Royal 7

0 0 0
                                    

Quinta's POV:

"As you wish Milady"

Sabi ni Wrath at mabilis na lumipad papunta sa kalaban. Sobrang bilis naman niya. Bakit milady tawag niya sakin? Akala ko ba galit siya sakin? So confusing ha.

"Playing dirty Vaughn ha. Pero I like that" sabi naman ni Leo "play dirty on me ka sakin pag natalo kita" dagdag niya at kumindat pa sa akin.

"Bastos ka. Pudpudin mo yan Wrath!" sigaw ko at bigla naman pinaulanan nang mga magic projectiles si Leo na siya namang sinasangga niya habang nagtatapon nang mga magic projectiles.

"Tulongan mo kaya si Wrath na atakehin yung kalaban mo imbes na tumunganga ka diyan" sita sakin ni Lust.

"It won't be fair naman kung ganon. Gusto kong malaman muna kung ano ang mga kayang gawin ni Wrath and like hello, kitang kita mo naman na lamang na lamang si Wrath oh. Mapapatumba niya yan" sagot ko naman kay Lust.

"Tulungan mo na. Malay mo baka nagpeprepare lang yan para icounter attack si Wrath. Plus, malakas magconsume si Wrath nang magic power. Mauubos ang stored magic sa kanya pa lang. Alam mo naman na nahihirapan ako magcollect nang magical energy" sagot naman ni Lust "kung ayaw mo, let me take over. Ako nang tutulong kay Wrath" dagdag pa niya.

"Okay fine. Sige na. Tutulongan ko na siya. Baka sisihin mo pa ako pag natalo tayo" sagot ko naman kay lust.

"Malevolent thunder!" Sigaw ni Leo habang nakatingin sa akin.

Wait... bakit sa akin siya nakatingin. Diba si Wrath ang kalaban niya? Nasaan na si Wrath?

Hinanap ko si Wrath at di ko nakita ni anino niya

"You're thinking siguro kung nasaan ang alagad mo noh? Well, tinago ko muna sa pocket dimension ko. Pag natalo moko, makakaalis siya dun. Pero pag ikaw natalo ko, papakawalan ko din siya pero hihigupin ko muna lahat nang magic niya" sabi ni Leo at dinagdagan niya pa nang pagngisi niya.

"Walanghiya ka. Hinding hindi ko hahayan na gawin mo yun sa kanya" sabi ko naman sa kanya.

"May nakakalimutan ka ba?" biglang tanong sakin ni Leo. Bigla ko naman naalala ang spell na binitawan niya kanina. "Mukhang naalala mo na ah. See you nalang sa date natin at thank you sa magic mula sa alagad mo" dagdag niya at nagsnap nang kamay

Shit... mukhang galing sa taas ang spell na gagamitin ko at mukhang malaki ang area nang spell niya.

"Lust help me. Pano to?" tanong ko kay lust

"Isa lang ang makaktulong sa iyo ngayon" sagot naman ni Lust. "Sabihin mo, Book of the Great Pride, conqueror of worlds and master of control, I summon thee. Take over" dagdag niya

"Book of the Great Pride, conqueror of worlds and master of control, I summon thee! Take over!" Sabi ko at may lumabas na magic circle sa paanan ko at nilukuban ako nang purple na liwanag.

Bakit parang inaantok ako?

"Rest for now Vaughn, let the bitch of a Pride take over" sabi nang isang malditang boses sa isip ko.

"Game over for you Vaughn" sabi ni Leo at naglabas ang langit nang napakaraming kidlat at mukhang tatama sakin.

"Ikaw na ang bahala kung sino ka mang boses" huling sinabi ko at nawalan na nang ulirat
----------

Book of Pride's POV:

"Yes Vaughn. Ako na ang bahala dito. Patikim pa lang ang ginawa ko kanina. Babawiin natin si Wrath. Pangako ko yan sayo" huling sabi ko bago nakatulog ang diwa ni Vaughn.

Royal Biblia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon