CHAPTER 5: WE KEEP WASTING COLORS

80 3 0
                                    

Simon's P.O.V:

Nasa kotse na kaming dalawa ni Asthasia, I'm now wondering kung ano sinabi niya kay Bellamiere para matakot ng ganon. Tahimik lang kami habang bumabyahe haggang makarating kami sa apartment niya, we saw Xyan waiting for her

"Thank you sa paghatid" -Xyan

I look at Asthasia, she smiled and waved her hand, I smiled back and get back inside my car, I once again look at her... Bat parang may mali?

Janice P.O.V:

Nagchachat kami ngayon nina Shaharra at ni Asthasia, naikwento niya na nagpakita yung Ex Girlfriend ni Simon sa restaurant kung saan kumain silang dalawa, Si Asthasia daw ang pumili ng place kasi alam niya mag sumusunod kay Simon, and since may pagka detective tong babaeng to, nakilala niya kung sino yun from Family Background, Hometown, Address to her plan, nung highschool nga kami siya yung katulong namin mang hunting ng ex namin ni Shaharra, Miss detective Conan pa nga tawag naming lahat sa kanya noon.

/ON CHAT/

Sha: So pano mo nga nalaman yung plano

Janice: oo nga, wala naman ata sa social media niya yun

Asthasia: syempre may nagsabi sakin

Janice: sino?

Sha: who?

Asthasia: I don't know, may nagtext sakin na unknown number eh, then sinabi niya lahat ng plano nung girl, At first Hindi ako naniwala but nung biglang nag call sa akin si Vincent na nandon daw yung Ex ni Simon sa bahay nila, napaisip ako, kung kilalanin ko kaya siya, and then yun, nalaman ko yung madami sa personal info niya

Sha: iba ka talaga, so bale yung unknown number din yung nagsabi sayo na sinusundan ka nung girl

Asthasia: Yes, that person also told me about the restaurant we eat at, I should pick a far place daw so that I know na sinusundan talaga si Simon, si Simon ang sinusundan hindi ako, Di ko sinabi sa kanya kasi kakaayos lang namin, if I have time nalang

Janice: Alam mo ang tibay niyo no, I really thought mag hihiwalay na kayo because of the incident tas hindi pa pala

Sha: oo nga akala ko matutulad siya satin eh

Asthasia: Makapagsalita ka ah, diba umamin ka na kay Matthew? what happened?

Sha: Asthasia pagnagkita tayo, pasapag ha mga bente

Asthasia: sige na mamaya na ulit, I have work pa eh, mas priority to kesa sa inyo

Sha: Sama talaga nito, sige bye guys

Janice: Sige later ulit goodbye ng marami

-

Napakamot ako sa ulo ko, ang kulit talaga ng dalawang to. Hihiga na sana ako para umiglip saglit, when my phone suddenly rang, it was Erika, my friend, I answered the call

/ON-CALL/

"Hello, bat ka napatawag?" tanong ko sa kanya

"Janice, gusto mo sumama sa blind date?" tanong rin nito

"nako pass muna ako jan, focus muna ako sa work ko" sabi ko

"nababaliw ka na ba, hindi naman pwede sa work lang umikot buhay mo diba? Sabihin mo takot ka lang masaktan nanaman, Blind date lang naman eh, di mo naman jojowain kaagad. Mag sama ka din ng ibang friends mo para hindi ka out of place, mahiyain ka pa naman" sabi nito

"mga taken na yung mga yun, feel ko di sila sasama" sabat ko sa kanya

"try mo lang then chat mo ko if may pumayag at ilan sila, bawal ka humindi, nasabi ko ng sasama, next Saturday yan ha, Salamat!" narinig ko pa ang pagtawa nito ng mahina sa telepono. She End the call and think if I can invite Sha, since di pa naman sila ni Matthew, alangan namang si Asthasia I-invite ko diba?

All we knowWhere stories live. Discover now