... wala ng aalis ng bahay kung hindi importante at matutong magpaalam, got it kids?"
"Yes dad!" sabay sabay na ani nilang tatlo.
Tumango-tango lang si Vincent. "Good. Now, eat."
Tinawag ni calvin si lui na nakasalampak na sa sofa at nakapikit pa. Kumain na kami at parang kiti kiti ang mga ito at hindi mapakali sa kung anong ginagawa nila sa ilalim ng mesa.
Walang umiimik sa hapag hanggang sa natapos na lang kaming kumain. Nagsiupuan naman sila roon sa sofa at busy na sa panonood ng movie habang si calvin at lui naman ay nagkukulitan sa isang tabi.
Hindi ko akalain na mapupunta sa ganito ang hinaharap ko... ang buong akala ko noon ay magiging lawyer ako at makakapangasawa ng abogado din dahil iyon naman talaga ang gusto ko pero tignan mo nga naman, sa amo ko lang pala ako babagsak. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos sa buhay namin lahat iyon ay puno ng kasiyahan, kalungkutan, katatawanan at away na naayos din bago mag tapos ang araw na iyon. Sa mundong ito, nabubuhay lang tayo ng isang beses kaya sulitin na ang mga bagay na mahalaga saainyo.
***
Thank you po sa pag suporta sa istoryang ito sana po ay patuloy niyong basahin ang mga istoryang nabuo at mabubuo ko, salamat.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Sumptuous Heir [COMPLETED]
RomanceAlliana Venice Trinidad. A college student who was supposed to go to law school but lacked the budget and thought of working first, she didn't pass those interview with big companies then she ended up babysitting the Sumptuous heir and being impregn...