Royal 9

2 0 0
                                    

Quinta's POV:

Shet. May nakakita sa amin sa napakaawkward na position na ito. Nakakahiya. Ano nalang iisipin nila? Na kaladkarin ako? Parang OA dun sa kaladkarin. Pero kahit na.

"Ay akala ko ba di mo bet yang si Leo? Ikaw Vaughn may kati ka din ha" parang boses ni Riss yun ah.

Idinilat ko ang mata ko at nakita ko si Riss at Liss na nakatayo sa pinto. Naramdaman ko ding lumuwag ang paghawak ni Leo sa palapulsohan ko. Itinulak ko si Leo at nahulog siya sa lapag. Tumayo ako mabilis at tumayo.

"Sis bakit kayo nasa ganong posisyon? Nakaabala ba kami sa gagawin niyo? Sabi ko nang dapat pala inantay nalang natin siya. Sorry Vaughn if di kayo natuloy" sabi naman ni Riss.

"Sissy masyado pa kayong bata para gawin ang mga ganyang bagay. Ano nalang sasabihin nang mga tao? Magiging kahihiyan yan sa family mo" sabi naman ni Liss.

"OA mo sis. And wala kaming ginagawang masama. Tinutulongan ko lang si Leo pero tinakot niya ako nang mga about sa multo eh may pagkamatakutin pa naman ako. Kalimutan niyo na yung nakita niyo. Jusko kayong mga babae kayo" sabi ko naman sa kanila. Naalala kong nahulog pala si Leo sa sahig. Tinulungan ko siyang makatayo at pinaupo sa kama. "Okay ka lang?" tanong ko naman kay Leo.

"Okay lang naman pero grabe ka. Tinulak mo pa talaga ako eh paalis naman na ako sa taas mo." sabi ni Leo.

"Ikaw kasi. Kitang matatakutin ako tinakot mo pako at minanyak pa. Kaya ayan tuloy napala mo." sagot ko naman sa kanya

"Ay lover's quarrel na agad. Wag mo na awayin yang jowa mo sissy" pagbibiro pa sakin ni Riss

"Over my gorgeous body" sabat ko naman

"Over your body pala gusto mo babe. Girls labas muna kayo. Mag oover her gorgeous body muna ako" sabat ni Leo at tumawa

"Manahimik ka nga. Let's go na mga sissy. Nasasayang oras ko sa damuhong yan" sabi ko at nilapitan si Riss at Liss para pumunta sa cafeteria.

===================

"Thank you sa pag invite sakin Liss na sumamang kumain sa inyo" sino pa nga ba? Si Leo. Tong si Liss kasi eh inimbita pa to si Leo. Hay nakakahighblood.

"Walang anuman Leo" sagot naman ni Liss at nginitian pa si Leo.

"Sis, yung pinggan madudurog. Hinaan mo lang" biro naman ni Riss.

Di ko namalayan na namumurder ko na pala yung pagkaen ko.

"Ay sorry. May asungot kasi" parinig ko naman sa not welcome guest namin.

"Ano yun Quinta? Cute? Thank you" sabat ni Leo sakin.

"Anong cute? Walang cute sayo. Oo may dimples ka tas medyo singkit ang mata mo na may mahahabang pilikmata. Tas ang perfect na matangos mong ilong. Tas ang perfect set of your white teeth. Plus yung red lips mo na parang nangiinvite na halikan. Anong cute diyan? Di ka cute guwa--"

"Ano ako? Guwapo? Perfect ang nose ko? Lips na inviting?" sabi naman ni Leo at tumawa.

"Anong pinagsasabi mo? Di ko sinabi yang mga yan noh. Wag assuming" sabat ko naman sa kanya.

"Sis, actually yan yung sinabi mo before ka niya pinutol sa sasabihin mong gwapo siya" bulong naman sakin ni Liss.

Huh? Whut? Akala ko ba sa isip ko lang sinasabi yun. Fuck!!! Lupa bumuka ka. Lamunin moko. Nakakahiya.

"Mali lang kayo nang nadinig. Di ko kaya sinabi yun" pagdedefend ko naman na di ko sinabi yun.

"Okay sissy. Sinabi mo eh" pang aasar naman sakin ni Riss. "Ikaw sissy ha. May pagnanasa ka pala dito kay Leo. Nasa loob din pala ang kulo mo" dagdag pa niya.

Royal Biblia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon