Chapter 6Sagi's Pov
Lintek namang kakukulitin ng Limier nayon na kung hindi ko pa tinaguan ay hindi pako tatantanan.-_-
Iiling iling akong naglakad habang iniisip kung paano ang schedule ko sa panaderia sa susunod na linggo.One week nalang kasi ay mag kakapasok nako sa school.
Sandali akong natigil sa paglalakad ng mapansin ang ilang lalaki na mga nakapaligid sa bahay namin ni Mari.Humakbang ako upang alamin sa kanila kung anong nangyayari ngunit may pumigil sakin at hinablot ako patago sa isang gilid.
"A--aray!"
Daing ko saka hinablot yung braso sa kaharap ko.
"Pasensya na,Nasaktan kaba sa pag hila ko?"
Paghingi ng despensa ng babaeng napapamilyaran ko.
"Anong kailangan mo?"
Tanong ko sa kanya saka tumingin ulit sa mga lalaking nasa labas parin ng bahay namin.
"Katrabaho ako ni Mari at pinasasabi nya na makitulog kana lang muna sa kaibigan mo dahil hindi sya makakauwi ngayong gabi.Delikado raw kung mag isa kalang.Makinig karaw sa kanya."
Mahinahong sambit nya bago ako hilahin palayo sa lugar nayon.Nung nasa tabi na kami ng kalsada inagaw kong muli sa kanya ang braso ko dahil naguguluhan ako sa biglaang di pag uwi ng kapatid ko at ng mga di kilalang lalaki sa labas ng bahay namin.
"Nasaan si Mari?"
Seryosong tanong ko sa kanya na bumaba lang ang tingin.
"Hindi ko alam basta kaninang umaga sinabi nyang puntahan kita after ng shift ko."
"Sino yung mga lalaki sa harap ng bahay namin?May atraso ba si Mari sa mga yon?"
Sunod na tanong ko sa kanya na hindi agad sumagot dahil siguro hindi rin alam ang isasagot.Umiling nalang ako bago sya talikuran pero humarang ulit sya.
"Ang sabi ng kapatid mo masyado raw mapanganib para sa inyo kung magkasama kayo ngayong gabi kaya humanap kana raw muna ng kaibigan na pwede mong tuluyan.Hindi nya sinabi sakin kung nasan sya at hindi nya rin sinabi kung ano ang dahilan basta sumunod kana lang kung ayaw mong mapahamak ang kapatid mo."
Seryosong sambit nya bago pumara ng trycicle at itulak ako pasakay don at sya narin ang nag bayad ng pamasahe ko.Gulong gulo ang isip ko sa kung sino ba ang mga lalaking yon at bakit hindi umuwi si Mari ngayon.
Bumaba ako sa isang store para bumili ng pagkain ko dahil gutom na rin ako.Hot choco at sandwich lang ang pinaka mura kaya ayon nalang ang binili ko.Naupo ako sa gutter at dun ko na inenjoy ang pagkain ko habang nag iisip kung saan ba ako makikitulog dahil wala naman akong kaibigan na pwedeng takbuhan.
Ilang sandali lang ay natigil ako sa pagkain dahil natinag ako sa patak ng ulan na nagbabadya ng bumagsak.Agad akong tumayo upang sumilong sa store na binilhan ko ngunit nag sasara na rin sila kaya hindi na ako pwedeng mag stay roon.
Wala akong matatakbuhan na kaibigan kaya naman sa panaderia nalang ako pupunta pero wala akong extra key dahil binigay ko kay Limier yon kanina
Pano na ako ngayong gabi?
Felipe's Pov
1 am na kaya naman inihanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa Panaderia upang hindi nako mahirapan pa bukas.
"Anak?"
Tawag sakin ni mama nung makalabas ako ng kwarto.
"Ma?"
YOU ARE READING
Love and Lie
Teen FictionThis story contains matured content so if you are sensitive and a bit innocent you are free to read a new story that will suit to your taste. This story was just made by my bored hand and my naughty brain. Nothing it was imitated so if it is similar...