EPISODE 45: AGAIN
Kitang-kita ni Nigel at Cristy ang pagyayakapan nina Kenneth at Sean. Dahil sa dala ang alak ay sumugod si Nigel at sinuntok si Kenneth na nagpatumba sa kanya.
“Kenneth?” sigaw ni Sean na gulat na gulat sa bilis ng mga pangyayare. Agad na tinulungan ni Sean si Kenneth.
Tumayo si Kenneth at balak din suntukin si Nigel ng tumakbo si Cristy para pumagitna. Sa nagsisimulang alitan.
“What’s wrong with you?” yamot na tanong ni Kenneth.
“Oo nga Nigel anong problema mo?” maging si Sean ay gulong-gulo sa ginawa ni Nigel.
Tumawa ng sarcastic si Nigel. “At talagang tinanong niyo akong dalawa kung bakit ko ginawa yun? Tang ina Kenneth magiging tatay ka na tapos lumalandi ka pa. At ikaw Sean hindi ka pa ba nakakamove on sa kanya? At talagang gusto mo pa atang maging kabit” inis na inis si Nigel habang binabanggit ang mga salitang iyon.
“Ganyan baa ng tingin mo sa akin? Sa amin ni Kenneth”
Napaisip biglang si Nigel sa mga nasabi niya kay Sean at Kenneth.
“Bakit hindi ba? Halos gawin mo nga ang lahat para makuha mo si Kenneth diba?” hindi pa din nagpapatinag si Nigel. At dahil sa mga nasabi niya ay nakatikim siya ng malakas na suntok mula kay Kenneth na nagpatumba sa kanya.
“Nigel, ito lang ang masasabi ko sayo. Wala kang alam sa nangayayare. Hindi mo ba alam na—“ napahinto sa pagsasalita si Kenneth ng hawakan siya ni Sean.
“Kenneth ako nang bahala” pigil iyak na sabi ni Sean. Humarap siya kay Nigel. “Alam mo Nigel anong problema ditto? Iyang ugali mo at ang madumi mong pag-iisip. Siguro tama nga ang naging desisyon ko na hiwalayan ka.” Pagkasabi niyan ni Sean ay kumaripas na siya ng takbo habang ang kanina pang pinipigil na luha ay tuloy tuloy ang pagbagsak.
Nang makalayo na si Sean ay agad na lumapit si Kenneth kay Nigel at kinewelyuhan ito. “Panalo ka na, ikaw na ang pinili” bulong niya sa kaharap. Bulong na hindi maririnig ni Cristy.
Lumapit si Cristy sa dalawa dahil kinakabahan siya na biglang magsapakan ang dalawa. “Ken let’s go” at hinila na ni Cristy si Kenneth sa nakahigang si Nigel.
Napaisip si Nigel sa mga binulong sa kanya ni Kenneth. “Anong ibig sabihin ni Kenneth na ako ang pinili?” bulong ni Nigel sa kanyang sarili.
Sa kagustuhan niyang masagot ang kanyang katanungan ay agad niyang hinanap si Sean. Bumalik siya bar baka sakaling makita niya na nandoon siya. Agad siyang nagtungo sa pwesto nilang magbabarkada.
“Hey Alexis…” agad na tawag ni Nigel sa pinakamalapit na kaibigan ni Sean. “…nakita mo ba si Sean?”
Hindi sinagot ni Alexis ang tanong ni Sean bagkus ay nagtanong din ito, “Bakit? Anong nangyare kay Sean?”
“Wala naman, hinanap ko lang siya” pagkasagot sa tanong ni Alexis ay agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng bar. Pumunta siya sa hotel na tinutuluyan nila at hinanap sa bawat kwarto na nirentahan nila ngunit ni anino ni Sean ay hindi niya nakita.
“Sean nasaan ka na ba?” bulong niya sa kanyang sarili. Gusto niyang malinawan kung ano ba ang totoong nangyare at ano baa ng tunay na nararamdaman ni Sean towards sa kanya.
Bumalik siya sa dalampasigan at muli itong binaybay, nagbabakasakaling makita niya rito si Sean. Malapit na siya sa pinakadulo ng dalampasigan ng may nakita siyang lalaking nakaupo, likod palang ito ay alam na alam niyang si Sean na ito. Umupo siya sa tabi ni Sean.
Nagulat si Sean ng makita niyang umupo sa tabi niya si Nigel. “Anong ginagawa mo dito?” agad na tanong ni Sean.
Hindi siya sinagot ni Nigel bagkus ay iniba niya ang usapan. “Ganda ng langit no?”

BINABASA MO ANG
W8TING 4 U
RomanceThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...