Chapter 8
Sagi's Pov.
Tahimik lang kaming kumakain ni Limier nung niluto naming Carbonara.It's been a months since the last time i eat it.Masasabi kong craving satisfied.
"Limier Jaren"
Mahinang wika nya kaya naman nilingon ko sya na nakatingin sa kawalan.
"Pangalan at apilyido mo?"
Tanong ko bago sumubo.
"Limier Jaren Revilla ang pangalan ko."
Pagsabi nya sa buong pangalan nya.Binaba ko naman ang plate at saka humarap sa kanya.
"So?Para saan naman ang introduction?"
Tanong ko bago uminom ng tubig.
"I want you to know me".
Sagot nya bago tumingin sakin ng tingin na nakakatunaw.Napakurap ako saka bumaling ng tingin sa carbonara.
"Anong sinasabi mo dyan?"
Inosenteng tanong ko bago tumingin sa kanya na nag iwas na ng tingin.
"Nothing.Sige na finish your food and go home safety.Ako na bahala dito.I will fix this."
Sabi nya saka tumayo at nag deretso sa taas ng panaderia.Bumuntong hininga lang ako saka inubos ang pagkain ko.
Inantay ko syang bumaba ng ilang minuto pero hindi parin sya natitinag kaya naman nag iwan nalang ako ng notes na pamamaalam.
uwi nako:)
Habang nag lalakad bumalik sakin lahat ng nangyari kaninang umaga mula sa pagiyak ko hanggang sa pagluluto namin ng Carbonara.
Sabi ko sa sarili ko hindi ako tatanggap ng kahit na anong tulong sa ibang tao dahil isusumbat din naman ito sa bandang huli pero bakit kanina....Yung tissue at ang presenya ni Limier yung nakatulong para gumaan yung pakiramdam ko?Normal ba yon para sa isang tulad ko na walang kaibigan na masabihan ng pinag daraanan?Aminado akong masaya ako kasi napagaan ni Limier ang nararamdaman ko pero bilang kaibigan siguro kaya ganon.
Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Mari na nag luluto ng ulam.May kanin narin sa lamesa at coke sa pitsel na lalagyan pa ng yelo.Pinag masdan ko ang kapatid ko na syempre payat pero litaw na litaw ang ganda ng katawan at ng kanyang balat.
Kung di lang sana ganito ang buhay natin edi sana nag aaral karin.
Ngumiti ako ng pagka pait pait bago pumasok sa loob.Natigil sya sa pag hahalo ng mapansin nyang nandito na ako.
"Bat ngayon kalang?"
Pagtataray nya sakin.
sabi na e
"Cleaner ako".
Walang kwentang sagot ko saka ibinaba ang bag ko at kinuha yung yelo para chop chopin.
"Sinungaling!"
Biglang singhal nya na ikinagulat ko pero di ako nagpahalata.Hindi ko sya nilingon at nagpatuloy sa ginagawa.
"Anong sinungaling sa pagiging cleaner!?Tsk!Palibhasa di naranasang maging cleaner!!"
Kunwaring inis na sambit ko sa kanya na matunog namang ngumisi.
"At ikaw pa itong may ganang ma inis samantalang nag sinungaling ka sakin na sa kaklase mo ikaw nakitulog at may pa nood pa kayo ng movie!!Ano sa imagination mo kayo kumain ng spaghetty ha!?"
Singhal nya sakin na ikinakunot ng noon ko.Pano nya nalaman yon?
"Ano bang sinasabi mo!?"
Inis ng tanong ko sa kanya saka inilagay sa pitsel yung yelo.
YOU ARE READING
Love and Lie
Teen FictionThis story contains matured content so if you are sensitive and a bit innocent you are free to read a new story that will suit to your taste. This story was just made by my bored hand and my naughty brain. Nothing it was imitated so if it is similar...