Chapter 44
Sagi's Pov
Malakas na hinampas ni Immanuel sa ulo si Limiera kaya naman mabilis nawalan ng malay ang babae.Bahagya naman akong napaatras dahil bumaling sakin ang lalaki at sa tingin ko ay ganon rin ang balak nyang gawin sakin upang mabilis kaming makuha sa gabing to.
Tangina!Kailangan ko ng tulong ngayon!
"Nasan na ang tapang mo Hale?Kanina lang nariyan pa ang mala tigre mong tingin,ngayon naman para kang pusang nag mamakaawang pakainin"
Mapangasar na wika nya saka itinutok ng baril sakin.Nakaramdam naman ako ng takot dahil isang maling galaw lang ay tyak na mamatay ako ng di oras at hindi pa pwedeng mangyari yon dahil hindi pa ako nakakasama ng mga magulang ko.
"A-ano bang kailangan mo?Pera ba ang gusto mo?Kayang kayang ibigay yon sa inyo ng boyfriend ni Mari kaya please huwag nyo ng idamay si Limiera dito.Kung may atraso man si Mari sa inyo pakiusap mag babayad kami"
Labag man sa loob ko pero kinailangan ko ng mag makaawa sa kanya dahil sa mga oras na ito ay wala akong makitang tao para sagipin kami lalo na't nasa madilim kaming parte ng village kung saan sira pa ang mga cctv.
"Hangal!!!Hindi basta pera ang gusto ko!!!!Kundi ikaw mismo!!!!"
Nagulat ako sa biglaan nyang pag sigaw kasabay ng pag lapit nya sakin saka ako marahas na hinawakan sa buhok at sinikmuraan ng halos ikawala ko sa wisyo dahil sa sakit.Napaluhod ako sa kalsada at mariing napapikit ng sampalin nya ako ng walang kasing lakas.Bumagsak ako at halos sakit nalang sa katawan ang nararamdaman ni ang mga sinasabi nya ay parang isang blur na tunog na dumaraan nalang sa pandinig ko.
"Tanginamo!!!Buhay mo mismo ang gusto kong mawala!!!!!Gusto kong makita mismo ni Mari kung paano kong wawasakin ang batang sumira sa pag sasama namin!!!!!Alam mo bang ikaw ang pinaka salot na dumating samin ha!?"
Nababaliw ng sigaw nya sakin pero hindi ko na maintindihan dahil sa nararamdaman kong sakit na dinagdagan nya pa ng mariin nyang ipatong sa sikmura ko ang kanang paa nya bago yon diinan.
"Ahhhhhhhhhhhhhhh"
Napasigaw ako ng malakas lalo na ng makaramdam ako ng pag suka pero wala miski isang lumabas.
"Namnamin mo ang sakit dahil ilang oras nalang ang itatagal bago ka mamatay ng tuluyan!!"
Galit na singhal nya sakin habang ako ay napapailing na dahil sa discomfort.Sinubukan kong hawakan yung paa nya para maalis pero masyadong mahigpit yung pag kakatapak nya.
"B-b-ba...go a..ako mama...tay s..sisiguraduhin.....kong ka...sama ka"
Hirap na hirap ng sabi ko sa kanya na kitang kita ko kung paano tumawa ng malakas na animoy nababaliw na saka nya tinanggal ang paa sa tyan ko at bumuwelo para sipain ako ng malakas sa muka.
Kuya nasan kana ba??
Napaiyak ako ng maramdaman ang sakit ng bibig ko na ngayon ay dumurugo na.Nanginginig ang kamay kong itinuon sa semento para bumangon pero nag tuloy lang ako sa pag higa rito.
"Kung alam ko lang na ikaw ang sisira samin ni Mari hinayaan na sana kitang mamatay sa kamay ni Benjamin noon!Hindi na sana kita iniligtas para makasama ang totoo mong pamilya gaya ng hiling mo noon!!"
Nabingi ako sa narinig ko mula sa kanya at isang alaala ang pumasok sa isip ko na ngayon ay nabibigyan ng linaw.
Nanghihina ako ng tiningnan ko ang lalaking ngayon ay umiiyak sa hindi ko malamang dahilan.May kinuha sya sa bulsa saka yon ipinulupot sa kamay ko at ng tingnan ko ito ay necklace na regalo pala ni Yali sakin kaya naman mahigpit ang kapit ko rito.May dumating na babae na kaagad akong binuhat palabas ng lugar na yon.
YOU ARE READING
Love and Lie
Teen FictionThis story contains matured content so if you are sensitive and a bit innocent you are free to read a new story that will suit to your taste. This story was just made by my bored hand and my naughty brain. Nothing it was imitated so if it is similar...