chapter 5
after that chat. magdamag hindi nagparamdam si fer sakin.
nagaalala na ako. ang dami konang chats pero hindi parin siya nagrereply. though iseseen naman non kaagad yung chat ko.
may nasabi kaya akong mali?
is he sick?
mag aala una na ng umaga pero hindi parin siya nagpaparamdam.
sht. inaantok nako.
kinaumagahan.
i woke up early. maaga din akong nakatulog kagabi dahil sa pagod. magyaya ba naman ng inuman si marie buti nalang nakitikim ako. sino nalang maghahatid sakin?
i checked my phone but no messages from fer.
active now naman siya, hindi ako sanay sa ganto. may nangyari kaya?
matawagan nga.
isang ring palang he ended up the call na.
dun lang siya nagseen.
bago pako makapag type to ask him why naunahan na ako neto.
"ill talk to you later, nasa duty ako. " yun lang?
wala manlang goodmorning?
wala manlang explanations why he ignored me ?
hinayaan ko nalang.
he said naman na maguusap kami mamaya kaya magaantay nalang ako sakanya.
instead na magmukmok ako i answered those activities that sam needs to comply to.
kailangan na daw ipasa until 5pm today, keri naman . essays lang naman kaya madali lang para sakin.
while answering panay tingin ko sa phone ko.
halos magdamag nakong nakasimangot dito.
until naglunch at natapos kona yung activites wala parin siyang chat, may problema ba yon?ngayon lang niya nagkaganito.
i dont know why but it irritates me. ang hirap masanay.
naghintay pako nang naghintay.
i did everything na.
i jog.
i exercise.
nanood nako ng movies.
lahat, ginawa kona hanggang sa mag 9pm na wala parin siyang chat.
nululungkot ako.
magdamag lang ako nakatulala hanggang sa 11pm na ng gabi nung magchat siya.
"goodevening maganda kong kaibigannn"
but instead na batiin ko siya i ask him
"what happened?why are you ignoring me?"
antagal niyang magreply.
"wala poooo pagod lang" but im not convinced.
"yung totoo fer, are you sick?what?what happened?please tell me. "
antagal bago siya nakasagot.
then he called.
"rein.."
hindi ako sumagot.
"rein i like you. nagseselos ako. naiinis ako sa sarili ko. gusto ko ako lang, ayaw ko nang may papalit sa posisyon ko bilang kaibigan mo. gusto ko ako lang rein. ako lang"
natahimik ako .
nanginginig ako.
bumuntong hininga siya "alam kong mali, alam kong may rules tayo. alam koyon. pero mapipigilan mo ba ako?hindi ka mahirap mahalin. you are so important to me. naiinis ako sa sarili ko dahil nangako ako, nangako tayo sa isat isa pero eto, marupok. nahulog sayo. sa sarili kong kaibigan."
"but please, kahit pagkakaibigan natin ay nakataya dito allow me to love you even your away. allow me to stay with you kahit aayaw kana. allow me to feel the love that you really deserved. alam kong hindi basta basta ang pagsugal nato pero isusugal ko lahat para sayo. hindi ko alam kung kelan nagumpisa pero habang tumatagal ay minamahal kita."
"susugal at susubok ako kahit sa huli ay alam kong talo"
Tumulo na yung luha ko.
dahil sa pagkakataong ito hindi lang pala ako ang nahulog. sa pagkakataong ito kami ang natalo sa sarili naming laro.
YOU ARE READING
some other time
Non-FictionSiguro nga ay nasa tamang oras tayo pero sa maling panahon.