CURSED 6

6 3 0
                                    

Hello! Thank you for voting ^^ I really appreciate it, anyways I hope you enjoy reading this. By the way this chapter is for you!





"Eeeiiiii ang gwapo niya Audreyana!" Kinurot-kurot pa niya ako sa aking tagiliran.

Kakatapos lang namin mag simba sa kapitolyo kasama ang buong pamilya at humiwalay lang ako nang magpaalam ako kila ama na pupunta sa bayan kasama si Josefin, gusto ko sana bumili ng sinulid at tela para sap ag bu-burda ko. Mahilig akong manahi at nilalagyan ng disenyo ang tela, para sa akin nakakatanggal iyon ng pagod at sumasaya ako sa tuwing makikita ko na ang resulta ng gawa ko.

Ngunit iyun nga nang umabot na kami sa bayan ay aksidente naming Nakita iyong bagong salta na lalaki na nanggaling sa Maynila, at gaya ng naririnig ko mestizo nga ito at napaka-guwapo, ngunit hindi ko nalang iyon pinagtuonan ng pansin dahil mas mayhalaga sa akin ang pamimili ng magagandang klase na tela at sinulid.



"H'wag kang makulit Josefin, namimili pa ako dito oh." Napa-ililng nalang ako sa kaniya. Pagdating talaga sa mga gwapo ay mas maging makulit at malikot iyang si Josefin.

"Hala-hala! Papunta siya dito Audrey!" Hinila-hila pa niya iyung manggas ng damit ko. Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pamimili para makauwi na din kami agad.

"Mas maganda ang quality ng tela na ito Miss." Medyo nagulat naman ako sa biglang pagsalita nito ngunit napangiti din agad dahil sa suhestyon ng isang lalaki. Binigay naman niya iyon sa akin at nang mahawakan ko ito ay tama nga siya malambot pero tuwid ito, sapat na iyon para maging plain ang pag bu-burda ko.

"Maganda nga, Salamat pal---" napahinto ako sa pagsasalita nang maiangat ko na ang aking paningin sa mama para sana magpasalamat nang magulat ako nang mapagtantong sino iyon. Tinignan ko kung nasaan si Josefin, nandoon siya sa likod ng lalaking bagong salta sa bayan namin at tudo ngiti at tahimik na tumitili. Ibinalik ko ang paningin sa lalaking kaharap at napangiwi.

"A-ah Salamat po pala..." Nag dadalawang isip ako kung ngingiti ba ako o ngumiwi dahil talagang kilala na niya sa baryo namin na dati naririnig ko lamang sa mga kapit-bahay at katulong namin pero ngayon nasa harapan ko na siya. Pero at the end nagpasalamat din ako.

"You're welcome and oh please don't call me 'po' parang antanda ko na bigla." At tumawa ito tapos nakikita ang dalawa niyang beloy sa pisngi. Naramdaman ko naman ang pamumula ng mukha ko sa hiya.

Totoo nga ang sabi nila, gwapo siya, maputi na parang may lahing amerikano, maitim at makapal din ang kaniyang nagpipilantik na pilik mata. Yung mga mata niya ay mala-kristal na asul na mga mata na tila nagnining-ning ito sa tuwing tumatama sa sinag ng araw. Matangos din ang kaniyang ilong na tila napakaperpekto, at ang ganda ng pagka curba ng kaniyang matalim na panga, tapos... tapos yung labi niya na tila nagkukulay rosas. Nakakamangha na may tao palang nabubuhay sa mundo na may perpektong mukha. Mukha siyang nahulog na angel ditto sa lupa.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil sabi ni Ama, hindi nararapat para sa isang babae na masyadong tumitig sa isang lalaki ng matagal. Halata nga sa kaniya magsalita na taga maynila siya at maylahi itong taga ibang bansa. Marunong naman ako umintindi at magsalita ng lengguwaheng engles ngunit hindi ko iyun ginagamit araw-araw dahil na din sabi ni Aman a apat marunong daw kaming makibagay sa mga tao ditto sa amin at respeto na rind aw ditto sa nakararami.



"Pasensya na."

"Okay lang haha, pero wow nagtatahi ka din?" Napatingin ako sa kaniya. Siya din?

"Ah oo..."

