Alliana POV
ILANG linngo na Ang nakalipas Mula ng makilala ko ang hazel na iyon. Minsan pa akong isinama ni Vincent sa CSG corp company na pagmamayari Niya at pormal na ipinakilala Niya pa ako Kay hazel. Iba Ang kutob ko sa kaniya, para bang Hindi lang siya basta basta secretary do'n.
"Manang nasaan po so Mang Bert?" Kanina ko pa talaga siya hinahanap dahil Hindi ako mapakali rito sa bahay.
Ibinaba Niya Ang sandok saka tumingin sa gawi ko. "Naroon sa Balkonahe, bakit hija? Aalis ka ba? "
Nakangiting tumango lang ako kay Manang Saka lumabas na para puntahan si Mang Bert Nakita ko Naman agad siya roon na nakaupo at nagbabasa nang diyaryo.
Tumayo siya nang mapansin Ang presensya ko. "Ma'am"
"Mang bert pwede po ba akong magpahatid sa company ni Alvin?" Tumango naman Siya agad at sinenyasan niya akong pumasok na sa loob nang sasakyan.
Iniwan ko muna si Calvin sa isang maid sa bahay, ayaw niya din namang sumama saakin dahil napagod daw Siya sa pagpasyal kahapon umalis Kasi sila ni Vincent at ipinasyal Ito sa Palazzo Verde. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa kumpaniya ni Vincent.
"Mang Bert tawagan ko na lang po kayo kapag magpapasundo na po ako, salamat." Bumaba na ako.
Ngumiti naman siya at tumango. "Sige po ma'am ingat po kayo" aniya pa.
Naglakad na ako papasok sa kumpaniya niya at pumasok sa elevator. Habang nagaantay na makapunta sa floor Kung nasaan Siya at pinagpapawisan na ako ng malalamig sa Hindi malamang dahilan. Nang makaakyat na ang elevator roon ay dumiretso na ako sa office niya madali ko Lang nahanap iyon dahil ilang beses na akong nakapunta rito at may nakalagay sa taas non na office iyon ng ceo.
Nakaawang ng kaunti iyon kaya makikita mo Kung sino ang nasa loob niyon. Sinilip ko lang iyon at gulat na napatingin ako roon nang halikan noong hazel si Alvin. Papasok na Sana ako nang magsalita Siya.
"May usapan tayo at alam kong naalala mo ang lahat ng 'yon kaya please lang... 'wag mo naman akong gawing tanga!" Sinampal niya pa ang kabilang pisngi niyon. "A-alam mo ba na... B-buntis ako at ikaw ang ama paano na lang itong anak natin? Palalakihin ko na walang tatayong ama?!" Singhal nito sa kaniya.
B-buntis Siya at si Alvin ang ama tangina. Hindi ako pwedeng magkamali narinig ko mismo at kitang kita ko na siya iyon.
"Ipalaglag mo" walang buhay na aniya.
"Tangina ano ng nangyari sa pangako mo na ako ang ibabahay mo?! Na ako Lang ang aanakan mo pero tangina ano 'yon bakit ngayon may binabahay Ka na?!"
Ibabahay niya si hazel?! Tangina Sabi na nga ba't Hindi Lang Siya secrtary dito nagpatuhog pa Siya! Hindi ko na napigilan ang luha ko at sumakay na muli sa elevator.
Pagbaba ko ay may mga nakasalubong pa ako na empleyado na nakamasid saakin at ibinaliwala ko na lang sila paglabas ko ay nag para ako nang sasakyan papunta sa inuupahan ko sa biñan.
Kaya ba palagi siyang wala sa bahay dahil inaasikaso niya na si hazel na nabuntis niya din? Akala ko noon ay trabaho lang tapos ngayon magkakaanak siya sa hazel na 'yon ngayon na na ang oras na isisisi ko sa sarili ko na dapat ay hindi ako nagpapadalos dalos?
Hindi ko namalayan na narito na Pala Kami sa kanto, hanggang dito Lang daw pwede ang taxi bawal nang ipasok sa loob. Nag pedicab na lang ako at nang makarating sa purok sais ay dumiretso na ako sa loob ng apartment ko nanghiram pa ako ng Susi Kay tita Cora, nasa bahay Kasi ni Alvin ang Susi ko mabuti na Lang at may duplicate silang hawak.
Inayos ko ang mga gamit ko na nagkalat. Inalis ko din ang mga agiw matagal na din Kasi na Hindi ako nakakauwi rito. Sa ngayon dito muna ako matutulog ayokong umuwi roon kung maari lang ay ng may marinig na katok. "Sino yan?"
Hindi sumagot ang kaninang kumakatok lumabas ako at nakitang naroon si yassi sa harapan ng pinto ko. Anak Ito ni ate Gina pa'no 'to nakababa e taga taas 'to?
"Ninang! Gutom ako ninang Kain kaw?" Bulol na aniya.
Napatawa na Lang ako at binuhat Siya. "Kakain Ka?" Tumango naman Siya.
Dinala ko siya sa kwarto ko at pinaupo roon binuksan ko pa ang T.V. ko para makanood siya.
"Order Lang si ninang para makakain ka na" tumango tango naman Siya habang nakatutok pa din ang Mata sa T.V.
Nag order na lang ako nang pizza, paborito niya Kasi iyon. Nang dumating na ang pizza ay nilantakan niya agad iyon habang nakain pa ay kwento Siya nang kwento. Pagtapos niyang kumain ay nag punta agad Siya sa kama ko, tumabi naman ako sa kaniya nang higa.
"Ninang busog?" Aniya at hinaplos niya pa ang tiyan ko napatawa na Lang ako roon at umiling.
May kumatok ulit at imbis na mag tanning Kung sino iyon ay lumabas na lang ako para tignan Kung sino iyon. Si ate Gina.
"Nawala si yassi sa bahay at alam kong nandito siya. Dito Lang naman napubta 'yang inaanak mo kahit wala ka kumakatok siya rito sa bahay mo." Aniya at pumasok na sa loob.
Close naman kami at masasabi Kong mataray talaga si ate Gina at diretsahan pa Kung magsalita.
"Nga pala hinahanap ka nung sinabi mo sa'king ex mo dati, hinahanap ka niya. " Umatras siya nang kaunti at nabundol niya ang tiyan ko. Napasinghap pa Siya roon hindi niya siguro napansin ang kalakihan Kong tiyan hahaha.
"Tumaba ka ata kumare" aniya pa at tumawa.
"Buntis ako hindi mo ba napansin? hahaha ate Gina talaga oh"
Gulat naman na napabaling saakin ang tingin niya at bumaba sa tiyan ko
"Gaga Ka akala ko magtatrabaho ka lang." Ngumiti Lang ako sa kaniya. "Dati taba lang laman nito ngayon bata na jusko Ka!"
Napahagalpak na ako nang tuluyan Kung strikto si papa ay mas strikto itong si ate Gina kahit Hindi Kami magkadugo. Binuhat niya na si yassi matapos makipagdaldalan saakin at umakyat na sila sa taas.
Nahiga naman ako at natulog na kahit araw na araw pa ay inaantok na agad ako.
***
BINABASA MO ANG
Babysitting The Sumptuous Heir [COMPLETED]
RomanceAlliana Venice Trinidad. A college student who was supposed to go to law school but lacked the budget and thought of working first, she didn't pass those interview with big companies then she ended up babysitting the Sumptuous heir and being impregn...