Chapter 7Sagi's pov
Matapos ng naging usapan namin ni Limier sa taas ay hindi na muli kami nag imikan.Nung bumaba ako ay nagtuloy ako sa pag titinda pero nag bihis muna ako nung uniform ko na nilabhan pala ni ma'am Elineor kaninang madaling araw.
Ang bait ni ma'am Elineor at yung pamangkin nya na si Felipe.Finally i met him.
Napangiti ako ng makita ang anak ng boss ko rito sa panaderia.Mabait din sya at halatang may pinag aralan sa pustura palang nya umaalingasaw na rin ang katalinuhan at kasipagan.
Mabilis lang lumipas ang mag hapon.Walang bagong nangyari at mas lalong walang makulit na Limier.Himala nga at tahimik sya ngayon.Kapansin pansin rin ang pasa nya sa gilid ng labi.Napapansin ko parati ang pagkakaron nya ng ganon na hindi naman mawari kung napaaway o nabunggo lang sa kung saan.
Wala naman akong pake sa sanhi ng kanyang pasa.
Kinagabihan nag madali akong umuwi sa bahay dahil sa pag aalala kay Mari ngunit pag dating ko roon ay bunganga ng may ari ng bahay ang inabutan ko.
"Aba!!Mag dadalwang buwan na e hindi pa kayo mag babayad ng upa!!Binukas nako ng binukas ng ate mo,ano't hanggang ngayon e wala pa sa akin ang pera!!!?Naturingang mga pokpok walang pambayad!!!Anong silbe nung pag sasayaw sa bar ng ka---
Masyadong masasakit ang binibitawang salita ni Aling Rosana kaya naman mabilis ko syang tinalikuran at dali daling umakyat sa tinutulugan namin ni Mari para kunin ang box kung saan ako nag iipon.Labag sa kalooban kong kinuha ang perang inipon ko at binilang iyon.
4k palang ang pera ko.Kulang pako ng 500 para sa kuryente.
Nanghina ako ng isiping dalwang buwang hindi nag bayad si Mari ng upa samantalang sabi nya nung isang linggo na mag babayad sya.
Malungkot akong bumaba at biglaang ibinigay sa tumatalak parin na si Aling Rosana ang 4k.Tumahimik sya at nag bilang bago sya ngumisi sakin na akala mo mag kabati kami."Magbabayad kanaman pala pinatagal mo pa!!"
Singhal nya bago umalis sa harapan ko.Pabagsak naman akong umupo sa upuan namin at sumubsob sa lamesita.
pinaghirapan ko yon para sa maayos na tirahan namin ni Mari pero nauwi lang sa wala.....
Masakit.
Nananakit yung dibdib ko sa kawalang magawa para mabago ang estado naming mag kapatid dagdag pa ang tingin samin ng mga tao.Hinang hina akong tumayo para pumunta sa bigasan namin para mag saing ng pang hapunan namin ni Mari.
Umakyat ako sa taas para mag hanap kung may natira paba akong pera para sana sa pambili ng ulam pero wala ng natira.Sinubukan kong mag hanap sa bag ko at bulsa pero wala talaga.Naupo ako sa upuan at tumitig sa lamesita namin.pinanganak na mahirap gagawa ng paraan para yumaman....
Yan ang motto ko at sisikapin kong matupad.Kahit ang hirap hirap mabuhay sa pang araw araw gagawin ko ang best ko para maka survive.Kahit na anong ibato sakin ng mga tao ipagsasawalang bahala ko na lang at kahit pa magutom ako ngayon gagawa ako ng paraan para makakain, kasi ganon naman ang buhay kailangan mong bumangon para malagpasan ang mga problema.
Matatag akong tumayo at sumandok ng kanin.Kumuha ako ng konting tubig sa lagayan namin at asin na inilagay sa kanin para mag kalasa yung kanin.Naupo ako at nag simulang sumubo ng tubig asin.
sobrang hirapp..
Kung kanina nag papakatatag ako ngayon hindi ko na nakayanan kasi bawat subo ng kanin pumapatak na yung luha ko sa awa sa sarili ko at sa kapatid ko.Hindi ko na alam kung pano ko makakayanan yung nangyayari samin.All my life i've never experience to have a peaceful mind in this kind of life i have.I always have a chaotic experienced when i go out of this fucking hell.
YOU ARE READING
Love and Lie
Teen FictionThis story contains matured content so if you are sensitive and a bit innocent you are free to read a new story that will suit to your taste. This story was just made by my bored hand and my naughty brain. Nothing it was imitated so if it is similar...