"Cool! My lola also uhm, nagtatahi din ang lola ko kaya alam ko ang iba't-ibang klase ng magagandang tela dahil ako ang madalas utusan niya bumili." Namangha naman ako dun, kung ganun madami talaga siyang alam pagdating sa tela? Ako kasi medyo lang. Ngunit napangiti ako ng pasekreto nang marealize ang effort niyang magsalita ng tagalog at base sa kaniyang pinapakita ay mahilig siyang magkwento.

"By the way--- uhh ano pala pangalan mo, Miss?" Napakamot ito sa kaniyang batok na parang nahihiya.



"Audreyana..."

"It's nice meeting you, Audreyana. I'm Lucas."



---------------------------



RISA

Tinanaw ko ang mga papalayong rebulto ng mga police na hanggang ngayon wala silang nakuhang sagot sa kanilang imbestigasyon kung ano ang nangyari sa gabing yun. Gusto kong magsalita ngunit kada ibibigkas ko ang labi ko nangangatal ito dahil naalala ko ang mga matang yun. Ang mala-kulay dugo nitong iris. Pero sa kabila nung nakakatakot na mata ay isang napakagandang babae. She's wearing the same uniform like ours, that means she's studying in the same school. Even if she's scary, I still want to thank her. She saved me from those bastard monsters.



Pero how? Hindi siya pamilyar sa akin. Wala akong balak na ipagsabi ko kung sino siya, ayokong mapahamak siya nangdahil lang sa akin at sa tatlong gagong yun! They deserve their death! Dalawa na ang nabiktima nila at napatay na ka schoolmate namin dahil ginahasa nila ito at... at, kitang-kita iyon ng dalawang mata ko! Hindi ko namalayan na nakita nila ako at nakilala at akala ko hahabulin nila ako pero hindi, hanggang dumating ang gabing iyun. Pinalipas lang nila ng buwan bako nila harangan at alam kong isusunod nila ako dahil ako ang nakakaalam sa sekreto nalang iyon. And I thought that night was my last day of breathing but then that unexpected night came.

Hindi ako naniniwala sa fairytale at mga fantasy stories and movies but what I saw that night made my belief shatter. Totoo yung Nakita ko at hindi ako nananaginip. Oo nakakatakot pero merong nagsasabi sa akin na hindi siya monster, nakakatakot talaga siya at hanggang ngayon naninidig ang balahibo ko sa tuwing naa-alala ko ang mga matang iyon lalo na ang ginawa niya sa tatlo---sila ang totoong halimaw! But how did she do that? She didn't even come near us?

I really hope I will meet her soon. But then a flash of scene popped into my mind after the chaos that night. To be honest I'm already okay and I'm feeling fine and about the trauma? It's just a pure act. I know you're already confused. After the chaos that night, a man appeared at my window and I don't have a chance to recognize his face, I was really terrified knowing what happened before that and then that suspicious man appears suddenly?

But to my surprise he gave me this red flower and I don't know kung para saan iyun but I remember what he just said, "bring this always with you for 15 days and you'll be safe." I wanted to ask about that at paano kung malalanta ang bulaklak? Hindi iyon isang artificial flower para hindi malanta. Pero dahil na din sa takot ay sinunod ko nalang kahit he is suspicious. Sinabi pa nito bago siya Nawala sa paningin ko, "Don't say anything about what happened, act like terrified of what happened." That's when I realize, I know he had done something to me kaya wala na akong maramdamang pagka trauma, he did something about me! And in order to thank him and for my savior, I will follow his instructions even if it cost a lot of questions in my head. I don't want those police to hunt that girl who did nothing but save me.



I hear a knock on my door and it gently opens, bumungad doon si Mommy.



"Anak, how are you feeling?" Nag-alalang tanong nito. I don't want to deceive my parents but I have no choice but to act on this lie.

Nakayuko lang ako at umaktong nanginginig. "O-okay lang p-po a-ako." Well, partly yes, I'm fine now Mom. Agad niya akong dinaluhan at niyakap. I immediately look up to see my Mom's face. "M-mom I...I w-want to g-go to s-school..." Alam kong natigilan si Mom sa sanabi ko ut I really want to know who was my savior! I want to thank her for saving me.

"Anak... you're still in your trauma, I can't let you go back to school knowing your condition." Mom, I'm fine now please trust me.

"I can... handle t-this Mom, I p-promise. I... can't miss my exam." I know she will understand. I really love my Mom for being like this. I heard her sigh.

"Just, just promise me that you'll be okay." I smiled.



"Yes Mom, I promise."





And who'd have thought that after a day of searching, I'd finally found out who my rescuer is?





L.M.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AUDREY'S CURSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon